Kabanata 24

1476 Words
UMIKOT ang dalawang mata ni Meera dahil sa pahayag na iyon ng kaharap niyang aktor. Bumuga siya ng hangin sa kawalan at iniwas ang paningin. “Ang kulit mo. Hindi nga ako nagseselos sa kaniya,” pagpupumilit niya. Kanina pa kasi ipinagsisiksikan ni Jelome sa kaniya na nakakaramdam daw siya ng selos o inggit kay Armida. Ang akusasyon na iyon ay pawang maling akusasyon lamang at walang katotohanan. “Your actions speaks louder than your words, Meera.” Malakas ang kutob niyang nagseselos nga ito kay Armida. Unang araw pa lang ng muling pagkikita at paghaharap-harap nilang tatlo ay ramdam na niya ito. Lalong lalo na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi makakatakas sa kaniyang mata kung paano gumuhit ang sakit sa dalawang mata ni Meera noon sa parking lot, noong nakita niya sila ni Armida na magkasama at sabay na lumabas ng elevator. Lahat ng insidenteng iyon ay wala lang at hindi inaasahan. Nakasakay na siya ng elevator noon pababa sa basement sa pagbabakasakaling naroon ang hinahanap, si Meera. Dalawang palapag bago ang basement ay biglang bumukas at sumukay si Armida. Hindi niya naman pag-aari ang elevator kaya sino siya para itaboy ang kapwa aktres, hindi ba? Pilit na isinisiksik ni Almira ang katawan sa kaniya ngunit panay ang ilag niya. Nang hindi makatiis ay pinagsabihan na niya ito na itigil ang ginagawa dahil hindi siya interesado at desidido siyang makipag-ayos at gawin ang lahat balikan lang siya ni Meera. Ngunit hindi nakinig ang aktres. She even tried to reach for his lips and kiss him. Mabuti na lang at mabilis siyang naka-ilang, at mabilis niyang naiharang sa pagitan nila ang kamay niya. Kung hindi ay magkakaroon na agad siya ng kasalanan kay Meera. Nagalit si Armida sa ginawa niyang iyon. Isinusumbat niya ang namagitan sa kanila ilang taon na ang nakalipas. Hindi niya naman iyon ginusto at sariling desisyon. Kung ano ano pa ang sinasabi ng dalaga habang nasa loob sila. Ganoon na lamang ang gulat niya ng lumingkis siya na parang sawa sa kaniyang braso. Bago niya iyon maalis ay bumukas na ang pinto ng elevator. At kung sinu-swerte nga naman siya ay nakita pa iyon ni Meera. He tried to approach her and explain his side, pero niya niya itinuloy dahil magtutunog defensive lang siya at paniguradong hindi rin naman makikinig si Meera sa kaniya. Mas lalong ikinagulat ni Jelome ang ginawang pagpasok ni Armida sa sasakyan niya ng walang pahintulot. He did not even say a damn word. Hindi niya inanyayahan ang aktres, kusa na lang itong sumakay. Damn! Meera might get the wrong idea, he said to himself. “Hello?” Meera waved her right hand. Ginawa niya iyon ng mabilis ngunit paulit-ulit sa mismong tapat ng mukha ni Jelome. “Earth to Jelome. Earth to Jelome,” aniya. “H-ha?” He looks clueless. Kanina pa siya tulala at hindi namamansin. Iyon naman pala ay lumilipad na ang isip. “Kanina ka pa tinatawag ni Direk. Anong ha ka riyan,” wika niya. Kasabay ng pagbukas sara ng bibig ay ang paulit-ulit niyang pag-irap sa aktor. “Damn. I’m sorry. Gaano na ako katagal missing in the action, sweetheart?” “Mga lima o anim na minuto lang naman siguro. Kung saan saan kasi lumilipad iyang utak mo,” panunumbat niya. “O, ano? Saan ka dinala ng utak mo? Nakaabot ka ba sa France, sa Dubai, o kung saang sulok man iyan.” “Langit, Meera.” “Gago?” Hindi na niya napigil ang sarili na magbitaw ng pangit na salita. “Kung ano ano kasi iniisip mo kaya ganyan.” “I was thinking about you, Meera. About what happened to us earlier and guess what, I almost reach heaven and I can hear angels singing in my mind.” “Kung ano ano nanaman ang pinagsasabi mo. Puntahan mo na si Direk at baka magalit pa iyon sa ‘yo.” Umiwas siya ng tingin at sinikap na huwag kagatin ang pang-ibabang labi. Baka kasi masugat iyon at isipin pa nila na si Jelome ang may gawa. “Yieee. Concern ka na sa akin ngayon ha,” pang-aasar niya. “Patawa ka talaga,” sarkastikong anas ng aktres. “At umuubra naman! Ayan o,” sambit niya. Halata kasing nagpipigil lang ito ng ngiti. Tumikhim siya. Bumalik sa diretso at strikta ang mukha niya. “Will you just go?” Nawala ang pinipigilang ngiti. Napalitan iyon ng simangot. “Kanina pa dapat ako aalis kaso pigil ka naman ng pigil diyan. Paano naman ako aalis, aber? Paano ko naman matitiis ‘yung soon to be wife ko na ganiyan kaganda? “Then go. No one is forcing you to stay, Jelo.” “I know. And you don’t have to either ask or force me, because willingly, I’ll stay with you through up and down. Bright or dark phase, you have me, Meera.” Through up and downs in any phase, huh, she bitterly mocked in her mind. Kaya pala siya nito iniwan noong nasa dark phase siya. Kaya pala ito naging missing in the action noong mga panahon na kailangan na kailangan niya ng kasama. Mali rin ni Meera dahil masyado siyang naging dependent kay Jelome. Mali iyon. Hindi dapat ganon. Kahit magkaroon ka ng karelasyon at kasangga sa buhay ay hindi mo dapat idepende ng buo ang lahat sakanya dahil ang taong iyon ay hindi mo alam kung hanggang kailan mananatili sa ‘yo. Oo, siguro nga mahal ka niya at malinis ang intensyon niya sa ‘yo. Pero ang tanong, hanggang kailan? Remember and always keep in mind that the only permanent in this world is chance. “Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Pasensya na,” malumanay niyang pag-amin. “You don’t have to say anything, sweetheart,” he assured her. Inabot niya ang kanang kamay ni Meera at dinala iyon sa kaniyang labi. Tiningnan niya ng diretso sa mata ang aktres at saka ngumiti ng matamis. Seconds after, naramdaman na ni Meera ang labi ng aktor sa kaniyang noon. Mariin niyang ipinikit ang dalawang mata at ninamnam ang sandaling iyon. “Girl I’ll stay through the bad times,” Jelome started singing the lyrics of the song ‘With a Smile’ by Eraserheads. Hindi niya inalis ang mata sa mata ni Meera, at ang hawak niya sa kamay ng dalaga, habang kumakanta. “Even if I have to fetch you everyday. We’ll get by with a smile. You can never be too happy in this life. In w world where everybody hates a happy ending story. It’s a wonder love can make the world go round. But don’t let it bring you down. And turn your face into a frown. You’ll get along with a little prayer and a song.” Pinisil niya ang kamay ni Meera. “I’ll stay, Sweetheart,” he uttered and kissed her forehead once more. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Meera. Kasabay non ay ang pagbawi niya sa kaniyang kamay. “Saka ka na magbitaw ng mga salita at mga pangako kung kaya mo na panindigan.” Bumuntong-hininga ulit siya. “Sige na, puntahan mo na si Direk. Mamaya mo na ako pakiligin,” aniya’t tinalikuran na ang binata. Nagsimula na itong humakbang palayo sa kaniya, papasok sa silid upang magpahinga. Masyado siyang pinagod ni Jelome. Hanggang ngayon ay nanghihina pa rin siya’t lupaypay. Maaga pa ang shoot nila bukas dahil magsisimula na ang totoong laban. ABOT hanggang tainga ang ngiti ni Jelome. Pasipol-sipol pa siyang naglalakad habang tinatahak ang direksyon patungo sa kinaroroonan ng direktor. Nang makarating sa silid ay inikot niya ang paningin sa loob ng silid na nagsisilbing parang opisina niya. “Meera told me to see you. I heard that you wanted to meet me. What’s the matter, Jericho?” “I’m happy for the both of you-” Impatiently, he cutted him off. “I know. I know, Jericho. Just get into the point. What’s the matter?” The director tried not to laugh as he answers his question, “Matter is everything that occupies space and has mass.” “Seriously. Why do you want to see me?” "Well, do you know a girl named Zee?" Zee. Her co-doctor. Gumuhit ang ilang linya sa noo ni Jelome nang marinig ang pangalan ng kasamahan sa Ospital. "Yeah. Why?" Kunot noo niyang tanong. "What about her?" "Tumawag siya kanina sa akin at hinahanap ka. Kung paano at saan niya nakuha ang numero ko ay hindi ko alam. Malansa ang pang amoy ko sakaniya, Jelome. Naaamoy kong hindi siya magdudulot ng maganda sa iyo at sa bagong pahina niyo ni Meera." Tumayo si Jericho at saka ipinatong ang kanang kamay sa isang balikat ng aktor. "Fix this. Gawan mo na ng paraan bago pa sumabog ang bomba." Bakit tumawag si Zee? What is it this time?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD