"You're home! How's your night? Akala ko hindi ka na uuwi eh," salubong sa akin ni Max nang makauwi ako sa bahay. Sinalubong niya ako nang isang mahigpit na yakap. Mga bisig niya na nagbibigay init sa aking puso. "Nakatulog naman ako nang maayos. Marami kaming pinag-usapan ni Clare. How about you? Did you sleep well last night?" I replied. "Hindi ako nakatulog nang maayos," bulong niya. "Why?" "Because I'm busy thinking about you." "Ang cheesy mo naman. Nawala lang ako nang isang gabi na miss mo na ako. Paano pa kung—" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin. "Paano kung?" tanong niya. "Huh? May sinabi ba ako? Nag-almusal ka na ba? Tara kain tayo," pag-iiba ko nang usapan. "Alam ko na itatanong mo iyan. Kaya naman... ako na ang naghanda nang breakfast natin. Tara na sa kusina?" ay

