WALANG oras na sinayang ang aktor na si Jelome. Pagkalabas na pagkalabas sa opisina ng kaibigang direktor na si Jericho ay agad siyang humakbang palabas ng set upang maghanap ng maayos na signal at maka-usap ang dating kasamahan sa Ospital na si Zee. Kulob kasi ang area ng lokasyon kaya't mahihirapan kang sumagap ng internet connection o malakas na signal sa loob. Kung mayroon ka mang madadagit ay swertihan na lang at hindi rin iyon ganoon kalakas kung sakali. Daig mo pa ang nakikipag-usap sa isang robot sa sobrang putol-putol. Hindi rin kayo magkakaintindihan ng maayos ng kausap mo.
Laking pasasalamat ni Jelome na ganoon ang naging set up nila. Mukhang umaayon sa kaniya ang tadhana ngayon dahil malabong makapag-usap ng matagal at maayo si Meera at ang sinasabi nitong kasintahan niya, na pinangalanan niyang Byron. Kung totoo man na Byron ay wala siyang pakialam.
Bukas ay magsisimula na ang patayang shoot nila para sa pelikula. Ibig sabihin ay matutuon doon ang buong atensyon ni Meera. Mauubos ang oras niya sa paghahanda at pagkakabisa ng script, at dahil sapagod maghapon, ang natitirang libreng oras niya ay magagamit niya bilang pahinga. Kung tatawag man ang Byron na iyon ay hindi rin sila makakapag-usap ng maayos. Takot sa dilim si Meera kaya't hindi ito lalabas ng gabi upang humanap lang ng internet connection. Mukhang nakadapo nga sa palad niya ang swerte ngayon.
Ilang buwan silang mamamalagi dito, at sisiguruhin ni Jelome na bago sila bumalik sa kabihasnan ay kanya na si Meera at wala nang babalikan pa ang Byron na iyon. Ngayon pa ba siya susuko? Ngayon pa bang unti-unti na ulit siyang minamata ni Meera? No fvking way. Over his drop dead hot and intelligent body. Nararamdaman niyang mayroon pang gusto ang aktres sa kaniya, na hindi niya lang ito maamin sa sarili dahil sa trauma at takot na nararamdaman sa kahapon na hanggang sa ngayon ay bitbit pa rin. Naiintindihan niyang hindi magiging ganoon kadali para kay Meera na buksan muli ang sarili upang magmahal lalong-lalo na sa kaniya, sa isang taong parte na ng nakaraan. Sa isang taong nag-iwan ng lason sa kaniyang katawan at hapdi sa puso at isipan. Lalo na at malala ang trust issues ni Meera. Pero kahit ganoon ay hindi niya ito susukuan. Sabi nga ng kaniyang tatay noon “Follow your dreams.” Kaya heto siya, parang aso na bumubuntot at sunod nang sunod sa pangarap niya, si Meera.
“No matter how long it will take, no matter how hard it is, I’ll stay and do my best to win Meera back,” he said to himself desperately.
Mas mainam na matalo siyang lumalaban kaysa matalo na wala man lang ibang gianwa kung hindi gayahin si Juan Tamad na walang ginawa kung hindi ang hintayin mahulog ang bunga sa kaniyang bibig. At least kung matatalo man siya;t uuwing sawi at luhaan, walang gaanong pagsisi dahil alam niya naman sa sarili niyang ginawa niya ang lahat sa abot ng makakaya, sumubok siya.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga dahil wala siyang masagap na signal. Kahit katiting na linya man lang ang magpakita sa itaas ng cellphone ay wala.
“Damn. Nasa bundok ba kami?” Iritado niyang anas sa sarili. Itinaas taas niya ang kanang kamay na may hawak na cellphone, iwinagayway niya iyon sa himpapawid at muling tiningnan pero wala pa rin.
Para siyang siraulong paikot-ikot sa labas. Kanina pa siya sinusulyapan ng isang manggagawa nja sa tingin niya ay parte ng production team sa ilalim ng creatives. Ito ang mga gumagawa at naghahanda ng mga props na ginagamit nila sa shoot upang mas maging at magmukhang katotohanan ang lugar kung saan nila kinukunan ang mga senaryo.
Napasigaw na lang siya ng ‘Yes!’ dahil nagkaroon ng himala at mayroong nagpakita na isang guhit sa itaas na bahagi ng telepono. Wala na siyang sinayang pa na oras at pagkakataon, dali-dali niyang tinipa ang numero ni Zee na nakuha niya lamang sa direktor kanina. Wala ito sa listahan ng contacts niya dahil pinalitan niya ang numero nang bumalik sa industriya. Tanging malalapit na kaibigan, ilang miyembro ng pamilya, at numero ng iniirog na si Meera ang natira. Nasa dalawampu’t lima lang ‘ata.
“Damn!” Mariin ang pagkakahawak niya sa cellphone. Sa mga oras na iyon ay parang gusto na niyang ibato sa kinaroroonan ng mga matatayog na puno ang kaniyang cellphone. Pagkatapos niya kasing pindutin ang dial button ay biglang nawala ang nag-iisa at natatanging guhit sa itaas.
“Okay. Binabawi ko na na nakadapo sa akin ang swerte,” frustrated niyang saad.
Hindi na nakatiis ang binata at nilapitan ang ilang manggagawa sa gilid. Biglang nagsitikom ang bibig nila at nagsibalikan ang mata sa gawain nang makitang humahakbang papalapit sa kanila ang aktor.
Ngumisi siya. Mukhang akala nila ay sisitahin niya ang mga ito’t pagagalitan.
“Magandang gabi ho,” magalang at masuyo niyang bati sa mga manggagawa.
Saglit silang tumigik sa ginagawa upang tingnan niya. Ang ilan ay tumango at ang tatlo ay nagsalita. Tanginang tatlo lang ang nagkaroon ng lakas ng loob upang magsalita.
Do I look like a scary monster? He asked himself.
“Magandang gabi rin ho, sir!”
Saglit na natawa ang aktor. Lumabas tuloy ang malalim niyang dimple na kinababaliwan tusok-tusukin ni Meera noon.
“Masyo naman ho kayong pormal. Jelo na lang ho, huwag na sir o doc.”
“Aba’y nakakahiya naman ho, sir. Manggagawa lang po kami rito at pa-extra extra lang.”
Ibinulsa ni Jelome ang isang kamay sa butas ng pantalon. Ang cellphone ay nanatili sa kanan niyang kamay, naghihintay at nagbabakasakali ng himala. “Ano ba naman ho kayo. Wala pong aktor at manggagawa lang dito. Lahat ho tayo ay pantay-pantay at pare-parehong tao. At isa pa ho ay para na tayong isang pamilya sa set kaya walang kaso sa akin kung tatawagin niyo ako sa palayaw ko,” paniniguro niya.
Sabay-sabay nagkamot ang dalawa sa likuran at isang alanganing ngiti naman ang ibinigay ng nasa harap, ang kanina pa sumasagot sa kaniya na sa tingin niya ay ang pinakapinuno o kapitan nila.
“Sige na ho, Jelo na lang.”
“Aba’y sige ho, Jelo,” naiilang na pahayag ng nakasuot ng kulay asul na sando. Kumamot pa ito sa ulo matapos sambitin ang palayaw niya.
“Sir este Jelo, matanong ko lang po sana kung bakit kayo nandito sa labas? Gabi na po, malamig at malamok dito sa labas. Baka ho magkasakit kayo o magkapantal-pantal.”
“Ah, matibay ho ang resistensya ko,” paniniguro niya at saglit na lumabi upang sabihin ang problema niya. “May kailangan ho sana akong maka-usap, iyong dati kong kasamahan sa Ospital, mukhang may sasasabihin ho ‘ata na importante ngunit hindi namin ma-contact ang isa’t-isa,” mahabang litanya niya.
Hindi niya alam kung ano ang tunay na pakay ni Zee sa kaniya. Ngunit tulad ni Jericho, masama rin ang kutob niya tungkol dito. Mukhang hindi iyon magiging maganda para sa kasisimula pa lang na pahina nila ni Meera. Kaya ngayon pa lang ay sasalubungin na niya sa halfway at agad na sususulosyunan bago pa lumala at madamay ang relasyon nila.
“Ay, ganoon ho ba?” Saglit itong tumigil nang bumulong ang katabi sa kaniya. Kumamot siya sa buhok dahil mukhang inuutusan siya nito na magsalita.
“Ikaw na kasi ang magsabi,” siniko niya ang katabi.
“Ayaw ko pre. Nahihiya ako kaya ikaw na lang,” sambit nito at siniko rin pabalik ang kaibigan.
Pabirong tumikhim ang aktor upang kunin ang kanilang atensyon matapos ang ilang segundong pagsisikuhan sa isa’t-isa at sa pagtuturuan. Mukhang walang may balak magpatalo sa kanila.
“Pasensya na ho kayo sa inaasal ng mga kasamahan ko,” paumanhin ng kapitan.
“Kung signal ang hanap mo Jelo, maglakad ka pababa kaunti doon,” itinuro niya ang direksyon sa timog na bahagi. Sinundan ng mata niya ang itinuturo ng ginoo. “Dire-diretsuhin mo lang ‘yan at pagbaba mo ay may makikita kang tulay. Doon sa parte na ‘yon ay may kaunting signal, na sa tingin ko ay sapat na upang makausap mo ang dating kasamahan sa Ospital.”
“Ganoon ho ba?” Tatango-tangi niyang saad at ngiting tagumpay dahil sa wakas ay makakausap na niya ang dapat maka-usap. Magkaka-alaman na kung ano nga ba ang tunay na pakay ni Zee sa kaniya. Pakiramdam niya ay mahalaga ito dahil hindi naman aabot sa punto na tatawag ang doktorsa sa direktor para lang sa wala, o para lang mangamusta.
“Kaso mag-iingat ka ijo at marami kang madadaanan na aso pagbaba,” dagdag paalala niya.
“Ganoon ho ba,” alanganin niyang saad. Napangiwi siya dahil hindi siya mahilig sa hayop lalo na sa aso. “Diretso lang ho ano?” Pagka-klaro niya.
Nagsitanguan silang lahat. “Sige ho, mauuna na ako. Maraming salamat ho,” aniya’t sumaludo sa kanila.
“Wala po iyon sir este Jelo,” nahihiya niyang sambit. Muli ay napakamot ito sa ulo.
Muling nagpaalam at nagpasalamat si Jelome sa kanilang tulong. Tama lang pala na lumapit siya’t nakipag-usap sa mga ito dahil sila pala ang magiging susi sa problema niya.
Sinindihan niya ang flashlight ng cellphone dahil ang ilang streetlight at pundi at hindi gumagana. Kung gumagana naman ay masyadong mahina at hindi sapat ang enerhiya upang magbigay ng liwanag sa paligid.
Totoo nga na maraming aso. Ngunit tulog naman na ang ilan at nakatali naman sila kaya hindi siya mahahabol. Iyon nga lang ay maingay sila sa kakatahol.
Nang marating ang tulay na tinutukoy ay agad niyang sinindi ang cellphone. Mayroon itong tatlong guhit. Agad niyang tinipa muli ang numero ng doctora at walang inaksayang oras, pinindot niya agad ang dial button.
Ilang segundo matapos ang tatlong ring ay sumagot agad si Zee.
“Good evening! This is Cree Zee Cedo RMT., MD.” She paused for a while. “How may I help you?”
“It’s me, Zee,” he told her.
“Oh! Jelome, the father of my unborn child. Mabuti naman at naisipan mong tumawag. Balak ko na ipalaglag ang anak mo,” mapakla niyang saad.
“What are you talking about, Zee?” He asked, with a clueless expression plastered within his face.
“Idiot. I am 2 weeks pregnant and you’re the father, Dr. Villamin.”