EPISODE 14

1672 Words
NAPATINGIN silang lahat kay Lussy. Sana nga ay sabihin na nito ang totoo upang magkasundo na ang magkapatid. Kumakabog ang dibdib niya. Lussy tried to calm herself. “S-sinamahan lang ako ni Mikey sa Amerika upang magpagaling, Ash.. Iyon ang totoo.” “W-what? Anong magpapagaling?,” naguguluhang tanong nito. “Three years ago I was diagnosed of having stage 2 Acute Lymphoblastic Leukemia. Sina lolo at lola lang ang nakakaalam non, dahil nasa Florida ang parents ko. Wala talaga akong planong sabihin sa'yo, kahit na kay Mikey ang kalagayan ko dahil ayokong maging pabigat sa inyo. Sa buong panahon ng pagkakaibigan natin lagi akong nakadepende sa iyo. I agreed to my parents’ decision na sa Amerika ako magpagamot. Ginawa ko iyon dahil gusto ko pang mabuhay, Ash. Para sa’yo. Dahil mga bata pa lang tayo, mahal na kita. Aksidenteng nalaman ni Mikey ang totoo. Nawalan ako ng malay noon at siya ang nakakita at dinala ako sa ospital. Nang magising ako, I knew that he already knew my secret. At nakiusap akong huwag niyang sabihin sa’yo,” sagot nito. Hindi nakapiyok si Ash sa gulat. Siya naman ay tila nanghina. Ang laki ng kasalanan niya kay Mikey. God, paano niya nagawang pagdudahan ito? “Kaibigan ko si Mikey. At oo, inamin niya sa akin noon na gusto niya ako, pero alam na niya noon pa na ikaw ang mahal ko. Nasabi niya sa akin na plano niya raw talagang magtungo ng ibang bansa para magseryoso sa career niya bilang musikero. Nagkataon lang ang lahat, Ash. At dahil naroon siya, dinadalaw niya rin ako noon. S-siya ang nagpaalala sa akin araw-araw na dapat akong lumaban upang mabalikan kita.. He’s a good brother to you, Ash. Hindi niya intensiyong saktan ka, o agawin ang anumang bagay o tao sa’yo..,” at umiyak ulit si Lussy. Napaiyak na rin siya sa sobrang emosyon. She was feeling guilty of doubting Mikey and saying bad things at him last night, kahit alam na niya sa puso niyang nagsasabi ng totoo ang mga mata nito. And she was crying now because of worry. Dahil hanggang ngayon ay unconscious pa rin ito. Siya ang may kasalanan dahil siguro ay dinibdib nito ang mga nasabi niya, kaya mabilis ang pagpapatakbo nito sa jet ski. Umiyak siyang muli at inalo siya ni tito Lyon. Si Ash naman ay nasabunutan ang buhok nito sa sobrang kaguluhan. “Ah, kuya..” Niyakap na lang ito ni Lussy. Gumanti ng yakap ang kaibigan niya kaya lihim siyang natuwa. Ngayon ay wala na ni katiting na pag-aalala sa puso niya dahil alam niya na ang totoo. Lussy and Ash deserve each other. Isang malaking pagkakamali kung hahadlang siya. Wala na rin siyang makapang anumang kudlit ng pagseselos dahil tanggap na rin niya ang lahat. And it was all because of Mikey. Simula ng dumating ito sa buhay niya ay tila nawala na rin ang anumang nararamdaman niya para kay Ash. Oo, tanggap na niya na mahal niya talaga si Mikey. Noon pa. Ang abnormal na t***k ng puso niya tuwing nasa malapit ito.. The sweaty palms of hers every time he would hold her hand, ang mga emosyong nakikita niya tuwing nagtatama ang tingin nila, and the warmth feeling his body is bringing her when he hugs her or just their body slightly touched. Ang inis na nadama niya ng makita kung gaano kalapit sina Mikey at Lussy. The guilt, worry and upset feeling when he was ignoring her, because she can't accept that she instantly missed his flirting and distractions that she sometimes felt so real, hindi lang parte ng plano upang matalo siya. Paanong nangyari ang lahat ng ito sa loob ng halos isang linggo pa lamang nilang pagkakakilala? Walang-wala iyon sa tatlong taon na pinagsamahan nila ni Ash, pero pakiramdam niya ay mas marami pa siyang nalalaman dito kaysa kay Ash. Ah, napakamisteryoso ng pag-ibig. Noon naman biglang dumating ang doktor. Agad nila itong sinalubong. “Kakatapos lang ng results. Good news, hindi naman napasukan ng tubig ang internal organs niya. Mahaba lang ang tulog niya dala na rin ng stress at pagod, marahil na rin sa impact ng tubig sa katawan niya. Pero other than that, okay naman na siya. Kailangan na lamang niya ng mahabang pahinga.” Lahat sila ay nakahinga ng maluwag. “Thank you doc,” anang tito Lyon. Umalis na ang doktor. “Ah, tito, maari ko po bang puntahan muna si Mikey? M-magpapaalam ho sana ako..,” aniya rito. Tumango naman agad si tito Lyon. Ngumiti siya at pumasok na sa kuwarto ng binata.. MAINGAT na lumapit si Fairy sa kama ni Mikey. Napalunok siya ng makitang maputla pa rin ito at tulog na tulog. Ngunit napakaguwapo pa rin nito. Hindi niya napigilang haplusin ang pulang buhok nito na siguradong mami-miss niya. Nag-init na naman ang sulok ng kanyang mga mata. “Gumising ka naman na diyan oh. G-gustong gusto ko ng makita ulit ‘yang gray eyes mo, at nami-miss ko na rin ang bangayan natin.” Hinawakan niya ang kamay ng binata. Kahapon lang ay hawak siya ng mahigpit ng kamay na ito. Kahapon lang ay halos ayaw nitong bitiwan ang kamay niya dahil perpekto raw ang kamay nila sa isa't-isa. Pero ngayon, ni walang reaksiyon ang kamay nitong hawak niya. Tuluyan ng tumulo ang luha niya. “Oo, panalo ka na. Mahal talaga ni Lussy si Ash at sorry kung pinagdudahan ko iyon. N-naiinis ako sayo kasi hindi mo agad sinabi sa akin ang totoo. Hinayaan mong isipin kong kasalanan mo kung bakit nasasaktan si Ash. P-pero mas naiinis ako sa sarili ko ngayon, dahil kahit sinabi na ng puso kong mabuti kang tao, pinairal ko pa rin ang pride ko. Nasaktan tuloy kita. I'm sorry, Mikey..” Mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay nito dahil alam niyang hindi na niya mahahawakan itong muli. Sa oras na gumising ito, alam niyang mananatili ang galit nito sa kanya. And worse, baka hindi na siya naisin pang makita kahit kailan. Kaya nga aalis na siya bago ito gumising. Masaya na siyang malaman na wala ng peligro sa buhay nito. Ah, sacrifice. Ngayon alam na niya ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. “Ikaw ang nanalo bilang best friend, Mikey. Pinatunayan mo sa akin na hindi selfish ang pagmamahal. M-masuwerte ang babaing mamahalin mo dahil dakila kang magmahal. At oo, nanalo ka rin sa pag-distract sa akin. D-dahil tingnan mo naman, in love na ako sa’yo,” mapait siyang natawa, ngunit may kumawala pa ring hikbi kahit anong pigil niya. “P-pero alam ko galit ka na sa akin ngayon. Hindi ko talaga sinasadya ang mga nasabi ko. M- magpagaling ka, okay?,” at unti-unti na niyang binitiwan ang kamay nito, kahit na tumututol ang puso niya. Every fiber of her aches to be with him, pero kailangan niyang gawin ito. Hindi siya nararapat para rito. “Aalis na ako, Mikey. Sana naririnig mo ito,” at dumukwang siya upang bumulong sa tainga nito. “Magpagaling ka kaagad.” And for the last time, she kissed his pinkish lips. It was just light kiss, pero habambuhay niyang aalagaan ang pangyayaring ito sa puso niya. AH, tila nakikipaghabulan na naman ang puso niya. Natikman niya sa una at huling pagkakataon ang mga labi nito. With one last look at Mikey, she finally turned back and opened the door to go away.. “TEACHER FAIRY, may nagpapabigay po sa inyo nito.” Napasinghap si Fairy ng sumalubong sa kanya pagpasok ng classroom ay ang isang bungkos ng white roses na halos natakpan na ang mukha ng kanyang istudyante. Agad niyang inilapag ang mga gamit niya sa mesa para makuha sa bata ang mga bulaklak. “Thank you, Luke,” aniya sa kanyang istudyante at sinipat ang bulaklak. “Pero kanino naman galing ang bulaklak na ‘to?” Sumabat ang isa pa niyang istudyanteng si Riki. “Iyon pong lala”--- Pero mabilis na tinakpan ni Luke ang bibig ng kaklase nito na nagsasalita pa rin ngunit hindi niya maintindihan. Napakunot ang kanyang noo. “Eh, Teacher, h-hindi po namin kilala e. Basta po inabot lang niya,” nakangiwing sabi ni Luke at saka siniko ang kaklase. Bumulong ito, at napangisi siya dahil naririnig naman niya ang sinasabi nito. “Ano ka ba, Riki? Hindi ba at bilin ni kuya pogi sa atin, huwag sabihin kay Ma’am na siya ang nagpabigay ng flowers? Baka bawiin niya ‘yong binigay niyang tsokolate sa atin,” sabi pa nito. “Luke..,” aniya rito. Napatingin ang dalawa sa kanya. Huli na niya ang mga ito. “Sino nga ang nagbigay nito? Kilala niyo siya, ano? Hmm. Si Sir Shawn niyo ba?,” panghuhula niya. “Teacher Fairy, kasi..,” “Iyon pong lalaking pula ang buhok, Teacher Fairy!” Gulat na napatingin siya sa nagsalita. Si Iridessa iyon, isa sa makukulit at matabil niyang istudyanteng babae. Natuktok na lamang nina Luke at Riki ang mga noo nito. “Nahuli rin tayo. Pahamak na Iridessa ‘to e!” Pero si Fairy ay nanatiling ‘di makapaniwala. Galing ito sa lalaking pula ang buhok. Iisang tao lang ang agad na rumehistro sa utak, at pati na rin siyempre sa puso niya. Nagrigodon ang puso niya. Mikey.. It’s been two weeks since she came back at Manila. Dalawang linggo mula ng maganap ang aksidente ni Mikael sa dagat. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Nang bumalik siya ay nagtrabaho agad siya at pilit na inalis sa isip ang binata. Alam niyang maayos na ang lagay ng binata dahil nakibalita siya kina Ash at Lussy. Sobra siyang nagpapasalamat sa Diyos. Pero ito ba talaga ang nagbigay ng mga bulaklak? Sinubukan niyang tingnan kung may kasama iyong note. At nagrigodon ang puso niya ng makakita ng puting maliit na card. A note! Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya iyon at inilapag sa mesa ang bulaklak. Wala na siyang pakialam kahit nag-iingay na ang mga istudyante niya, dahil wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na t***k ng puso niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD