Pang pitong araw na namin dito sa kabilang isla. Simula nang napunta kami dito ay sobra-sobra ang saya na nararamdaman ko. Parang ayaw ko na umuwi. "Hey buttercup, tara dito. Samahan mo kong pagmasdan ang paglubog ng araw!" Sigaw sa akin ni Max na nakaupo malapit sa baybayin. Pailing-iling akong lumapit sa kaniya subalit may ngiti sa aking mga labi. "Halika nga dito." Hinila niya ako nang makalapit ako sa kaniya at niyakap niya ako ng mahigpit. "Teka nasasakal ako." "Ang bango mo naman. At ang sexy mo pa. Teka bakit nga pala naka swim suit ka lang?" "Sabi mo kasi mag swimming tayo kaya ganito ang suot ko," pagdadahilan ko sa ka kaniya. "Wala ka na bang ibang damit?" Tanong niya sabay iwas tingin. "Meron pa naman, yung mga dress na dala mo para sa akin. Hindi mo ba gusto ang suot ko

