"Are you happy?" "Of course Max! Sobrang saya ko!" Sagot ko sa kaniya. Pauwi na kami galing sa bake shop. Medyo ginabi kami dahil paulit-ulit kong nilibot ang lugar. Sa sobrang laki kasi noon ay parang restaurant na kung maituturing lalo na at may second floor pa. "Sabi ko naman sa iyo hindi ba. Tutuparin ko ang mga pangarap mo," nakangiti niyang sabi. "Hindi naman kailangan Max. Masyado nang marami ang utang ko sa iyo," nahihiya kong sabi. Sa bahay pa nga lang na binigay niya sa akin ay sobra sobra na. "Hindi naman ako naniningil. Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya kita," aniya. "Masaya naman na ako kapag kasama kita. Kuntento na ako sa ganoon. Hindi ko kailangan nang mga materyal na bagay para lang sumaya," saad ko. "Ahh basta kahit na ano pa ang dahilan mo wala akong pakia

