Kabanata 26

1641 Words
HINDI agad nakakilos ang aktor sa kaniyang kinatatayuan. Pakiramdam niya ay para siyang nabingi at napipi sa mga salitang lumalabas kay Zee, mula sa kabilang linya. Kasabay ng malamig na pag-ihip ng hangin ay ang nagtatayuan niyang balahibo sa iba’t-ibang parte ng katawan. Sabi ng mga matatanda at ng mga lolo at lola niya noon sa probinsiya, kapag daw tumayo bigla ang mga balahibo mo sa kamay at nanlamig ka sa kinatatayuan ay mayroon daw multo na nagpaparamdam sa ‘yo, o present sa environment mo. Ganitong-ganito ngayon ang nararamdaman niya ngunit hindi ito multo, dahil mas nakakatakot pa ito sa multo. “Sana nga ay multo na lang,” hiyaw ng kaniyang isipan. “Zee, is this some kind of a prank?” Tanong ng aktor, nagbabakasakaling walang katuturan ang mga lumalabas sa kaniyang bunganga. Nagbabakasakaling namali lang ang rinig niya. Mula sa kabilang linya ay narinig niyang tumawa ito ng pagkalakas-lakas at tila kalalabas lamang mula sa Mental Hospital. “Really, Jelo?” She mocked him. “What makes you think that this is just some kind of a joke, huh? Joke lang ba ang tingin mo sa akin at sa magiging anak mo?” Mapakla niyang saad sa aktor. Hindi agad nakapagsalita si Jelome. Nanatiling tikom ang kaniyang bibig habang ang telepono ay nakatapat lang sa tainga. Bigla siyang nanghina at nalito. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin at gawin. Ilang ulit na nagbukas sara ang kaniyang labi ngunit wala ni isang salita ang lumabas mula roon. Masyadong malakas at matapang ang pang-amoy ni Jericho. Mukhang tama nga ang itnuran niya kanina, na amoy malansa ang paparating at kailangan niyang harapin. Si Zee ang magiging dungis sa bago at kulay puting papel ni Meera at Jelome. Kung kailan unti-unti nang umaayon sa plano ay saka pa siya sisingit sa litrato. Magugulo nanaman at mawawalan nanaman ng tiwala si Meera sa kaniya. Kapag nangyari ulit iyon ay malabong magtiwala pa ulit siya. At kung totoo man ang sinasabi ng dating kasamahan sa Ospital, kapag nalaman ito ni Meera ay tuluyan na siyang mawawala sa buhay niya. No! He won’t let that damn thing to happen. Gagawin niya ang lahat, hindi siya susuko para sa happy every after nilang dalawa, iyan ang paniniwala niya. Kumuyom ang kaniyang kamao. Bahagya niyang iginalaw ang ulo at tumingin sa madilim na langit. Walang gaanong bituin dahil makulimlim at nakakaulan. Magiging ganito rin kadilim ang mundo niya kung mawawala ang nag-iisang bituin sa buhay niya, si Meera Posodio Grande, ang soon to be Mrs. Meera Villamin niya. “Jelome, are you still there?” Zee asked, worriedly. “Yes, of course,” he whispers. Hindi siya sigurado kung narinig ba iyon sa kabilang linya dahil pabulong lang at sobrang hina. Nawalan siya bigla ng energy at lakas ng loob. Deep inside, he can feel that there is something wrong. Gumuhit muli ang mga linya sa noo niya  at pilit na iniisip kung ano iyon. Parang… Parang mayroon kasing hindi tama ngunit hindi niya masabi o maipaliwanag kung ano ito. Hawak-hawak ni Zee ang kaniyang tiyan habang marahan itong hinahaplos. Hindi siya makapaniwala na magkakaroon na siya ng anak, na magiging nanay na siya, at ang ama ay isang batikang aktor at tinitingalang doctor. Kasalukuyan siyang naka-upo sa hospital bed at nagpapahinga. Tapos na kasi ang duty niya, isang oras na ang nakalipas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating ang kapalitan niya. Hindi naman maaatim ng puso niya kung aali agad at iiwan ang mga pasyente sa emergency room lalo na’t araw ng Biyernes ngayon, ang araw kung saan sunod-sunod dumaratig ang mga trauma patients. “Are you doubting me?” Matapang niyang tanong. “I…I don’t know. I’m not really sure, Zee.” “Hindi ka naniniwala sa akin, ano?” Mapakla siyang natawa. Masuyo niyang hinaplos ang tiyan at lihim na humingi ng tawad sa dalawang linggo niyang anak sa loob ng sinapupunan. Mukhang hindi ito tanggap ng ama. Magaling lang ito pumasok sa kweba ngunit walang paninindigan. “H-Hindi naman sa ganoon, Zee,” paliwanag niya. “Hindi naman sa ganoon,” ulit niya. Nanging kaunti ang boses niya hanggang sa unti-unti ay nakarinig na ang binata ng mumunting hikbi mula sa kabilang linya. “Hindi ganoon pero ganoon ang pinaparamdam mo, pero ganoon ang pinupunto ng mga salita mo?”   Huminga siya ng malalim at bumuga sa kawalan. Masyadong imposible ang pinapataw niyang responsibilidad. Hindi makatotohanana ang sinsambit at ibinibintang sakanya. “No, Zee. That’s not my point,” paliwanag niya. Hinilot niya ang sintido dahil mas lalong lumakas ang hikbi ng doktora at hindi na ito nakikinig sa kaniya. “At ngayon naman ay pinapalabas mong sinungaling ako?” Fvck! Mukhang buntis nga ito dahil sa pagiging emosyonal, masyadong mababaw ang luha at umiiba ang takbo ng utak. “Zee, nothing s****l and intimate happened between us. Kaya paano kita mabubuntis kung hindi naman pumasok ang ari ko sa iyo?” Finally, nasabi niya rin. Binalikan niya ang mga pangyayari dalawang linggo bago umalis sa kabihasnan. Sinikap niyang alalahanin ang bawat detalye, maliit man o malaki. Kung saan siya pumunta, sino ang mga nakasama niya, ano ang ginawa, at kung kailan niyang huling nakasama si Zee. “How dare you, Jelome? How dare you!” Bahagyang nailayo ni Jelome sa tainga ang telepono sa lakas ng boses ni Zee ay halos mabingi na siya. Nanakit ang kaniyang tainga. “Pinalabas mo na ngang sinungaling ako, ngayon pati ang nangyari sa atin ay ikakaila mo na rin? Wow! Congratiolations! You did great, huh. Artista ka nga talaga.” “You’re how many weeks pregnant again, Zee?” He asked for validity of information. “Two. Dalawang linggo na akong buntis sa anak mo, anak natin.” “Nothing happened between us,” he cleared himself. “Jerk! Can’t you recall what happened between us on Tala’s birthday celebration?” “I can but-” “Naalala mo naman pala pero pinipilit mo pa rin na walang nangyari at hindi ikaw nag ama. Naduduwag ka ba, Jelome?” “Zee, what happened between us that you’re insisting happened almost three weeks ago so stop saying that I am the father of that child, because clearly, I’m not.” Natigilan si Zee sa pahayag niyang iyon. Lumabi siya at naisip na tama ang itinuran ng aktor, hindi nga siya ang ama. Kung hindi si Dr. Villamin, sino? Iyon ngayon ang tanong na bumabagabag sa kaniyang isipan. Siya ang huling lalaki na nakatalik niya kaya nang malaman na positibo siya sa pregnancy test ay si Jelome agad ang pumasok sa isipan niya. Si Zee ang unang nagbaba ng linya matapos ang ilang minuto ng katahimikan. Siguro ay nahiya na rin ito nang ma-realize na totoo nga ang sinasabi ng kausap. “Oh, God!” Ibinulsa niya ang telepono at mapahilamos siya sa mukha. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Buong akala niya ay masisira na ang plano at bagong pahina nila. Noon pa lang ay hayag na ipinapakita ni Zee ang inerest nito sa kaniya. Hindi manhid si Jelome para hindi maramdaman na mayroong gusto ang doktora sa kaniya. Madalas siyang dalhan at ipagluto ng pagkain ni Zee dahil naniniwala raw ito na ‘The best way to a man’s heart is through his stomach.’ Masarap naman ito magluto at na-appreciate din ni Jelome ang mga ginagawa ng dalaga sa kaniya ngunit hindi iyon sapat upang mapalitan ang puwang sa puso niya. Kumbaga ay kakaibang putahe at sangkap ang hinahanap-hanap niya at hindi basta ordinaryo lang. Sa katotohanan, hindi siya sigurado kung totoo nga ba na mayroong nangyari sa pagitan nilang dalawa. Lasing na siya non pero alam niya pa ang mga pinaggagawa. Pumasok siya sa banyo upang sumuka at maligo. Matapos non ay humilata na siya sa kama at natulog na mayroong suot na roba. Kaya ganoon na lamang katindi ang gulat niya nang magising na mayroong katabi at parehas silang hubo’t hubad. Zee is insisting that something s****l happened between them. “Balot! Penoy! Balot! Penoy!” Hiyaw ng isang matandang lalaki ang nagpabalik sa kaniya sa reyalidad. Nasa tapat niya ito nakapwesto at may hawak-hawak na basket. Napangiti siya at naalala ang memorya noong sila ay bata pa lamang. Madalas niyang ilibre ng balot at penoy si Meera noong high school dahil ito pa lang ang kaya ng budget niya bukod sa mga tusok-tusok tulad ng fishball, kikiam, kwek-kwek, cheese stick, dynamite, at isaw ng manok. “Manong, ginabi na po kayo a,” anas niya sa mama. Umangat ang tingin sa kaniya at tipid siyang nginitian. Mababakas ang pagod sa kaniyang mukha, ngunit sa likod nito ay determinasyon na makabenta at mairaos ang araw. Iba ang tuwa kung uuwi siyang mayroong bitbit na pagkain at kaunting salapi sa naiwang pamilya. “Kailangang kumayod, iho.” Napahikab ito dulot na rin siguro ng pinaghalong antok at pagod. Inabutan siya ng mama ng balot at agad niya namang tinanggap iyon. “Mayroon akong tatlong anak at ang isa ay patapos na sa kolehiyo, ang pangalawa ko naman ay kolehiyo na rin sa pasukan, at ang bunso ko ay patapos na sa elementarya. Masarap sa pakiramdam na ang anak ng isang balut vendor ay nakapagtapos ng kolehiyo na mayroong kasamang mataas na parangal.” Saglit itong natawa. “Ay, pasensya ka na kung marami akong sinasabi.” Nguniti ang aktor at sinabing ayos lang. Inabutan niya ito ng isang libo at hindi na kinuha ang sukli. Mayroong ngiti sa kaniyang labi habang naglalakad sa isang makipot at madilim na eskinita. Ngayon na lang siya ulit nakakain ng balut. Dapat ‘ata ay inuwian niya rin si Meera dahil kailangan na kailangan ito ng aktres lalo na’t madalas manlambot ang tuhod niya sa tuwing ang labi ni Jelome ay nasa gitna niya. Damn! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD