"Naalala mo pa ba nung mga bata tayo?" Tanong niya sa akin. "Ang alin naman?" Tanong ko sa kaniya habang bumubuo ako ng kastilyo gamit ang buhangin. "Hindi mo na ba naaalala?" "Sabihin mo na lang kasi," inis kong sabi. "Five years old pa lang ata tayo noon, ewan ko lang kung naaalala mo pa, pero sinabi mo sa akin na pangarap mo maging prinsesa at manirahan sa palasyo," aniya at tinuro ang kastilyo na binubuo ko. Napatigil ako sa aking ginagawa at napatitig ako sa kaniya. Naaalala pa niya ang bagay na iyon? Natawa ako ng mahina at umiling sa kaniya. "Kahit naman na pangarapin ko iyon ay hindi naman matutupad. Bata pa tayo noong panahon na iyon. Normal lang na masabi ko ang bagay na iyon pero hindi posible na magkatotoo," seryoso kong sabi sa kaniya. "Walang imposible sa mundo. May

