Seven Zattana Elsher
Halos dalawang linggo na rin ang lumipas nang huli kaming mag-usap ni Harold. We were both purposely avoiding each other. Ako—dahil wala akong mukhang maiharap sa kanya at si Harold naman ay dahil halatang galit pa rin dahil sa ginawa ko.
It doesn't affect me that much. Hindi naging gano'n kalalim ang pagsasama namin ni Harold para magngawa ako at maglasing gabi-gabi dahil hinahanap ko ang presensya niya. But there were times that I hoped I could see him. Araw-araw ay pumapasok na rin siya, pero kapag uwian ay nauuna pa siyang makalabas ng room na para bang ayaw niyang magkasabay kami sa labas.
For the past two weeks, I tried dating other men, but it didn't work. Madalas, napaka-demanding nila sa time at gustong makipagkita palagi. Hindi iyon akma sa schedule ko dahil mas naging doble ang oras ko sa pag-aaral. I rarely go to the club at hindi ko rin alam kung pumupunta sa Ember si Harold tuwing gabi.
Sometimes, the girls will go to my place to include me in their girls night out. Mas palagay roon si Lolo dahil nakikita niya ako at nababantayan sa bahay.
I was walking alone in the hallway when I noticed a familiar back from someone. It's been two weeks, and nothing has changed in his appearance. Gano'n pa rin ang bulto ng katawan niya at ayos ng buhok na palaging nililingon ng mga estudyante. But this time, he wasn't alone. Kasama niya ang mga kaibigan niya noon sa bar. Hindi ako sigurado kung nag-aaral ang mga ito rito sa university, pero wala na akong pakialam.
I walked past him, but a voice from someone made me stop. Mas lalo akong nanlamig nang mapansin na may babae pa pala silang kasama. She was leaning on Harold's chest. Nakangiti ang dalaga at nakatitig kay Harold na hindi rin inaalis ang tingin dito.
"Seven, right? 'Yung sa bar na kaibigan nila Viviane?" I closed my eyes barely.
"Yes. Naalala mo pa pala ako." Nagpilit ako ng ngiti kahit na halatang peke iyon. Doon lang napunta ang tingin sa akin ni Harold, pero naging mabilis lang 'yon dahil hinawi ng babae ang tingin sa akin ni Harold. She held his cheeks and made him see her. Nakagat ko ang labi. Palihim akong napangisi sa inis.
"Of course! Sinong makakalimot sa 'yo? You were too gorgeous that night," nakangising ani ng sa tingin kong ang lalaking nagngangalang Sajj.
"Thanks for the compliment, but I had to go to my class now. I guess we'll just see around?" sinsero na ngayong sagot ko.
Ngumiti si Sajj. Nginitian pa akong tatlo nilang kaibigan. "Sure. Classmate kayo ni Harold, 'di ba? Why go there together?"
Napanis ang ngiti ko. Palihim kong minura si Sajj sa isip. Natawa si Brad, at nakita ko pang tinapik-tapik si Harold sa balikat.
"Yes, but we're not that close. I'm going, bye!"
Hindi ko na hinintay na sumagot sila. Nagmamadali akong umalis sa puwesto nila para pumunta sa room. Habang naglalakad, sinigurado ko pa na maayos ang bawat hakbang ko upang hindi nila mahalatang may tinatakasan ako.
Nakarating kaagad ako sa room nang wala sa oras. Walang ibang tao roon bukod sa akin, kaya naging tahimik ang pag-aaral ko. One hour before the class will start, nag-advance reading lang ako in case na magpa-quiz and recitation later.
Hindi pa tumatagal ng sampung minuto nang maramdaman ko ang pagpasok ng isang estudyante sa pinto. Hindi ako nag-abalang tumingin dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang math equation na kagabi ko pa pilit inaaral.
I barely closed my eyes, feeling the ease in my heart when I finally understood the computation. Sumandal ako sa upuan ngunit natigilan nang maramdaman ang mainit na tingin ng kung sino. Napatingin ako sa dulo ng kwarto.
Nagtama ang mata namin ni Harold na ngayon ay nakasuot ng earpods habang nakasandal sa pader. Nakaharap siya sa akin habang magkakrus ang mga braso, nakapatong din ang paa niya sa isang silya kaharap at prenteng nakatuon ang mga mata sa akin.
Gusto kong magtanong kung bakit siya nakatingin ngunit wala na akong dahilan para kausapin siya. We simply went back to zero. We are now strangers again, but this time, we have a lot of memories together. The shared hot nights and the small talks we used to do before. I would forever keep those secrets. Masaya rin ako na hindi na binabanggit nila Viviane ang lalaki, kaya hindi namin siya napag-uusapan.
Nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng bumuntong hininga. Muntik ko nang makalimutang huminga dahil sa nanghihigop niyang tingin. The room resonated with noise when our classmates started walking inside. Kumuyom ang palad ko nang hindi mawala sa pakiramdam ko ang tingin ni Harold. Para akong nakasalang sa malakas na apoy at walang magawa kundi masunog.
Hindi ko na nagawang mag-focus ulit sa pag-aaral matapos n'on. Sinubukan ko pa rin na makinig sa Prof kahit na alam ko na ang lahat ng sinasabi niya. I even jotted down so I could review if I missed something.
Napangiti ako nang pagkalipas ng tatlumpong minuto ay natapos ko ang quiz. I exchanged my paper with my seatmate. I was already expecting to have a higher score, but my heart jumped in happiness when our professor announced it.
"Lahat kayo nakapasa and Seven got the perfect score," nakangiting anito.
Napapalakpak at hiyaw ang lahat sa tuwa. Jamaica was smiling from ear to ear and screaming my name.
"Si Harold po, ma'am?" tanong ng isa naming kaklase.
Bumagsak ang tingin ko kay Harold. He was quiet while looking down at his notes. May naramdaman akong kirot sa dibdib ko ngunit kaagad ko 'yong inalis.
Masaya ako dahil alam kong magtutuloy-tuloy na ito kapag mas pinagbutihan ko. No one was capable of dethroning me. Only I, Zattana, could have the highest spot in this class and the whole department.
The noise fades in the background. I held my breath when Harold's gaze flicked at mine. He wasn't smiling or showing any emotion in his eyes. I wasn't used to his frigid presence. Parang kahit nakaupo ako ay mababali ang tuhod ko sa sobrang panginginig.
"Harold got five mistakes. It's okay, makakabawi pa naman kayo sa finals." Umalpas ang ngiti sa labi ko. Mas lalong naging matigas ang ekspresyon ng mukha ni Harold at hindi ko nagustuhan 'yon. Sa isang iglap, nawala ang kasiyahang mayroon ako at napalitang ng pagkapahiya. He probably thinks that I'm too desperate to secure my spot.
I looked away and pinched my arm. Sa mga sumunod na klase, ay mas lalo akong nag-focus. I often raised my hand to recite and actively participated in class. Nakangiti akong lumabas ng room ngunit napahiyaw ako nang may humatak sa braso ko.
"Ano ba, Harold? Bitawan mo nga 'ko! Nasasaktan na ako!" inis na sigaw ko. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Jamaica, pero hindi ko nagawang pansinin.
Dinala ako ni Harold sa likod mismo ng building. Napahawak ako sa braso ko nang maramdaman ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. "You want that, right? You want to see me fail?"
Hindi ako nakasagot sa paratang niya. Tinapatan ko ang masama niyang tingin at pilit na tinatagan ang sarili kahit na sobra ang pagkabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Ito ang unang beses na kinausap niya ako matapos ang nangyari. Hindi ako makapaniwalang makakaramdam ako ng kaunting saya sa ganitong sitwasyon.
Matunog ang naging pagngisi ni Harold. Halata sa mukha niya ang matinding pagkapikon. Ngunit sa kabila n'on, alam kong hindi niya ako magagawang saktan.
"Do you only see me as your competition?" I wasn't able to grasp his words. I wasn't expecting him to ask that.
"Do you want me to answer that?" tanong ko matapos ang ilang segundo ng pananahimik. Tinitigan ko ang mukha ni Harold. Naroon pa rin ang maliit na kinang sa kanyang kulay berdeng mga mata ngunit hindi ko magawang maramdaman ang saya roon. Seryoso ang kanyang mukha at hindi kakikitaan ng ilang makulay na emosyon. Mayroon ding malaking itim sa kanyang mata tanda na hindi niya magawang makatulog nitong nagdaan na mga araw.
Nakaramdam ako ng pag-aalala. Iyon ba ang dahilan kaya hindi siya naka-perfect kanina? Kaya ba naungusan ko siya ay dahil hindi siya makapag-focus sa pagsasagot dahil sa antok? Disappointment dawned on me. Kung gano'n, hindi pala ako ang totoong highest. Napagbigyan lang ako ng pagkakataon.
Nagbaba ako ng tingin dahil sa matinding pagkapahiya. I was celebrating the win that I didn't deserve. Para akong tanga na natawa ng mahina kasabay ng pamamasa ng mata ko. Kaagad akong huminga ng malalim upang pawiin 'yon.
"I want to know the answer behind that, Zattana. I want to know why you smiled when our professor announced that I made five mistakes. Did my failures happen to send happiness to you? Do you think I deserved that?" His words lanced between my ribcage. I was trying to hold back my emotions because I knew I could no longer bring back the time once I let my emotions manipulate me.
"The first time you stepped inside the room, you already claimed yourself as my rival. And the moment you attempted to steal my spot, you already declared a war between us," I muttered. My voice was laced with a dangerous cold that could freeze the university.
Sarkastikong ngumisi si Harold. Mayroong emosyong dumaan sa kanyang mata ngunit kaagad 'yong nawala at napalitan ng galit. Slowly, I saw a glimpse of irritation in his smile. But his next words ruptured something inside me, and I knew that no one or nothing could mend it but him.
"Just know that I never raise my white flag, Zattana. I was born in chaos and raised by storms. I never backed out. Prepare for an abyss; I will not go easy on you."