Episode 47

1258 Words

"Huwag mo na ulit uulitin ang bagay na iyon, tinakot mo ako nang husto," mahinang bulong sa akin ni Max. Nasa bahay na kami ngayon at nakahiga sa aming kama. Magkasalo sa isang kumot at dinadama ang init ng bisig naming dalawa. "Ano ba ang pumasok sa isip mo at binalak mo akong hiwalayan? Si mommy na naman ba? Pinagbantaan ka na naman ba niya?" Umiling ako sa kaniya at mas hinigpitan ko ang aking pagkakayakap sa kaniya. "Walang ginawa ang mommy mo. Hindi ko pa nga siya nakikitang muli eh. May iba pa akong rason." "Kung ano man ang rason mo huwag na huwag mo na ulit ako iiwan. Mangako ka," aniya. "Sumagi lang kasi sa isip ko na baka tama nga ang mommy mo. Mas mabuti kung nilayuan na lang kita noong una pa lang, pero hindi ko naman magawa." Pinikit ko ang aking mga mata at pinatong ko a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD