Kanina ko pa tinatawagan ang numero ni Max pero hindi niya ako sinasagot. Kagat kagat ko ang labi ko habang sinusubukan ko ulit siyang tawagan ngunit sa pagkakataong ito ay patay na ang cellphone niya at hindi ko na siya macontact. Nanginginig ang aking kamay nang ibaba ko ang aking cellphone. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang takot. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Inabot sa akin ni Prince ang isang bote nang tubig na natira niya kanina. "Uminom ka at pakalmahin mo ang sarili mo." Halatang nag-aalala siya para sa akin pero hindi ko kailangan nang awa niya. Ininom ko na lang ang bigay niya at habol ko ang aking paghinga. Hindi na ako makapag isip nang matuwid. Mabilis na ipinarada ni Prince ang sasakyan sa tapat nang bahay ko, nagbabakasakaling maabut

