NAGLAKAD sina Joshua patungo sa itinuro sa kanilang classroom kung saan daw naroroon si Jason Cortez ngayon. Pasado alas-singko na ng hapon at kakaunti na lang ang mga dumadaang estudyante sa hallway na iyon. Nasa pinakadulo ang classroom na pupuntahan nila.
Sarado ang pinto ng classroom pagkarating nila. Tapos na siguro ang klase. Binuksan niya iyon at pumasok sa loob. Napatigil sila sa paghakbang nang makita si Jason Cortes na nasa isang sulok ng classroom. The man was trapping one college girl on the wall.
Bahagya nang nakababa ang pantalong suot ni Jason, hawak-hawak nito ang kamay ng dalaga na halatang hindi nagugustuhan ang ginagawa. Umiiyak na ito pero dahil nakatakip ang isa pang kamay ni Cortes sa bibig ng dalaga ay hindi makasigaw.
“Sige na, hawakan mo na,” narinig pa niyang sabi ni Jason. Mukhang hindi pa napapansin nito ang presensiya nila. “Masasarapan ka.”
Umakyat ang dugo sa ulo ni Joshua dahil sa nasasaksihan. Inilang hakbang niya lang ang paglapit sa lalaki. Lumingon si Jason, bumahid ang matinding pagkagulat pagkakita sa kanya.
Pero bago pa makagalaw ang lalaki ay naundayan niya na ng malakas na suntok sa mukha. Jason swayed. Mabilis na hinuli ni Joshua ang kuwelyo ng lalaki at isinandal ito sa pader. Pagkatapos ay sinuntok niya uli ito ng ilan pang beses, galit na galit.
Narinig na ni Joshua ang pag-iyak ng dalaga na nagtatakbo papunta kay Monica na lumapit na rin, natataranta.
Binitawan niya si Jason na bumagsak na sa sahig. Nakababa pa rin ang pantalon nito. Hindi pa rin tumigil si Joshua at muling pinagsusuntok ang lalaki na nagmamakaawa na. “Tangina mo ka,” mura niya pa dito.
Umayos siya ng tayo at akmang aapakan ang nakalabas na ari nito nang bigla niyang maramdaman ang pagpigil sa kanya ni Monica sa baywang. “Stop it, Joshua,” natatarantang sabi nito. “Stop it. Stop it, please.”
Sobrang higpit pa rin ng pagkakakuyom ni Joshua sa mga kamao. His anger didn’t drop. He wanted to strangle this maniac. He wanted to crush down his manhood at that moment. Para matanggalan ito ng kaligayahan.
Nanginginig na sa sahig si Jason, hindi na makagalaw. Punong-puno na rin ng sugat at dugo ang mukha nito. Joshua was breathing hard in anger. Hindi pa sapat iyon.
“Call for help,” narinig niyang sabi ni Monica sa dalaga, hawak-hawak pa rin siya. Alam nitong kapag binitawan siya ay bubugbugin uli si Jason.
“Ha-hayup... hayup ka...” narinig pa niyang usal ni Jason.
“Ano’ng sinabi mong, gago ka?!” Nagpanting ang mga tainga ni Joshua at pinagtatadyakan ang lalaki.
“Joshua, stop!” malakas na sigaw na ni Monica. Kahit hindi ito gaanong kalakas ay ginawa pa rin ang lahat para mapigilan siya.
Ilang sandali lang naman ay naramdaman na ni Joshua ang paghila sa kanya palayo ng ibang mga tao. Nagpumiglas siya at paulit-ulit na binato ng mura si Jason na tinulungang makatayo ng iba. Tama lang na bugbugin ang manyakis na iyon. How could he do that to his own student? f*****g bastard!