Episode 46

3034 Words

Sa mabilis na pag-inog nang mundo ay tila nakulong ako sa lugar na hindi ko kayang iwan. Kung may tao man na kayang pahintuin sa pag-ikot ang kamay nang orasan ay gusto kong humiling sa kaniya na pahintuin ito at huwag nang tuluyang padaluyin pang muli. Dumating na ang araw. Ang araw na gusto kong palagpasin, pero sino ba ako para gawin iyon? Hindi naman ako makapangyarihan. Wala naman akong kapangyarihan. Tahimik kong pinagmamasdan ang mukha nang lalakeng nasa tabi ko. Gusto kong kabisaduhin ang bawat detalye nang kaniyang wangis. Marinig ang tinig niya na nagpapakalma sa akin sa tuwing nahihirapan ako. Manatili sa tabi niya hanggang sa aming pagtandang dalawa. Masilayan ang unti-unting pagbabago nang kulay nang kaniyang buhok at ang makita ang kaniyang kulubot sa kaniyang katawan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD