Episode 12.1

944 Words
Inspector Joshua Sann's POV ISANG nakangiting si Mrs. Isabel Cortes ang sumalubong kina Joshua at Monica sa bahay ng mga ito sa Caloocan. Inimbitahan sila nito papasok sa malaking bahay. “Pasensiya na kayo kung hapon na ako nakipag-meet,” sabi ni Mrs. Cortes. “Abala lang talaga sa business. Gusto niyo ba ng maiinom o makakain?” “Hindi na,” sagot ni Joshua. “Nandito lang kami para magtanong ng ilang katanungan tungkol sa murder case ng asawa niyo.” Tumango-tango ang ginang, makikita na sa mga mata nito ang kalungkutan. “Mga taga-SCIU kayo, tama? Akala ko ay kinalimutan na ng mga pulis ang kaso ni Michael.” Pinakatitigan ni Joshua ang babae. The sadness in her face was genuine. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakaka-move on sa pagkawala ng asawa. “Nabasa namin sa police reports na may business meeting ka rin noong araw na namatay si Mr. Cortes,” sabi ni Monica. “Mag-isa lang siya dito sa bahay. Sinabi ng anak niyong si Jason na madalas daw umuuwi ng tanghali ang asawa niyo para magpahinga.” Gulat na napatingin sa kanila ang babae. “Nakausap niyo si Jason?” “Oo,” sagot ni Joshua. “Sa kanya namin nakuha ang contact details mo.” Kumunot ang noo niya nang mapansin ang paglulumikot ng mga mata ni Mrs. Cortes. “May problema ba doon?” “W-wala naman.” Nagyuko ito ng ulo. “It’s just that... I’m having a hard time dealing with my son right now.” “Bakit? Base sa naging pakikipag-usap ko sa kanya, mukhang napakaimportante niyo kay Jason.” Tumingin sa kanya. “Iyon nga ang problema. Masyadong attached sa akin si Jason. Hanggang ngayon dito pa rin siya nakatira dahil gusto niya raw akong bantayan, alagaan. Na siya na raw ang bahala sa akin.” “Gusto niyo siyang lumipat ng tirahan?” curious na tanong ni Monica. “It’s about time,” sagot ni Mrs. Cortes. “Matanda na siya. Oras na rin para bumuo siya ng sariling pamilya. Hindi naman puwedeng palagi siyang nandito sa tabi ko. Kaya ko na naman ang sarili ko. Pero ayaw niyang maniwala. Ipinipilit niya na siya lang ang kailangan ko.” “About the death of your husband,” pagkukuwestiyon na ni Monica. “Wala ba kayong alam kung may kagalit siya? Or may nagtatangka sa buhay niya? Any death threats?” Pinagmasdan lang naman ito ni Joshua. He couldn’t see that the woman was lying. Umiling si Mrs. Cortes. “Walang sinasabi sa akin si Michael pagdating sa trabaho niya. He’s always busy. Oo, ang politics career ni Michael ang priority niya. Nalulungkot ako dahil doon. He’s not perfect but I still love him. At napakasakit na wala na siya.” Ipinikit nito ang mga mata, pinipigilang mapaiyak. “I can still... remember... seeing his dead body. It hurts so much.” “You haven’t seen or heard anything suspicious about your husband?” patuloy na pagtatanong ni Monica. “Wala,” sagot ni Mrs. Cortes, nagmulat. “Pero sigurado ako na walang ginagawang masama si Michael kung tungkol sa trabaho niya. I know some of you think that politics is dirty but he’s a good politician. Naniniwala ako doon.” “How about your son?” singit na tanong ni Joshua. Bumaling sa kanya si Mrs. Cortes, kumunot ang noo. “What about Jason?” “Wala ba siyang galit sa ama niya? Dahil sa nakikita niyang kalungkutan mo?” he asked. “According to his words, Jason will do anything for her mother.” Nakita niya ang pagkatigil ng babae. Mahabang sandaling natahimik ito, para bang naguguluhan. Lumunok si Mrs. Cortes. “Hindi ko alam,” sagot nito. “Pero naalala ko na bago namatay si Michael, may sinabi sa akin si Jason. Sinabi niya na... na darating ang araw na hindi na ako malulungkot o masasaktan dahil sa kanyang papa. Na matatapos din ang lahat at magiging masaya ako.” “Why did he say that?” tanong pa ni Joshua. Hindi sapat na dahilan ang dahil sa busyness ni Michael Cortes. Something was off. Mapait na ngumiti si Mrs. Cortes. “Dahil... dahil nalaman niya ang tungkol sa... sa babae ni Michael.” Napahikbi na ang babae. “Matagal ko nang alam `yon. Na may babae ang asawa ko na nagtatrabaho rin sa city hall. Pero... pero hindi ko iyon sinasabi kay Jason. Ayaw ko na masira ang pamilya namin. Kahit... kahit masakit. Mahal ko si Michael. Iniisip ko na baka... baka panandalian lang `yon. Na kami pa rin ang pipiliin niya.” Tumingin si Joshua kay Monica na nakatingin lang kay Mrs. Cortes, may pagkaawa sa mukha ng dalaga. Hindi nabanggit ni Jason na may babae ang ama nito. Bakit? That was one crucial information. Imposibleng hindi nito iyon naaalala. May ilan pa silang naging katanungan kay Mrs. Cortes bago nagpaalam. “Let’s go see Jason Cortes,” sabi niya kay Monica pagkarating nila sa kinapaparadahan ng kanyang Ducati motorbike. Inabot niya sa dalaga ang isang helmet bago sumakay sa motorbike. “Siguradong nasa UP pa siya ngayon. I checked his schedules.” Kailangan nila itong makausap as soon as possible. Joshua was sure Jason Cortes was hiding something more. His gut instinct could feel that. Tumango lang ang dalaga at umangkas na sa motor. Nakahawak lang ito sa magkabilang gilid ng kanyang damit. Ini-start ni Joshua ang motor at pinatakbo iyon. Hindi niya binilisan ang pagpapatakbo dahil napansin niya na hindi sanay sa motor si Monica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD