Chapter 15---Lion and lioness

1632 Words
Nang malaman ni Uela ang tungkol sa apat na kaklaseng nam-bully sa kanya ay kaagad siyang nagpasyang kausapin ang abuela upang alamin ang kinalaman nito tungkol roon. Pagkagaling ng eskwelahan kung saan ay sinundo siya ni Mang Fidel ay kaagad niyang tinungo ang silid ng donya at kinatok iyon bitbit ang kanyang mga gamit. "Lola, can we talk?" Kasabay ng mga katok ay tanong niya. Gusto niyang harapang sabihin ng lola niya kung ito ba ang may pakana sa pagkakaalis ng mga kaklase niya sa eskwelahan at kung wala naman itong kinalaman ay harapan nitong itanggi iyon sa kanya. Nilalamon siya ng kanyang konsensya at pakiramdam niya ay hindi siya makagalaw ng tama. Walang sagot mula sa loob. Alam niyang nakauwi na ito dahil ayon kay Mang Fidel ay halos kasabayan nitong umalis sa opisina kanina ang sasakyan ni Xander kung saan ay lulan ang kanyang abuela. Inulit niya ang katok at sa pagkakataong iyon ay mas malakas na. "Lola?!" "Uela! Ano ba?! Ang ingay mo naman!" Mula sa kwartong katabi ng lola niya ay lumabas ang lukot ang mukhang si Xander. Tiningnan nito ang ginagawa niya at kaagad na lumapit. "Parang hindi mo lola yung kinakatok mo." Paasik nitong sita sa kanya. Itinikom niya ang bibig at tiningnan ito ng masama. Hindi na niya ito nakakasama simula noong pinagbawalan siya ng kanyang lola tapos ngayon ay may gana pa itong pagalitan siya. "Galit ka?" Madiin ang boses na tanong nitong habang magkatagpo ang dalawang kilay. "Parang mas matanda ka pa kesa sa kinakatok mo ah." She's starting to get mad at him but it's a wonder that she can't say anything bad at him. Nanatili lang siyang nakatingin dito ng masama habang ang bibig ay anyo ng hihikbi. Tumahimik ito nang makita ang hitsura niya tapos maya-maya ay pabuntung-hiningang tumingala sa kisami bago siya muling tiningnan. Sa pagkakataong iyon ay mababa na ang boses nito at nawala na ang galit sa mukha. "Masama ang pakiramdam ng Lola mo kaya huwag mo na muna siyang kausapin ngayon. Mga bukas na siguro kung maayos na siya." "Why? What happened to Lola?" "Nothing serious. Just because of stress, sabi ng doktor." "Can I see her?" Nakikiusap ang mga matang tanong niya rito dahil sa biglang pag-aalala rito. Her grandmother is a strong woman and she never thought na magkakasakit ito katulad ng iba. "Hindi ngayon. Kakainom niya lang ng gamot at natutulog na siya kaya kung huwag kang mag-ingay." "I won't talk to her. Titingnan ko lang siya." "Uela-" Muli siyang napipi ng dumiin na naman ang boses ni Xander upang sawayin siya. "I just told you, bukas na kapag maayos na ang pakiramdam ng Mama!" Sumimangot siya rito at muli itong sinamaan ng tingin. Minsan na nga lang sila magkita tapos pagagalitan pa siya nito. "Pumasok ka na sa kwarto mo. Nandoon ang Mama mo sa kusina kung gusto mo siyang makita. Siya ang puntahan mo." Utos nito kapagdaka. "How about Papa?" "Nasa opisina pa kaya pumasok ka na sa silid mo at magpalit. Para kang bata na kailangan pang sabihan." Nakagat niya ang loob ng labi bago siya muling nagsalita ng may pagbabanta. "I will hate you if you keep on talking to me like that. I won't treat you as my friend and I won't talk to you again." "Fine. Then don't talk to me." Balewala nitong sagot sa banta niya na sinabayan pa ng talikod kaya mas lalong sumama ang kanyang loob at hitsura. Ayaw nga niyang magalit dito tapos ito naman ang namimilit na hindi niya ito kausapin. Sa ginagawa nito ay parang gusto nitong tuluyan silang maging magkaaway. Dahil sa inis ay hinabol niya ito at wala ng isip-isip na ipinalo sa ulo ng binata ang bitbit niyang libro na nagpaigik dito sabay sapo ng nasaktang bahagi ng ulo. "Hindi na talaga kita kakausapin, sige! Kahit kausapin mo ako hindi kita papansinin. We are not friends anymore!" Singhal niya dito sabay takbo papasok sa kanyang silid sa takot na saktan siya nito. Wala pa man din doon sa taas ang mga magulang niya. Pagkapasok ay inilock niya ang pintuan at siniguradong lahat ng kakatok roon ay nalalaman niya muna kung sino bago niya pagbuksan. ..... Sumakit ang likod ng ulo ni Xander matapos iyong paluin ni Uela ng bitbit nitong libro na kaagad tumakbo papasok sa kwarto nito. Sapo ang bandang batok na nilingon niya ang pintong pinasukan nito at pagkatapos iyong tingnan ng mahabang sandali ay bumaba siya ng hagdan upang tumungo sa kusina. Nadatnan niya roon ang Ate Letecia niya kasama si Aling Socorro na nagluluto ng kung ano sa harap ng kalan. "Ate, nariyan na po si Uela." Pagbabalita niya rito. Balak niyang mapahatiran ang dalagita ng pagkain dahil paniguradong hindi ito lalabas sa takot na gantihan niya. "Ngayon lang ba? Sana isinama mo na sa pagbaba. Maluluto na itong meryenda o." "Eh nagalit po sa akin. Sinaway ko ho na huwag munang katukin ang Mama dahil masama ang pakiramdam. Medyo nakagalitan ko ho, kaya ayun at nagkulong sa kwarto niya matapos niya akong paluin ng libro." "What?!" Natawa nitong tanong na humarap pa sa kanya. "Halika nga, saan ka niya pinalo?" "Sa ulo po eh." Lumapit siya dito at itinuro ang parteng nasaktan. Hinaplos nito iyon at natatawang tiningnan ang mukha niya. "Medyo salbahe talaga ang pamangkin mong iyon. Hayaan mo at pagagalitan ko mamaya." "Naku, Ate huwag na ho. Huwag niyo ng pagalitan. Hayaan niyo na at hindi naman magtatagal ay mawawala rin itong sakit. Baka lang ho kasi nagugutom na 'yun, maigi kung mahahatiran ng pagkain." "O sige. Ako na ang bahala. Kumusta pala ang mama, tulog pa ba?" "Oho eh. Ako na lang mamaya ang magdadala ng pagkain pagkagising niya." "Siya sige. Gusto mo ba nitong niluto naming ginataang gabi?" Nagliwanag ang mata niyang napatingin kay Aling Socorro. Kanina pa niya hinihintay na alukin siya ng meryenda ng mga ito. "Teka lang. Kuhanan kita." Alok ni Letecia. "Salamat po." Nginitian siya ni Aling Socorro na anyo na sanang tatayo kanina bago nag-alok si Letecia. Hinihintay niya ang ginataan na nakalagay sa mangkok pagkaabot sa kanya ni Letecia pagkuwa'y dinala niya iyon sa lamesa upang doon kumain. "Ate, kayo po ni Aling Socorro, kain din po kayo." "Mamaya na ako. Hatiran ko muna si Uela ng pagkain." Sagot nito at bumaling sa kawaksi. "Aling Socorro, kain na muna kayo. Mamaya na 'yan. Sabay-sabay na kayo mag-meryenda nina Aling Josefina." "O sige. Salamat." Tumayo si Aling Socorro. "Tawagin ko lang ang iba." Dugtong nito at lumabas. "Si Elly po Ate, nasaan?" Tanong niya nang hindi makita ang bata. Madalas kasi ay patakbo-takbo ito kung saan naroon ang ina. "Natutulog sa kwarto niya. Kung gising yun ay baka nanggugulo din yun dito sa kusina." Matapos sumandok ni Letecia ay umalis na ito upang ipanhik kay Uela ang ginataan. Naiwan siyang mag-isa sa kusina na ng datnan ng mga kawaksi ay paubos na ang pagkain. "O, aalis ka na?" Tanong ni Aling Trining na may hawak-hawak pa ring walis tingting kahit sa pagpasok nito sa kusina. Magkakasama ang apat na kasambahay, si Aling Josefina, Aling Socorro, Aling Susan at si Aling Trining. "Oho. Tapos na ako. Si Mang Fidel ho bakit wala?" "Hahabol na lang daw siya." Si Aling Socorro ang sumagot. "O sige ho, tapos na ako. Kayo naman dito." Tumayo na siya at iniwanan ang apat. Dumiritso siya sa kanyang kwarto at tinapos ang ginagawang research paper na naantala kanina dahil sa pagsaway kay Uela. Binalikan niya iyon at ipinagpatuloy hanggang sa oras na tinawag siya para sa kanilang hapunan kung saan ay si Uela naman ang hindi sumabay sa kanila. Ani ni Letecia ay nakatulog daw matapos ang meryenda kanina. Matapos niyang kumain ay dinalhan naman niya ng pagkain si Donya Milagros na hindi pa rin umaayos ang pakiramdam hanggang sa mga oras na iyon. ..... Nang mga sumunod na araw ay tinotoo nga ni Uela ang banta nito sa kanya. Hindi na siya nito kinakausap kahit nagkakasalubong silang dalawa sa loob ng bahay o kahit nagkakasabay sila sa pagkain na hindi naman nito dati ginagawa. Noong una ay para siyang nabunutan ng tinik na hindi na niya ito kailangang kausapin sa tuwing may sasabihin ito sa kanya pero sa pagdaan ng mga araw na hindi ito nangungulit ay unti-unti siyang nag-aalala. Nag-aalala siyang baka dumating ang araw na tuluyan itong magalit sa kanya na sa hindi malamang dahilan ay parang sumasakal sa kanya. "I just came from the canteen and you will be surprised with what I heard." Excited na wika ng kaibigang si Tyron sa kanila ni Rafael na nasa loob lang ng classroom at naghihintay ng sunod nilang klase. Balewala niyang ipinagpatuloy ang ginagawang pagre-review habang si Rafael naman ay hindi nakatiis na magtanong habang nilalaro sa baba ang hawak na ballpen.. "Anong narinig mo?" Humila si Tyron ng isang upuan at inilapit iyon sa kanila ni Rafael. "May sorority raw sa high school department." "O, tapos?" Nanabik na muling tanong ni Rafael. "Wala naman. Nabanggit ko lang." Sagot ni Tyron na ng balingan niya saglit ay balewalang umingos. Sa inis ni Rafael ay inabot nito ang kaibigan gamit ang kamay na may hawak na ballpen at ipinalo iyon sa uluhan nito. "Pambihira ka naman eh. Akala ko, mahalaga ang ibabalita mo, tapos 'yun lang pala? Eh, matagal ng may sorority dito sa school natin ah. Hindi mo ba nababalitaan?" Para namang batang sinapo ni Tyron ang bahaging pinalo ng kaibigan. "Oo, alam kong mayroon dito sa university natin pero sa high school department, bago lang." Naiiling niyang iniiwas ang upuan niya sa dalawa at humarap sa may bintana upang ipagpatuloy ang pagbabasa sa kanyang notes. Ilang minuto na lang ay darating na ang kanilang professor. Mayroon silang recitation sa araw na iyon at ayaw niyang bumagsak roon. .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD