EPISODE 16

1888 Words
“S-SINASABI ko na nga ba.. Restobar ito ni Mikey..” “Oo Fairy. Sorry kung ‘di ko sinabi sa’yo,” sagot ni Ash. Nanatiling nakatitig si Fairy kay Mikael na inaayos ang mga gitara nito at ang microphone. Nagtaka na siya kanina ng makitang ang pangalan ng bar pagpasok nila ay MIKEY’S. Kumabog ng husto ang puso niya ng makita iyon, ngunit ng makapasok siya at hinanap ito ng tingin ay wala naman ito. Kaya namatay muli ang pag-asa niya. Ah, pero ngayon ay narito na ito. Gusto niya itong lapitan ngunit bigla siyang nahiya. Halos wala siyang ibang naririnig ngayon kundi ang malakas na t***k ng puso niya. Natuon dito ang atensiyon ng lahat ng magsalita ito. “Salamat po ulit sa pagpunta ninyo sa unang gabi ng Mikey's. I hope you guys are enjoying the night,” at dumako ang tingin nito sa direksyon niya. Pumintig na naman ang puso niya. Tila kasi sa kanya lang ito nakikipag-usap ngayon. “My band will perform a very special number tonight, because its the first night of the bar, at para na rin sa napaka-espesyal kong customer,” at kinindatan siya nito. Kumabog ang puso niya. Siya ba ang tinutukoy nito? “Andrei Fairy Luzano, the princess of all fairies, para sa’yo ang kantang ito. I hope this song would tell you what you mean to me,” at ngumiti ito ng masuyo. Nakagat niya ang ibabang labi. Para sa kanya? Oh, tila nanghihina ang tuhod niya ngayon pa lang. Her cheeks reddened when the other customers looked at her. Nagsimula nang tumugtog ang mga ito. Hindi niya inalis ang tingin kay Mikey, at ganoon din naman ito sa kanya. Himbes na ang vocalist ng banda na si Brad, si Mikey ang kumanta. “For years I loved a woman whom I know can't love me back. I even said to myself, love won't again knock. But all of my thoughts were wrong, because at an unexpected time you came along..” Napangiti siya sa kilig. Ang ganda talaga ng boses nito. Hindi niya akalaing darating ang panahon na magugustuhan niya ang ganitong uri ng musika, at dahil iyon kay Mikey. “At first I thought it was just pure attraction, because yes I can't deny you brought all the guys’ attention. But why do everytime you walk away, my heart screams for you to stay?” Napalunok siya. Oh, Mikey.. Ang ganda ng kantang iyon. Alam niya, isa iyon sa mga original songs ng banda nito. Medyo rock iyon ngunit ramdam pa rin niya ang lyrics. Siguro ay dahil na rin ang taong mahal niya ang kumakanta niyon. “I don't know what you did to me, maybe you cast a spell on me. 'Cause yes, I think I have fallen in love with a fairy, the one who's soul and heart's so pretty..” Lumobo ang puso niya. Natawa siya, ngunit kasabay niyon ay may kumawalang hikbi. God, naiiyak siya sa mga gusto nitong iparating sa kanya. “Wow, mukhang sariling komposisyon ni kuya Mikael ‘yan, Fairy,” narinig niyang wika ni Ash. Ang mga customers ay kinikilig din sa kanta ng binata. Bakit nga naman hindi, kung ang umaawit niyon ay napakaguwapo at mula sa puso talaga ang kinakanta. “How can this feeling developed into love for just a week? When I used to love somebody for long long years? Am I wrong, all this time, that what I felt before isn't really love?.” “Now I came to realized, loving someone can't measured on how long you knew that someone, its about what feelings that someone gave you even in a short period of time..” Mahal din siya nito. Iyon lang ang malinaw niyang naiintindihan. He never loved Lussy in the way he loves her, tulad ng naramdaman niya kay Ash. Biglang inilahad ni Mikey ang kamay nito na tila gusto siyang abutin. “So come here, my fairy, let me be the man of your life. I may not be as handsome, kind and lovable as your first love, but I promise to protect and cherish you for the rest of our lives..,” punong-puno ng pagmamahal ang abuhing mga mata nito.. para sa kanya. Naramdaman niya ang marahang pagtulak ni Ash sa kanya. “Go, Fairy. My brother's waiting,” at hinila na siya nito patayo. Nanginginig na lumapit siya sa tapat ng stage. Nahawi sa gilid ang nga tao upang paraanin siya. Natutop niya ang bibig sa pagpigil na umiyak ng tuluyan dahil nakalahad pa rin ang kamay ni Mikey at hinihintay siya. Oh, her man. This guy just declared the whole world his love for her through a song. Ah, simula ngayon, ito na ang paborito niyang kanta. Nang makarating ng stage ay inabot niya ang mainit at malaking kamay ni Mikey. Hinawakan nito ng mahigpit iyon at tumalon mula sa maliit na stage. His gray eyes didn't left hers. “That was... a great performance, Mikey,” paos na wika niya at hinawakan ang buhok nito. Hinaplos niya iyon pababa sa noo nitong may pawis na. Pero napakabango pa rin nito. Mikey cleared his throat. “I’m glad you liked it,” he said then caught her hand from his temple and kissed it. “B-bakit ka biglang umalis noon sa ospital? Paggising ko, wala ka na,” tila nagtatampong sabi muli nito. Nakagat niya ang ibabang labi. “Sorry, Mikey. Sobra lang akong na-guilty noon sa mga nasabi ko sa’yo. H-hindi ko ‘yon sinasadya. Ikaw ang nanalo sa secret bat”— Pinatahimik siya nito gamit ang hintuturo nito na idinikit sa labi niya. Namula siya. “Hey, okay na ‘yon. Hindi na ako galit. Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin. Salamat sa pag-aalaga mo noon kay Ash, and for helping me reconciled with my brother..” “P-pero wala naman akong ginawa para matulungan ka. Pinagdudahan ko pa ang intensiyon mo, pinagsalitaan kita ng masasakit, at kinalaban pa kita,” garalgal na wika niya. Pakiramdam niya kasi ay hindi niya deserve ang masabihan ng salamat ni Mikey. “Dahil sa’yo tuluyan ko ng pinakawalan ang nararamdaman ko kay Lussy. Pinangiti mo ulit ako, kahit saglit pa lang tayong magkakilala at magkaaway pa tayo noon. Hindi ko alam kung anong meron sa’yo, because even though I have to tell myself you're my enemy, every fiber of my body wants to be with you,” at bigla itong namula Napakurap siya. Pareho sila? Dahil ganoon din ang epekto nito sa kanya. “Pakiramdam ko rin nakilala na kita noon. At ng nasa ospital ako, natandaan ko na kung kailan tayo unang nagkakilala..” “Sa cr ng lalaki, hindi ba?,” kunot-noong sabi niya. “Mali ka,” umiiling na wika nito. “Una tayong nagkita sa music room, tatlong taon na ang nakararaan,” then he smiled when her lips parted. “I-ikaw.. ang lalaking nanunubok din noon sa labas ng music room kina Ash at Lussy?” Tumango ito. God, napatitig siyang muli sa abuhing mata nito at tila nag-flashback ang isip niya sa nakaraan. Tama, ang abuhing mga mata nito. Kaya pala pamilyar ito sa kanya. Oh, how could she forget? “It was always by accidents that we meet. But I’m glad those accidents happened,” anito at tinitigan siya. Iyong klase ng titig na para bang gusto siyang sunggaban ng halik. “B-bakit?,” tila hindi siya makahinga sa titig nito. Tumikhim ito at inalis ang tila bara sa lalamunan. Kita niya ang pagkislap ng luha sa mga mata nito. “Because I met a very special girl. A princess of the living fairies. And that’s you. Mahal kita.” Ah, pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya anumang oras sa sobrang kaligayahan. “Mahal din kita, Mikey,” garalgal na wika niya. Napanganga ito at napuno ng pag-asa ang mata. “S-sigurado ka, Fairy? Alam ko kung gaano mo kamahal si Ash. K-kaya ko namang maghintay..” Umiling siya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. “H-hindi Mikey. Tulad ng naramdaman mo kay Lussy, ganon din ako kay Ash. I was only in love with the idea that I love him.. At kung mahal ko siya, hindi kita sana hinayaan noon na ma-distract ako..” Naipikit ni Mikey ang mga mata nito. “Ah, ang tanga ko.” Napangiti siya. “While you, even if we only met accidentally, I would always be thankful. Because that accident led me to meet my true love. Ikaw. Tama ka, hindi nasusukat ang tunay na pagmamahal sa tagal ng pagkakakilala. Ang mahalaga ay ang mga kakaibang pakiramdam na idinulot ng taong iyon sa iyo sa loob lang ng maikling panahon. At isa pa, mas marami pa tayong panahon ngayon para kilalanin ang isa't-isa,” at hinalikan niya ang tungki ng ilong nito. Namula na naman ang binata at pati ilong ay namumula na, na parang naiiyak ito. “I’m loss for words. Isa lang ang alam ko, mahal na mahal kitang talaga, Fairy..” “K-kahit na fairy lang ako at hindi prinsesa tulad ni Lussy?,” naiiyak na tanong niya. Masuyo nitong pinunasan ang luha niya. “Nakatira tayo sa totoong mundo. Fairies need a real man to get them out of the fairytale story and give them the happiness they deserve. And that's what I did. I got you out of Ash and Lussy's fairytale story and gave you your own, real love story. At sa totoong mundo na ito, ikaw ang prinsesa ko, Fairy,” madamdaming sagot nito na nagpatunaw sa insekyuridad at pangamba niya. Humiyaw pa sina Ash at Lussy na hindi niya namalayang naroon na. “Kiss na!” Nagkatinginan sila at sabay pang natawa. Kitang-kita sa mga mukha nila ang kaligayahan at pagmamahal. “Very well said, my red-haired prince. So will you please kiss me now? Sobrang miss na miss na kita” “Hindi mo lang alam kung gaano rin kita na-miss, at kung gaano talaga kita gustong halikan araw-araw ng magkasama tayo sa resort," ngiting-ngiting bulong nito sa kanya. She chuckled and kissed his sexy chin. May tumutubo na ring stubbles doon, na lalong nagpaguwapo rito. She was so lucky to be loved by a very talented, adorable, funny, handsome and kind guy. “Don't kiss me there, its making me hard,” tila nahihirapang wika nito. Namula siya at natawa ng maramdaman iyon dahil halos magkayakap na sila. Biglang nagsalita ang kabanda nitong si Kallum. “Hey lovebirds, don’t let the audience wait. Mikey, just kiss your girl now,” sabi pa nito. Naghiyawan ulit ang lahat. “Right away,” iyon lang at mabilis na siyang ginawaran ng matamis at makapigil-hiningang halik ni Mikey. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang magpakalunod sa mga halik nito. In the background, Robert continued the song. “Love comes in unexpected packages, knocks on on our door unforseen, so make sure you'll see it when it finally hits you..” Fairy smiled between their kiss. Oo, tama ang sinasabi ng kanta. Masuwerte sila dahil napagtanto nila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, at kung sino ang totoong mahal nila. Because for her, this was the first time she really fell in love, and she was beyond glad it was Mikael, the red- haired, gray-eyed, rockstar of her life. WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD