Takot ang nararamdaman ng dalagita habang papalapit ng papalapit ang sasakyan nila sa bahay ng abuela.
Hindi siya pinatawad ng lola niya na nang kanyang tingnan ay nakapako pa rin ang tingin sa labas ng sasakyan habang si Xander naman ay todo iwas ng tingin sa kanya mula sa rearview mirror pagkatapos ng kanilang palitan ng masasamang tingin sa isa't-isa.
She stomped her feet at nakasimangot na pinag-krus ang dalawang braso. She hates it when no one is talking to her. She hates it when she is being left alone. She hates it when Xander is not paying attention to her, and she hates it more when he doesn't like her.
"Uela, can you stay still?" Blangko ang mukha ng abuela niya. Sa tingin niya ay hindi na ito galit katulad kanina.
"Lola, please pakinggan niyo naman po ako. I'm sorry kung hindi ako nakapag-paalam. Saglit lang naman po sana 'yun eh. Nagkayayaan lang po kaming magka-klase dahil bago daw pong bukas yung restaurant. Tiningnan lang po namin. Pabalik na nga po kami 'nun noong dumating si Xander."
"So?"
Hindi kaagad siya nakahuma sa masungit na tugon ng kausap. Tumingin muna siya sa gawi ni Xander na sa kamalasan ay hindi siya binalingan.
"Huwag niyo na po sabihin kay Papa. Magagalit po sa akin 'yun. Baka hindi na po ako payagang lumabas ng bahay."
"It's not good to lie, Uela. You have done something, you must be ready to take the consequences after."
Nanahimik siya at kinagat na lang ang ibabang labi dahil sa sinabi ng abuela. Hindi siya pagtatakpan ng mga ito sa kanyang ama.
She should have known.
Her grandmother is a disciplinary kind of person na hindi pinalagpas ang mga pagkakamali ng mga taong nagta-trabaho rito. What should she expect? Na pagbibigyan siya nito dahil apo siya?
She should have known better.
"I know you don't intent to do it." Naging malumanay ang sunod na pananalita ng kanyang lola. "I want you to realize na hindi lahat ng hindi natin intensyon ay pwedeng palagpasin. I'm not mad at you, apo. We are worried. Hindi namin alam ni Xander kung saan ka namin hahanapin. Imagine if you're the one looking for us at hindi mo kami makita."
"I understand, Lola. I'm sorry po."
Tumango ito at pagkuwa'y tiningnan si Xander sa harap bago ito muling nagtanong.
"Sino ba yung mga kasama mo?"
"Classmates ko po, Lola. They are my friends also."
"Mababait ba sila sa'yo?"
She thought for a moment before answering. "Opo. I think they like me. They are fascinated with me because I'm new." Humugot siya ng malalim na paghinga.
"Binu-bully ka ba sa classroom niyo?" Napako kay Xander ang paningin niya na matamang nakatingin mula sa rearview mirror. Sasabihin niya ba dito? She has classmates na pinagtatawanan siya dahil sa pagsasalita niya ng english. Nag-iinarte daw siya kahit hindi siya ganoon kaganda. "Someone's bullying you, isn't it?"
"Kasama ba yung nambu-bully sa'yo doon sa mga kasama mo kanina."
Hindi niya tahasang sinagot iyon. She pursed her lips instead. Kapag sumagot ng oo o hindi ay malalaman ng dalawa na mayroon ngang nambu-bully sa kanya. Luminga siya sa direksyong paiwas dito at sa lola niya.
Wala namang magagawa ang mga ito kung may bully nga sa classroom nila. They can't see them anyway.
Hanggang sa makarating sila sa bahay nila ay nanatili na lang siya sa pananahimik sa kanyang inuupuan. It doesn't matter now kung isumbong man siya ng dalawa sa Papa niya. His father's anger is not too much of a big deal for her. Ilang beses na rin naman siyang naging grounded dati noong nasa America sila kaya hindi na siya maninibago kung magiging grounded siya ulit.
Kung sasama man ang loob niya iyon ay dahilan ng hindi pagtulong ni Xander sa kanya. Umasa siya kanina noong mag-sorry rin ito pero hinayaan lang siya nitong gisahin ng lola niya.
Nang makapasok ang sasakyan sa loob at naiparada iyon sa garahe ay saka siya kumilos upang makababa. Nagmamadali sana siya pero pagkaapak niya sa semento ay siya namang sulpot ni Xander sa kanyang harap.
"Yung bag mo."
Luminga siya sa loob ng sasakyan kung saan nakaupo pa ang abuela.
Ibinalik niya ang tingin dito at umirap bago niya kinuha ang bag at saka tumuloy sa loob ng bahay. Doon ay sumalubong sa kanya ang magulang na nasa pagpasok lang ng tarangkahan at parehong matamang nakatingin sa kanya.
Lumapit siya sa mga ito at humalik sa pisngi.
"You are late. Saan kayo galing?" Anang ama niya kaya napako siya sa kinatatayuan.
Uunahan na ba niya sa pagsasabi ang lola niya?
"We ate in a pizza parlour, Pa, Ma, sorry po."
"We? You mean ang lola at ang uncle mo?"
Umiling siya pero bago siya nakapagsalita ay boses ng lola niya ang umagaw sa sasabihin niya.
"Yes, son. Kumain kami doon sa pizza parlour na sinasabi ni Xander kanina. Nadaanan kasi namin." Nagulat siyang lumingon sa abuela na kasabay si Xander habang palapit sa kanila. "Pumasok ka na, Uela. Bumaba ka na lang ulit maya-maya para sa hapunan."
Saglit siyang nakipagtitigan sa abuela at makaraang tumango ito ay tumalima na siya at umakyat sa hagdanan para tunguhin ang kanyang silid.
.....
Isang mahinang katok ang nagpa-angat sa paningin ni Uela. Mula sa kanyang pagkakadapa sa kama ay bahagya lang siyang kumilos upang lingunin ang pinto.
"Sino 'yan?"
"Ang lola mo ito, Apo."
Bumaba siya ng kama at tinungo ang pinto. Tahimik niyang binuksan iyon at pagkatapos ay kaagad rin siyang umalis at bumalik sa pagkakadapa sa kanyang kama, paiwas ng tingin sa pintuan.
Naramdaman na lang niya ang paglundo ng kama sa kanyang tabi maya-maya.
"Are you mad at Lola?"
Hindi siya sumagot. Masama ang loob niya but she is not mad at her grandmother. Ayaw niya lang itong makaharap kaagad.
"I know you're mad at me. I am sorry kung napagtaasan kita ng boses kanina habang nasa daan tayo. I just want you to realize that I'm not happy with what you did. We were worried with you."
Lumabi siya habang napapahikbi ang bibig. "Xander must be very mad at me right now, Lola." Tanging nasambit niya.
Ilang segundo ang lumipas bago pabuntung-hiningang sumagot ang abuela. "He's not happy with what you did, but he's not mad."
"I saw his reaction earlier. He's always that grumpy towards me pero kanina, I know that he's mad."
Naramdaman niya ang paghaplos ng kamay ng abuela sa kanyang buhok kaya napatingin na siya sa gawi nito. Parang may gustong sabihin ang lola niya na hindi nito masabi.
"Lola?"
Isang ngiti ang sumilay sa labi nito na pakiramdam niya'y nagpakita ng kakaibang paghihirap sa halip na saya.
"You're big already. Parang kailan lang ay baby ka pa. Madalas pa kitang karga noon."
Unti-unting sumilay ang manipis na ngiti sa labi niya. "I still remember some of those childhood memories, Lola." Umupo na siya sa harapan nito at masayang nag-kwento. Nawala na ang sama ng loob na kanina lang ay namamahay sa dibdib niya. "I remember you. I remember, Xander. We use to play when I was little."
"Oo nga. Lagi kang nakasunod noon sa kanya."
"Because I really like him, Lola. He's just like a friend when I was very little and until now, I still like him."
"Uela, he's not just your friend. He is your Uncle. He's my son and your father's brother."
Ikinumpas niya sa hangin ang isang kamay. "I know the story, Lola. We are not relatives. He is your adopted son."
Naimulagat ng matanda ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya. Siya nama'y tila balewala lang na nakangiti dito pero sa nakikitang hitsura ng abuela ay kaagad din na napalis ang ngiti niya.
"Uela, even if he is adopted, that doesn't change a fact that he is your uncle."
"Of course, Lola. I'm not trying to change that." Umiling siya. Parang pakiramdam niya ay mayroon siyang nagawang kasalanan dahil sa nakikitang lungkot sa mga mata ng abuela. Nag-aalalang hinawakan niya ito sa palad.
"Apo, I have a favor to ask kung pwede lang?"
"What is that, Lola?"
Ikinulong ng abuela ang dalawa niyang kamay sa mga palad nito bago ito nagsalita. "Don't follow around Xander again. Hindi na kayo mga bata. Marami ang mga taong nakakita sa inyo and they might just think of something that's not appropriate."
"What do you mean, Lola?"
"Wala naman. Ayaw ko lang na may masasabi ang mga tao tungkol sa pamilya ko."
"Like what?"
Umiling ang lola niya at ngumiti ng pilit. "Wala naman, apo. Tingin ko ay best lang para sa inyo ni Xander kung hindi kayo magkakasama ng madalas. In that way, makakapag-aral ng maayos ang Uncle mo. In that way, makakapag-concentrate ka rin sa pag-aaral mo."
Binawi niya ang kamay sa abuela at sumimangot. Hindi niya gusto ang ideya nito. What is wrong kung magkakalapit sila ni Xander?
"I'm not sure about that idea, Lola at saka wala naman pong masama di po ba kung magiging malapit kami? What's the inappropriate with that?"
"Wala namang masama kung magiging close kayo but being close with your Uncle might be perceived by the other people as something bad kaya mas maganda kung hindi ka na lalapit sa kanya."
Umiling siya at umalis sa kama. Tinungo niya ang bintanang nagpapasok ng panggabing hangin at hinayaang liparin ang kanyang mahaba at tuwid na buhok.
"I will let you eat with your friends outside at malay mo, magkaroon ka ng crushes. In that way, wala kang uncle na magbabawal sa'yo, hindi ba?"
"Lola, I'm not interested in having crushes. I already have one. My classmates are all just kids. Most of them doesn't even know how to take care of themselves. Magagaling lang sila mam-bully and I don't like most of them."
"So it's true that you are bullied?" Nawala bigla sa kanila ni Xander ang usapan nila at napunta sa bullying. Nag-aalalang lumapit ang abuela niya sa kinatatayuan niya.
"Opo. I have classmates who are saying na nag-iinarte daw ako and that I am not beautiful." Nakalabing wika niya.
"Oh my, Apo. Sino ang mga batang iyon? Pupuntahan ko ang mga iyon bukas na bukas din at ng maturuan ng leksyon."
"Hayaan niyo na sila, Lola. I'll just ignore them."
"How about a bodyguard? Do you like to have one?"
"Lola, no! Ayoko po. Mas lalo nila akong tutuksuhin kung magkakaroon ako 'nun."
"But they won't stop kung wala silang kakatakutan sa'yo."
"I am fine, Lola. Marami na po akong na-encounter na ganyan sa America. They are all the same. Ignore them and they will stop bothering you."
"Apo..."
"Lola, if you really want them to stop, then let me come with Xander always. I'm sure matatakot sila kay Xander dahil nasa college department na siya. They will be afraid na baka puntahan sila sa room."
Umiling ang abuela.
"Lola, please. Siya lang po ang kilala ko sa school."
"Hindi. Ipapahatid na lang kita kay Fidel palagi. Siya na rin ang pasusunduin ko para sigurado. And, don't worry about those kids, I will take care of them. Para ano pa at malaki ang donation ko sa eskwelahan na yan kung sarili kong apo ay nabu-bully."
Wala na siyang nasabi pa nang pagkatapos niyon ay lumabas na ng kwarto ang kanyang lola. Sinundan na lang niya ang papalabas nitong pigura at maya-maya'y pabuntung-hiningang muling tinungo ang kama.
True to her words, the following day ay tinungo ni Donya Milagros ang eskwelahan nila and the following week, the bullies are already gone. Ang ibinalita ng teacher nila ay nag-transfer daw ang mga iyon sa ibang paaralan na ikinabagbag kahit papaano ng konsensya niya.
.....