Matapos ang nangyaring insidente ay mas lalong napalapit sa akin si Max. Siniguro niya na nakakakain ako nang maayos at nakatutulog nang komportable. Higit pa sa inaasahan ko ang mga nangyayari. Lumipas na ang isang linggo at tuluyang gumaling ang sugat ko. Buti na lang at hindi gaanong bumaon yung bala sa katawan ko. Umalis na ako sa kumpanya nila Max at tinuloy ko na lang ang negosyo ko na paggawa nang mga cupcakes. Hindi ko na rin kayang makita ang mukha ng mommy niya dahil sa ginawa nila sa akin. Mukhang malabo na talaga na magkasundo pa kaming dalawa. Kahit anong pilit ang gawin ko hindi nababagay ang isang tulad ko sa mundo nila. Sa nakalipas na mga araw ay wala pa rin kaming balita kay Theo. Hindi man sabihin nang mga pinsan niya at si Max ay alam kong nag-aalala sila rito. "Di

