Episode 19

2230 Words

"Love, komportable ka na ba riyan sa kinahihigaan mo?" Tanong sa akin ni Max. Nandito na kami ngayon sa ikalawang palapag. At kanina pa ako nakasibangot dahil naiinis ako sa kaniya. Kanina pa niya kasi akong tinatawag na love. Paano naman ako kikiligin sa tawag niya sa akin kung alam ko na nang-iinis lang siya? "Ano ba namang mukha iyan, love?" Halakhak niya. "Hindi mo ba ako titigilan?" Inis kong sambit. "Bakit? Wala naman akong ginagawang masama. May ginawa ba ako na labag sa kalooban mo love?" Aniya at lumapit sa akin. "Iyan! Iyang ginagawa mo!" "Ang alin love?" "Pota! Iyang pagtawag mo sa akin ng love! Hindi na nakakatuwa! Lagyan mo naman ng lambing!" Napatakip ako ng aking bibig nang mapagtanto ko ang aking sinabi. Mas lalo naman siyang napahalakhak ng malakas. Buwisit na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD