EPISODE 15

1874 Words
TO THE PRINCESS OF ALL FAIRIES, SALAMAT SA PAGLIGTAS MO SA BUHAY KO. REMEMBER THE SONG I SANG AT THE BEACH? KUNG NAAALALA MO PA, PARA IYON SA’YO. Your Red Haired guy, M. “Teacher Fairy, bakit ka po umiiyak?,” inosenteng tanong ng mga istudyante ni Fairy. Awtomatikong pinunasan niya ang mga luhang ni hindi niya namalayang pumatak pala habang binabasa niya ang note. God, miss na miss na niya si Mikael. Sobra lang siyang natuwa sa note nito na ‘di niya mapigilang maiyak. Ibig sabihin ba, hindi na ito galit sa kanya? Makakausap na kaya niya ito? Para sa kanya, hindi pa rin sapat ang ginawa niyang pagligtas ditto noon sa beach para makahingi siya ng tawad. Isa pa, gustong-gusto na niyang makitang muli ang mukha nito, ang pula nitong buhkok.. “Kids, narito pa ba ng nagbigay ng mga flowers na ‘to? Nasaan na siya?,” she asked hopefully. “Teacher Fairy, umalis na po siya agad ng masilip niya sa bintana kanina na pumasok kayo ng gate, e. Binigyan niya po kami ng chocolates kapalit ng pag-abot naming ng flowers sa inyo,” sagot ni Luke at kinuha sa bulsa ng khaki shorts nito ang imported chocolates. Napangiti na lamang siya at nag-init muli ang sulok ng mga mata. “He’s a sweet guy, isn’t he?” “Opo Teacher. Gusto ko pong magkaroon ng red hair katulad niya!,” bibong sagot ni Riki. Natawa na lamang siya. Ah, yes, the red hair. “Kids, bagay ba kami ni Mr. Red Hair? Ano sa tingin ninyo?” Natigilan siya ng magtawanan ang lahat ng ito. Napasimangot siya. Pati ang mga bata ay mukhang hindi sang-ayon na bagay sila ni Mikey. “Oo na, alam ko. Hindi talaga kami bagay..” Nang mahimasmasan si Iridessa ay ito ang sumagot sa kanya. At para siyang paulit-ulit na kiniliti sa puso sa isinagot ng bata. “Teacher Fairy, natatawa lang po kami kasi parehong-pareho po kayo ng tanong ni Mr. Red Hair kanina. Sabi niya, “Kids, bagay ba kami ni Teacher Fairy? Ano sa tingin ninyo?” “ASH, ano’ng meron? Bakit biglaan naman itong pagyaya mo sa akin?” Natawa si Ashron habang nagmamaneho ng sasakyan. Nagulat kanina si Fairy ng bigla itong nagpunta sa apartment niya kanina at niyaya siyang lumabas. Nagtataka man ay wala na siyang nagawa kundi magpahila rito. “May pupuntahan lang tayong bagong bar diyan sa Taguig. Magugustuhan mo roon,” sagot nito. Napakunot-noo siya. “Inistorbo mo ang paggawa ko ng lesson plan para lang mag-bar? Ashron, alam mong hindi ako mahilig mag-party. At teka? May problema ba? Nag-away ba kayo ni Lussy kaya nagyayaya kang mag-bar? Nagkasagutan ba kayo ni M-mikey?,” sunod-sunod na tanong niya. Ah, nautal pa siya sa pagbanggit sa pangalan ni Mikael. Ngumiti ito. “Hindi naman. Papunta na rin si Lussy sa bar. Ano ka ba, Fairy? Loosen up a little bit. Ngayon lang naman kita niyayang mag-bar. Samahan mo na kami.” “Ginawa pa akong chaperone,” nakaingos na wika niya. Pero masaya siya na okay naman pala ito at walang problema sa lovelife at pamilya nito. “Ahm, Ash, k-kumusta naman si Mikael? P-pupunta rin ba siya sa bar?,” tanong niya rito. Halos ‘di siya humihinga habang hinihintay ang sagot nito. “He’s doing great. Hmm, hindi ko alam e. Busy kasi iyon sa business niya. Miss mo na siya, ‘no?,” nanunudyong tanong nito. Namula siya agad. “P-pinadalhan niya ako ng flowers kanina sa school..” Natawa si Ashron. “I know. Tinanong niya sa akin kung ano ang paborito mong bulaklak.” Lumukso ang puso niya. “H-hindi na siya galit sa akin?” Saglit siya nitong tiningnan bago muling itinuon ang tingin sa daan. “You saved him. Kaya bakit siya magagalit sa’yo, e iniligtas mo ang buhay niya? Mabait na tao si Kuya Mikey. At ngayon ko lang nakikita iyon. Nanghihinayang pa rin ako sa mga panahong puro kami bangayan lang. Pero bumabawi naman na kami sa isa’t-isa.” Napangiti siya. “Masaya rin ako na okay na kayo.” “Alam mo ba kung ano ang mga dahilan ko noon kung bakit ayaw ko sa kanya? Una, pakiramdam ko noon siya na ang nagiging paborito ni daddy dahil siya ang unang anak at hindi sila nagkasama ng matagal na panahon. Akala ko noon, nagsawa sa akin si dad. Pagkatapos ay pareho pa sila ng mga hilig. They both love playing guitars, while I exceled in playing piano. Pakiramdam ko hindi napapansin ni dad ang talento ko dahil mas tutok siya sa pakikipag- bonding kay Kuya Mikey. Then Mikey met Lussy. Naging close sila at nagselos ako dahil akala ko inaagaw na niya si Lussy sa akin. But then I realized, may kasalanan din ako. Ako ang nagtulak sa kanila palayo. Selfish ako, duwag at nagpatali sa mga alaala ni mommy kaya ‘di ko sila matanggap noon. Ilang ulit nilang sinubukang makipaglapit sa akin pero patuloy ko silang tinatanggihan,” anito at napabuntong-hininga. Tinapik niya ang balikat nito upang iparating na kalimutan na nito ang mga nangyari noon. Ang mahalaga ay nagkaayos na itong magkapatid. Ngumiti si Ashron. “Kaya ngayon gusto kong bumawi kay kuya Mikael. You see, he likes this girl for quite some time now. I wanna help him.” Tila tinusok ng maliliit na karayom ang puso niya. Tumikhim siya upang maalis ang tila bara sa lalamunan niya. “N-napakasuwerte ng babaing iyon.” Nakagat niya ang ibabang labi ng patuloy na tila nadudurog ang puso niya. Broken-hearted ulit siya, at sa pagkakataong ito, totoo na. Dahil totoo na ang nararamdaman niyang pagmamahal, para lamang kay Mikael. Tumingin muli si Ashron sa kanya. “Yes, she is.” PAULIT-ULIT na bumuga ng hangin si Mikey habang naglalakad patungo ng stage. Magkakaroon sila ng performance ng kanyang bandang Silverdust. Kaninang umaga lang dumating ang mga kabanda at kaibigan niyang sina Robert at Kallum mula Florida. Matagumpay na nagbukas ang restobar niyang Mikey’s sa Taguig, ang business na pinangarap niyang maitayo ng makaipon siya sa Florida. Ang mga kabanda niyang sina Kallum at Robert ay nagtungo talaga ng Pilipinas upang masaksihan ang opening ng bar. Anim na buwan ang bakasyon ng mga ito kaya regular daw na tutugtog ang mga ito kasama siya rito sa bar. May sariling recording studio ang mga ito sa Florida. Magpinsan kasi ang dalawa. Hindi siya nakisosyo dahil mas gusto pa rin niyang sa Pilipinas magtayo ng negosyo. At alam niyang tama ang desisyon niya dahil natagpuan niya na ang tamang babae para sa kanya. Fairy.. Awtomatikong napangiti siya ng maisip ito. Ang babaeng hindi niya inakalang magkakaroon ng malaking espasyo sa buhay niya sa sandaling panahon. Oo, nagalit at nasaktan siya noong una sa sinabi nito noon sa kanya sa beach, pero naglaho lahat ng iyon matapos ang aksidente. Sobra siyang nagpapasalamat na iniligtas siya nito. Mahal na mahal niya ito, he was now sure of it. Kung ikukumpara niya ang naramdaman niya noon para kay Lussy, ‘di hamak na mas puno ng intensidad ang nadarama niya para kay Fairy. Noon pa naman ay natanggap niya na sa sariling hindi ganoon kalalim ang naramdaman niya para kay Lussy. Para sa kanya, na kay Lussy na ang lahat ng katangiang pinapangarap ng bawat lalaki sa magiging partner nila. But he realized, hindi mo puwedeng mahalin ang isang tao dahil lang nasa kanya na ang lahat o perpekto siya. Isa pa, kung mahal niya talaga si Lussy, sinamantala na niya sana noon ang pagkakataon na mapaibig ito ng nasa Florida sila. Pero hindi dahil alam niyang ito at si Ashron ang nararapat sa isa’t-isa. Iba ang nararamdaman niya ngayon para kay Fairy. Sobrang bilis ng mga pangyayari at ni hindi pa nga niya ito nakakasama ng matagal, pero pakiramdam niya ay kilala na niya ang buong pagkatao nito. Hindi ito maalis sa isip niya kahit na magkaaway sila, kahit ‘di siya nito papansinin dahil si Ash ang gusto nito, kahit na sinusungitan siya nito at hinusgahan noon. Ah, napakarami niyang dahilan upang huwag mahalin ito pero nanaig pa rin ang sinisigaw ng puso niya. Kaya lahat ng panggugulo niya rito noon para manalo sa laban nila ay dahilan niya lamang upang mapalapit dito at mapansin nito, at para mailayo ito kay Ash na kinaiinggitan niya dahil minahal ito ni Fairy. Deep inside his heart, he knew that she captured his heart the first time they met. O ang ibig niyang sabihin, ang ikalawa nilang pagkikita. Napangiti siya ng malapad ng maalala ang una nilang pagkikita. They first met at the music room, three years ago. Pareho silang nanunubok noon sa labas ng music room at nakikinig kina Ash at Lussy na nagtatalo. Ah, he remembered how cute that girl was back then. Pero mas naka- focus pa rin ang atensiyon niya noon kay Lussy. Sana ay natanggap nito kanina ang ipinaabot niyang mga bulaklak sa mga istudyante nito. Sinadya niyang hindi magpakita rito dahil kinutsaba naman niya si Ashron na sunduin ang dalaga at dalhin dito. Kahit gustong-gusto na niya itong sugurin ng yakap kanina ng masilip niya itong papasok na ng gate ng school ay pinigil niya ang sarili. Fairy is worth the wait. Gusto niyang makita nito ang bunga ng pinaghirapan niya. Ngayon niya rin balak na ipagtapat dito ang nararamdaman niya. Kahit hindi siya sigurado kung mahal din ba siya nito, susubukan niya. At alam niyang ito na ang tamang pagkakataon. Ayaw niyang mag-aksaya ng oras dahil ayaw niyang matulad ang istorya nila kina Ash at Lussy. But at least, masaya na rin ang mga ito. “Okay ka lang, dude?,” untag ni Kallum. Marunong mag-Tagalog ang mga ito dahil tinuruan niya noon. Ngumiti siya at tumango. “Ready na ba kayo para mag-perform? Kailangan galingan natin. Para sa babaeng mahal ko ito.” “Oh. Oo naman. Tutulungan ka namin, Mikey boy. We’ll make sure your girl will say yes with our performance,” tinapik siya sa balikat ni Robert. Ngumiti siya. Ang performance na gagawin nila ay para kay Fairy. Umakyat na sila ng stage. Sukbit na nila ang kanya-kanyang gitara. Agad na inilibot niya ang tingin sa mga customers. At namagneto ang tingin niya sa babaeng nakaupo na medyo malayo sa stage. Nakalugay ang itim nitong buhok, nakasuot ng simpleng blouse at hapit na jeans. But to him, she was outstanding. She was the star in his heart. Ang kanyang prinsesa. Ngunit may katabi itong isang lalaki, walang iba kundi si Ashron na nakatingin din sa kanya. Nakaakbay pa ito kay Fairy. His brother waved and smiled at him. Pilit ang ngiting kumaway din siya. God, nagseselos siya. Napalunok siya. C'mon, Mikey, Ash and Lussy are together now. Wala kang dapat ikabahala.. Pero paano kung gusto pa rin ito ni Fairy?, sansala ng isip niya. Paano mo malalaman kung hindi ka magtatapat sa kanya? Ah, tama. Huminga siya ng malalim at tiningnan si Fairy. His girl is looking at him too. Kita niya ang gulat at pagkamangha sa mukha nito. Ibinigay niya rito ang pinakamaganda niyang ngiti. Bigla ay tila silang dalawa na lamang ang nasa lugar na iyon. His heart is beating fast. Para sa’yo ‘to, my fairy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD