"Let go of her! Or else I will kill you!" Dumagundong ang malakas niyang boses sa buong silid. Nakakatakot siya pero hindi pa rin ako binibitawan ng tauhan ng kaniyang ina. Bakit naman kasi sumagot pa ako eh? Dapat nanahimik na lang ako. Baka lalo lang magalit sa akin ang mommy niya kapag nagkataon. "Ang sabi ko bitawan niyo siya!" Galit na sigaw niya. "Calm down Max," pigil sa kaniya ng mommy niya. "Mom hanggang kailan niyo ba pakikielaman ang buhay ko?" Mariin na tanong niya. "Bitawan niyo na siya." Pagsasawalang bahala niya sa tanong ng kaniyang anak. Pinakawalan na rin ako noong dalawang lalake na humawak sa akin. Agad akong naglakad papalapit kay Max at nagtago sa kaniyang likuran. Para akong kuting na maamo ngayon. Ayaw ko ng makigulo sa kanila. Ang gusto ko na lang ngayon ay

