HAWAK kamay, at sabay na pumasok sila Meera at Jelome sa loob ng set. Bawat madaraanan nila ay napapalingon sa kanilang dalawa. Ngayon lang kasi nila nakita ang dalawa na ganito kalapit at ka-sweet kahit walang nakaabang na camera.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Jelome sa kamay ng dalaga. Ayaw na niya itong pakawalan dahil bihira ang ganitong pagkakataon na ibinibigay ng Diyos sa kaniya.
Nag-usap na sila nang masinsinan kanina. Makapal na kung makapal ang mukha pero nilakasan niya ang loob at humingi ng isa pang tiyansa sa dalaga. Hindi niya sinabi lahat ang rason ng nangyari sa kahapon ngunit siniguro niyang mabibigyan ng linaw ang mga agam-agam at katanungan ni Meera sa isipan.
“Para silang nakakita ng multo,” bulong sa kaniya ng dalaga.
Ngumiti siya at ipinakita ang malalim na butas sa pisngi. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Meera.
“Eyes on me, lady. Hayaan mo sila,” aniya.
“Bitaw na kasi,” sambit niya. Pilit niyang binabawi ang kamay ngunit hindi iyon hinahayaan ni Jelome. Gusto niyang makita ng lahat ng tao at parte ng produksyon na hawak-hawak niya na ang pangarap niya. Masyado silang nawili at nasanay sa aso’t pusa na walang ibang ginawa kung hindi ang magbangayan at magkontahan ng opinyon.
Hindi direktang binitawan ni Meera ang salitang oo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin magkasundo ang utak at puso niya. Ramdam din iyon ni Jelome kaya hindi niya ito pipilitin at mamadaliin. He’ll take it slow and make sure to do it right this time. Sabi nga nila ‘Do it right para hindi ka i-left’.
Sinabi ni Jelome na hindi niya kailanga sumagot agad. Bibigyan siya ng sapat na panahon upang mag-isip isip ng maigi at magdesisyon. He won’t force her if she’s not yet ready to decide. Hindi naman siya nagmamadali. Wala naman siyang ibang pupuntahan. At mas mainam na dahan dahan at maingat upang hindi maaksidente. Ngunit, ipinaki-usap ng aktor na sana ay habang wala siyang dedisyon ay hayaan lang siyang pakalat-kalat sa buhay niya. Hayaan lang siyang ipakita kung gaano niya kamahal si Meera, at.patunayan ang sarili.
She agreed. Susubukan niya raw na huwag gaano itulak palayo ang binata. Susubukan niya.
“Jelome,” mayroong himig ng pagbabanta sa kaniyang boses.
“What? Wala naman akong ginagawang masama a. I just want to hold your hand and show the world how you really mean to me. Bawal ba?”
Parang mayroong bumara sa lalamunan ni Meera. Hindi niya inaasahan na ito ang isasagot sa kaniya. Tila mayroong mainit na kamay ang humaplos sa puso niya. Kahit noon pa man ay ganito na siya kay Meera, maalaga, mapagmahal, maunawain, at higit sa lahat at hindi siya kinakahiya. Doon umusbong ang confidence ni Meera sa sarili, dahil sa kung paano siya itrato ni Jelome. Mayroon kasing ibang lalaki na iba ang nagiging impact sa karelasyon, madalas na mangyari ay bumababa ang kumpyansa ng babae, naiinggit, at ikinukumpara ang sarili sa iba. Siguro ay hindi sila nabibigyan ng tamang assurance ng lalaki o kaya naman ay sila mismo ang may isyu sa sarili niya, overthinker at nagiging praning na minsan.
“Bawal ba, Meera?” ulit tanong niya.
“N-No.” Halos pabulong niyang sagot. Bumalik sa pagiging tikom ang bibig niya at sinikap na sa direksyong direksyon manatili ang paningin.
Si Jericho at ang kapwa direktor ay magkakasama sa iisang bilog.
Nag-uusap usap sila at tila abala sa kung ano man ang pinag-uusapan at ginagawa. Tutok na tutok ang mga nila sa screen kaya’t hindi agad napansin ang paglapit ng dalawa sa kanila.
Malakas at pabirong tumikhim si Jelome. Unti-unti ay nakuha nila ang atensyon ng grupo. Si Jericho ang pinakahuli na lumingon sa kanila. Bakas ang pagtataka at gulat base sa ekspresyon ng kaniyang mukha.
“Saan kayo galing na dalawa? Kanina pa namin kayo hinahanap.” Umarko paitaas ang isa niyang kilay. Nagtinginan ang dalawa at sabay na nagkibit-balikat. Labis ang pagtataka ni Jericho sa inaakto ng dalawa niyang talent. Hindi niya alam kung nais niya bang makita na ganito sila o mas gugustuhin niya iyong lagi silang nagbabangayan na dalawa.
Bumaba ang mata ng direktor sa kamay nilang magkadikit at palad na magkasalikop. Doon ay mas lalong umiba ang ekpresyon ng mukha, at nanlaki ang kaniyang dalawang mata.
“Diyos ko po!” aniya at saka napa-sign of the cross bigla. “Totoo ba itong nakikita ko? Diyos ko, gabayan mo po itong dalawang aktor ko. Huwag mo po hahayaan na manatili ang masamang espiritu na sumanib sa kanila. Parang araw mo na, Lord, itaboy mo ang masamang espiritu sa kanila. Kakasimula pa lang ng shoot, masyado na rin malaki ang na-invest kong oras at pera-”
“Jericho,” Jelome uttered as he chuckled softly. “Relax. Meera and I talked. Okay na kami. Wala ka na dapat ipag-alala sa amin,” paniniguro niya.
“Holy water! Holy water!” Histerikal niyang hiyaw. Nagulat ang ibang kasamahan niya sa set lalong lalo na iyong malapit lang sa kanila dahil sa eksena niyang iyon. “Kailangan ko ng Holy water. O kaya ay pumunta kayo sa pinakamalapit na simbahan at dalhin ang pari dito sa lokasyon natin! Kailangan maipabasbas ang buong lugar, ang bawat sulok, dahil baka mayroon pang ibang ligaw na kaluluwa riyan sa tabi tabi.
Kinagat ni Meera ang pang-ibabang labi upang pigilin ang pagsabog ng kaniyang emosyon. Nais niyang tumawa ngunit nahihiya siya.
Natural lamang na ganito ang isipin at maging reaksyon ng direktor lalo na’t naging saksi ito sa bawat bangayan at pagpapalitan nila ng salita. But deep inside, masaya siya sa kanilang dalawa. Hindi man niya alam ang buong kwento ng dalawa ay nararamdaman pa rin niya ang koneksyon sa pagitan nila. Mayroong kakaibang spark at elektrisidad na dumadaloy sa bawat pagsalubong ng mata nila.
“May camera ba?” Lumingon-lingon ang assistant direktor upang hanapin kung mayroon bang hidden camera na nakatago.
“Ayon ang camera man natin,” tinuro ni Meera ang camer man nilang nakangang at mahimbing na natutulog sa duyan. “Tulog,” dagdag niya.
“Baka may hidden camera, prank lang pala, at live tayo,” pabirong dagdag ni Jericho na ngayon ay kalmado na at mangiyak-ngiyak ang mata sa tuwa.
“Wala po, direk. Medyo nagkaayos na po kami at susubukan namin na huwag na gaano magbangayan.”
“Awe!” Tuluyan ng nalaglag ang likido sa mata ng direktor. Mababaw lang kasi ang luha niya at mabilis lang kasi maiyak. “I’m happy for the both of you.”
Humakbang ang direktor palapit sa kanilang dalawa at mahigpit silang niyakap. Ganoon din ang ginawa ng iba nilang kasama sa mesa, naki-join din sila sa yakap.
“Group hug!” Parang bata nilang saad. Tuwang-tuwa rin sila dahil hindi na sila mahihirapan sa shoot kakaulit dahil sa bangayan at madalas na hindi pagkakasunduan ng dalawa.
“What’s happening here?” Lumabas si Armida mula sa silid, magulo ang buhok at nakasuot ng kulay puti na roba. This time ay mahaba na iyon at natatakpan na ang mga bahagi na dapat matakpan. Mukhang bagong gising lang ito at nabugabog dahil sa kaguluhan nila dito sa labas.
“What’s happening here? Am I missing something?” Muli niyang tanong habang kinukusot-kusot ang dalawang mata. Para siyang mayroong black eye. Mukhang natulog ito na mayroong mascara ang pilik mata, nakalimutan niya sigurong alisin sa sobrang antok at pagod ng katawan. Kakakusot niya ay kumalat ang mascara niya sa ibabang bahagi ng mata. Para tuloy siyang panda, o ‘di kaya naman ay nabugbog.
“Meera and I talked already to settle our issues,” Jelome answered. “She gave me another chance. Another chance, Armida. Damn! Ang swerte swerte ko!” Dagdag pahayag niya.
Tila doon nagising ang antok na antok na diwa ni Armida. Nanlaki lalo ang dalawa niyang mata kaya’t mas hayag ngayon ang kulay itim sa ibaba ng kaniyang mata. Mukhang hindi siya aware sa itsura niya ngayon to the point na haharap siya kay Jelome at sa maraming tao na ganito.
“W-What?” Her forehead knotted. “Uhm. What is it again?”
“Meera and I talk and-”
Sa inis ay hindi na hinayaan ni Meera na matapos ang sinasabi ng katabi. Mas lalo niyang idinikit ang katawan sa katawan ni Jelome at saka sumingit sa usapan. “Nagkaayos at nagkabalikan na kami, Armida,” plastikada siyang ngumiti ng matamis at saka itinaas ang kamay nila na magkahawak. Iminuwestra niya ito sa mukha ni Armida.
Halos umusok na ang dalawang butas ng ilong niya at tila lumalabas na rin ang sungay ng demonyita.
"No-I mean wow!" she uttered softly. Pinanatili niyang masigla ang tinig ngunit mababakas pa rin ang pait sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Nakangiti man siya sa kanila ngunit ang noo naman ay nanatiling nakakunot at punong-puno ng guhit.
"Aren't you happy for us?" Teasingly, Meera asked her. It's her time to shine.
Hinayaan ni Jelome ang dalaga na makipag-usap kay Armida. Alam niyang matagal na silang may alitan na dalawa. Hindi niya alam kung bakit at paano nagsimula iyon.
Hindi makakatakas sa mata ni Jelome ang lihim at pasimpleng pag-irap ng dalaga kay Armida. Ayaw niyang isipin na pinagseselosan niya ang aktres ngunit hindi niya mapigilan. At sa tuwing naiisip niya ito ay lumulundag sa tuwa ang puso niya. At least she's jealous, he said to himself. Mas nagkakaroon siya ng pag-asa sa dalaga.
"Armida?" she uttered.
The actress faked her cough. "Of course, I am! Bakit naman ako hindi magiging masaya para sa inyong dalawa, Meera?" Raising her brow, she asked.
"I don't know either. Bakit nga ba, Armida?"
"Jelome and I dated before, pero dati pa iyon, Meera. Naka-move on na ako, at siya. Huwag mong sabihin na hanggang ngayon ay binibigyan mo 'yo ng malisya?" Umikot ang dalawa niyang mata ngunit sinikap pa rin ngumiti. "Nagseselos ka ba sa akin, Meera?"
Mapaklang natawa ang dalaga. "Bakit naman ako magseselos sa 'yo I mean there's no reason to, Armida."
Bago pa tuluyang magkakuhanan ng salita ang dalawa ay umawat na ang direktor. Mayroon itong sinabi kay Armida tungkol sa shoot bukas at tungkol sa kulay itim sa ibaba ng kaniyang mata.
"Happy Halloween!" Pang-aasar ni Meera.
Hinalikan ni Jelome ang kamay ni Meera upang kunin ang atensyon nito. Nang lumingon ay agad niya namang dinampian ang noo.
"Ang cute mo magselos, sweetheart."
"Who's jealous?" she asked.
"You."
"Yuck! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, Jelome. Bakit naman ako magseselos kay Armida, e boobs lang naman at pwet ang lamang niya sa akin?"
His lips quirked up. "That's my girl!"