"Okay ka lang ba buttercup? Kanina ka pa tulala diyan sa cellphone mo. May problema ba?" Napatinag naman ako sa sinabi ni Max. Nakatanggap kasi ako nang mensahe mula sa kaibigan ko na si Clare. Sunod-sunod ang text niya sa akin at hindi ako nag-aabalang magreply sa kaniya. At kapag tumatawag naman siya ay hinahayaan ko lang at hindi ko sinasagot. Sisteret: Hey text me back. Gusto kong makibalita kung anong nangyari kay Max. Sisteret: Nagawa mo ba nang maayos? Kuwento mo naman sa akin Kat. Sisteret: Successful ba? Umiyak ba ng dugo si Max? Just kidding haha XD Well he deserve it, he's an asshole! Sisteret: HEY! ANSWER MY CALLS! Sisteret: Tell me, you did it, right? Nakipaghiwalay ka na sa kaniya hindi ba? Sisteret: Katrina, please answer my calls and text me back! Gusto kong m

