ARIADNE Napahinga ako nang malalim at saka isinalampak sa aking higaan ang aking pagod na pagod na na katawan. Tila naging isang nakakapanibagong pakiramdam naman ang matulog sa kwarto ko rito sa palasyo namin dahil sa tagal din na hindi ko nagawang umuwi rito dahil kailangan kong kilalanin ang bawat isa sa mga taong malalapit sa kapatid namin. As much as I hate Averyl, hindi ko pa rin maikakaila na kailangang-kailangan namin siya sa magaganap na laban. Napakalakas ng abilidad niya at hindi namin iyon mapapantayan ni Lucas ngunit gayunpaman, maliwanag din sa akin na teritoryo ko ang Celaeno. Sa hinaharap, ako pa rin ang dapat mamuno rito at hindi si Averyl. Hindi rin magtatagal at magiging sunod-sunuran din siya sa akin. Hindi ko pa rin maalis sa dibdib ko ang galit ko kada makikita ko s

