Episode 13.1

577 Words
Senior Inspector Lizette Salcedo's POV MABILIS na nagtatakbo sina Lizette patungo sa interogation room nang marinig ang nangyari kina Joshua at Monica. Napatigil siya nang makita sa labas ng interogation room ang dalawa, nakaupo sa waiting chairs na nandoon. “Lizette.” Mabilis na tumayo si Monica at yumakap sa kanya, napahikbi na ito. Tinapik-tapik ni Lizette ang likod ng dalaga. Nararamdaman niya pa ang panginginig ng katawan nito. Tiningnan niya si Joshua na nakayuko lang, may bandage ang kanang kamay nito na may bahid ng dugo. “What happened?” tanong niya. Ikinuwento sa kanya ni Monica ang lahat ng nangyari sa university na pinagtatrabahuhan ni Jason Cortes. Hindi siya makapaniwala. “Nandito... nandito si Cortes, pati na rin ang college student na tinangka niyang gawan ng masama,” sabi pa ni Monica. “Nasa... nasa magkaibang kuwarto sila.” Tumango-tango si Lizette. Tiningnan niya si Kevin na pumasok sa loob ng kaharap na interogation room. Sumunod siya dito. Nakita nila na nakaupo doon si Jason Cortes, nakaposas ang mga kamay. Bugbog-sarado ang itsura nito, nakapikit na ang kanang mata, putok ang mga labi. Napailing si Lizette. What had Joshua done? “Walang... walang ginawang masama si Joshua,” narinig niyang sabi ni Monica na nakatabi na sa kanya. “But I... I tried to stop him.” Tiningnan niya ang dalaga. “You did well,” bulong niya. Alam ni Lizette na hindi madali para kay Monica na pigilan si Joshua. “Walang ginawang masama?” narinig nilang sabi ni Jason Cortes. Tumayo ito at galit na pinukpok ang mesang kaharap. “Tingnan ninyo ang ginawa niya sa mukha ko. Hayup siya!” “You molested a student,” mariing sabi ni Kevin. “Hindi ba iyon ang masama?” Nag-iwas ng tingin si Jason. Bumalik ito sa pagkakaupo. He seemed intimidated by Kevin’s authority. “Stay put here,” utos pa ni Kevin. “May mga kakausap sa `yo na hahawak sa kaso.” “I need to call my lawyer,” narinig pa nilang pahabol ni Jason bago sila makalabas. “Hindi tayo ang hahawak sa kaso niya?” tanong ni Monica. “We can’t,” sagot ni Kevin. “Isa sa mga team members natin ang bumugbog sa kanya. Hindi rin iyon hahayaan ng Chief.” Malungkot na tumango na lang si Monica. “Nakausap ko ang estudyanteng tinangka niyang molestiyahin,” sabi nito. “Sinabihan daw siya ni Cortes na tumulong sa pag-aayos ng exam papers kaya naiwan siya doon. Pagkatapos ay bigla na lang daw siyang sinunggaban at pinipilit... makipag-sex.” Napasandal sa dingding si Lizette. Tiningnan niya si Joshua na wala pa ring imik. She was sure Joshua did that to save the student. Pero sobra pa rin nitong nabugbog si Jason Cortes. Though, that man deserved it. “Let’s go back,” narinig niyang sabi ni Kevin. “Monica, magpahinga ka na muna. Joshua, you can go home now.” Tumingin sa kanila si Joshua. There was coldness in his eyes. Hindi ito nagsalita, tumayo na at lumakad palayo. Nakasunod na lang ang tingin nila dito. Gusto sana itong habulin ni Lizette. Bigla ay may umusbong na pag-aalala sa puso niya para sa lalaki sa hindi malamang dahilan. pero minabuting huwag na lang. Pero mas pinili niyang hayaan na lang ito. Marami pa silang kailangang asikasuhin. May pupuntahan pa rin sila ni Kevin. She just hoped that this will be settled well.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD