"Kat, kamusta naman ang pagpapanggap mo bilang girlfriend ni Max? Naaayon ba sa plano ang lahat?" Tanong sa akin ni Clare na kasalukuyang nagpapa manicure. "Ayos naman sis. Nakakatagal naman na ako. Nasasanay na rin ako sa ugali niya," nakangiti kong sabi. "And what's the meaning of that smile?" She asked. Nawala naman bigla ang ngiti sa aking mukha. Baka kung ano pa ang isipin ng babaeng ito. "Uhmm, wala naman. Masaya lang ako dahil nakapag bonding tayo dalawa ngayon. Halos isang linggo din tayo hindi nagkausap. Sayang wala si bakla ngayon dito," pagdadahilan ko sa kaniya. Sa isang linggo na iyon ay si Max ang palagi kong kasama. Kung saan-saan niya ako dinadala na noon ko lang din napuntahan. Bukas naman ay may pupuntahan ulit kami. Hindi ko nga alam kung saan dahil hindi niya sin

