CHAPTER 4

2617 Words
Seven Zattana Elsher "How's the class? You looked pale, okay ka lang ba?" I woke up from my thoughts when Viviane suddenly appeared in my sight. Nasa library ako ngayon at mag-isa habang nagre-review para sa susunod na subject namin mamaya. Umupo siya sa harapan ko at nilapag ang mga gamit niya sa kabilang upuan. "Huy, ayos ka lang ba?" "Oo. Wala kang klase?" Pinilit kong ngumiti. Tinitigan niya muna ako ng mabuti bago nagsimulang magkwento tungkol sa nakakainis na professor nilang bago. Inalis ko muna sa isipan ko si Harold at sinubukang mag-focus sa pakikinig kay Viviane. Dalawang araw ang lumipas matapos ang may mangyari sa aming dalawa sa hotel. I wasn't drunk enough to forget everything. Maging ang pakiramdam ng katawan niya sa katawan ko ay naalala ko pa rin kaya hanggang ngayon, hindi ko magawang mag-focus sa pag-aaral. Sa dalawang araw na 'yon, muling nawala si Harold at hindi pumasok. Hindi ko alam kung mapagbibigyan siya ng mga proctor namin. Mayaman ang pamilya niya at kalat sa buong univerity na kamag-anak niya rin ang may-ari ng paaralang ito, kaya hindi na ako magugulat kung hindi siya mapatalsik sa school. The professor was already starting his discussion when the door opened. Umawang ang labi ko nang makita si Harold sa harap ng pinto at halatang nagmamadaling pumunta sa room. Nakasuot pa siya ng corporate attire at tila ba kagagaling lang sa meeting. Kaagad na tumama sa akin ang mata niya, kaya mabilis kong iniwas ang tingin. "Mr. Hedler?" pagpupukaw ng prof sa atensyon niya. He stood beside the door, dashing as he was. Halos marinig ko ang pagpapantasya ng mga classmate namin sa kanya, kaya irita akong nagbaba ng tingin at nag-focus sa pagsusulat. Fuck! He's Harold Dyrk Hedler, and he took my virginity! Paano ako aakto ng maayos nito, ngayong mas lalong malala na ang ginawa namin? Nagsimulang mag-discuss muli ang prof at halos masabunutan ko ang sarili nang magpalabas ito ng papel upang magsagot kami ng quiz. Kahapon lang in-announce kung sino ang highest sa amin sa last quiz, and everyone was expecting that it would be me. But they were wrong. Harold got the perfect score, and I didn't. May tatlo akong mali at kahit na ako ang pangalawa sa pinakamataas, hindi ko magawang magsaya. Noon, inaasahan na ng lahat na ako ang pinakamataas lalo na at sinula no'ng elementary ako ay palaging top 1. Nang mag-high school, sinubukan kong salihan lahat ng extracurricular activities at hindi hinayaan na ma-excuse ako sa lahat ng klase. Being excused means getting the highest possible score of your classmate in your record, and I don't want that. Gusto ko, perfect. Gusto ko, wala akong kapantay kaya lahat ng 'yon ay p-in-erfect ko kahit na wala akong tulog sa pagsasabay ng pagiging journalism, student athlete, at research congress participant. "Exhange your paper with the opposite row; we'll have your papers checked today," utos ng prof. Humarap sa 'kin si Harold at inabot ang papel niya. My hands were shaking while I handed him my paper. "Are you okay?" He seemed concerned. "Of course, bakit naman ako hindi magiging okay?" I rolled my eyes. Kinuha ko ang papel niya at sinimulang basahin 'yon. Nakampante ako nang makitang halos pareho kami ng sagot sa lahat, except sa last number. "Mr. Helder got the perfect score." Ngumiti ako ng mapait sa sarili at yumuko. Kinuyom ko ang palad ko nang maramdaman ang mga mata ng classmate ko na puno ng pagtataka, at ang iba naman ay natutuwa dahil may tao nang makakalamang sa akin. The class ended after two more discussions. Mabilis akong lumabas ng room ngunit kaagad akong sinundan ni Harold. "May gagawin ka mamayang gabi?" Malalaki ang hakbang niya, sumasabay sa mabilis kong lakad. Hindi ko siya nilingon. "Wala. Bakit?" Nilingon ko siya at nakita kong tinignan niya ang oras sa relo niya. "Do you want to go with me? I had a business meeting in Baguio tonight; puwede kitang isama para ipasyal ka." Natawa ako at huminto sa paglalakad. Pinaningkitan ko siya ng mata at pinagkrus ang mga braso. "Meeting, 'di ba? Bakit magsasama ka ng kalandian?" He licked his lower lip, and that gesture made my stomach churn. "I just want to be with you tonight," bulong niya na nakarating naman sa tainga ko. "May pasok tayo bukas. Wala akong planong um-absent," mataray na sagot ko at nagsimulang maglakad muli. Nakalabas na kami ng school, kaya walang takot na kinuha ko ang box ng yosi sa bulsa at sinindihan ang isa. Maraming mga estudyante kaming nakakasalubong at lahat sila ay napapatingin sa aming dalawa—o sa kanya. "Ihahatid din kita after natin mag-dinner doon. Kung gusto mo naman, we could be absent tomorrow. Kakausapin ko—" "Tulad ng ginagawa mo kaya ka hindi ka na-e-expulsion?" pigil ang inis na tanong ko at binuga ang usok sa mukha niya. Nagulat naman siya sa sinabi ko. "What do you mean?" seryosong tanong niya. Napangisi ako at sinamaan siya ng tingin na tila ba may nagawa siyang malaking kasalanan sa 'kin. "Hindi ba gano'n ang ginagawa mo kaya malaya kang um-absent kahit kailan? You used your power to have an advantage in our class; baka nga pati answer keys sa quizzes and exam alam mo kaya perfect ka palagi," nanunuyang sagot ko. Dumilim ang mata ni Harold at sinabayan ang mabigat na tingin ko. Hindi ko kinaya 'yon kaya nag-iwas ako ng tingin at humithit sa sigarilyo ko. Natigilan pa ako nang makita ang panginginig ng kamay ko. "What are you trying to imply?" "Huh?" I mocked him. "Akala ko ba matalino ka, bakit hindi mo magawang makuha ang sinasabi ko?" tanong ko, pilit pinapakalma ang boses. Tumingin muna si Harold sa paligid bago hinatak ang kamay ko papunta sa kung saan. Nagulat pa ako nang makitang papunta kami sa sasakyan niya at mayroong lalaking naghihintay roon. Walang salitang inabot ng lalaking nakaitim ang susi ng sasakyan, at iniwan kaming dalawa ni Harold. Pasimple kong inupos ang sigarilyo ko at tinapon sa malapit na basurahan. "Sino 'yon?" "My driver," maikling sagot niya at pinagbuksan ako ng pinto sa shotgun seat. "Get inside; baka mas lalo tayong gabihin kapag nagtagal pa tayo." Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Pumayag na ba ako?" He shook his head, eyes filled with amusement. "You liked strawberries, right? And I noticed that you're too distracted these days; I think you need a little break from everything," he said those words carefully. Hindi na ako sumagot at alam kong naramdaman na rin niya na wala akong balak na umalma pa. Pinaandar niya ang sasakyan at inabala ko naman ang sarili ko sa pag-f*******:. Alas-sais na kaya alam kong naghihintay na si Lolo sa akin sa bahay. Tinawagan ko na lang siya para hindi na mag-alala pa. Buwisit kasi itong si Harold, masyadong padalos-dalos at bigla na lang nag-aaya. "Baka gabihin na ako ng uwi, h'wag mo na 'kong hintayin," bored na paalam ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Madilim na sa labas at marami kaming sasakyan na kasabayan. Medyo heavy traffic kaya huminto si Harold, tinignan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin at tila ba nagtatanong kung sino ang kausap ko. Tinarayan ko siya. "Saan ka naman pupunta, Seven Zattana? Sinong mga kasama mo?" I rolled my eyes. "Kaibigan ko po. Diyaan lang kami, gagawa ng project," pagsisinungaling ko. Ayaw kong mapuyat si Lolo kakaisip kung safe ba ang biyahe papuntang Baguio o baka naman nagulungan na kami ng malaking bato. Masyado pa namang overprotective si Lolo sa tuwing bumabyahe ako sa malayo. Noong nag-fieldtrip kami, hindi niya ako hinayaang pumunta mag-isa. Pinilit niya ang prof namin na isama siya dahil nag-aalala si Lolo na baka may kung anong mangyari sa akin sa biyahe. It was embarrassing, but I felt his fear. Natatakot lang siyang mangyari ulit ang aksidenteng kumuha sa buhay ng mga magulang ko. "It was your mother, right? The one you talked to on the phone?" may himig na pagkukumbising tanong ni Harold matapos kong ibaba ang cell phone. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Napayakap na lang ako sa sarili dahil nilalamig na rin ako. "Hindi. Chismosa ka talaga, 'no?" "Then who's that?" salubong ang kilay na tanong niya. "Pake mo ba?" "Tell me his name, and I will make sure that he won't be able to hold his phone the next time he calls you." Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ng kamay sa braso. "Lolo ko 'yon, okay? Patay na si Mama, imposible namang tumawag 'yon!" I forced a laugh. Natahimik si Harold at halos mapreno ang kotse. "I'm... sorry," mahina ngunit sinserong saad niya. Ngumiti ako at sumandal para tignan siya habang nagda-drive. He looked so hot while his hands were busy on the wheel. Papasa siya sa pagiging modelo at car racer, kung hindi lang siya gago. Narinig ko ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas ngunit hindi sapat 'yon upang maalis ang tingin ko kay Harold. "It's okay. Matagal naman na silang patay kaya okay na 'ko," pagsisinungaling ko. "Ikaw? Do you live with your parents?" He seemed relieved when I shifted the topic to him. "I'm with my mother. Wala na rin si Dad, kaya si Mom ang kasama ko palagi sa bahay." Napatango ako. For the first time since we've met, nagkaroon kami ng maayos na topic. "She's the COO of Hedler Group, right?" "She was," Maikling sagot ni Harold at niliko ang kotse. Nagsalubong ang kilay ko at pinigilan ang sarili na magtanong pa dahil siya na mismo ang nagsalita. "It's been 5 years since she retired. She had to focus on her therapies and medicines, and she wouldn't do that while working her ass off at the company. So now, they were training me to have the three positions in the company: COO, CEO, and director," seryosong sagot ni Harold. Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Tinitigan ko ang mukha niya upang makita kung nagbibiro siya, ngunit walang bakas na ngiti roon. "Ginagago mo ba 'ko?" He smiled and laughed; it was contagious. "Of course not. That's the reason why I rarely go to school; I had to handle the company and attend meetings from there and there. Fortunately, my uncle was assisting me throughout, so it's not that difficult." Mas lalo akong natahimik. "Kung gano'n na tine-training ka na pala, bakit kailangan mo pang mag-aral? Puwede mo naman i-take over ang company niyo kahit hindi ka na mag-aral, 'di ba?" Natahimik si Harold sa tanong ko. Hindi ko namalayan na nasa tapat na rin pala kami ng isang hotel. Siguro dahil na rin masyado akong focus sa pag-uusap naming dalawa. May kumatok sa bintana at nakita kong may lalaki sa labas at hawak ang dalawang payong. Nasa parking lot kami at hindi naman nauulanan kaya bumaba na kaagad si Harold. Pinag-buksan niya ako ng pinto at walang salitang bumaba ako. Hindi ko alam na uulan pala; hindi sana ako sumama ngayong gabi. Mahihirapan kami mamaya pauwi at hindi ko rin ma-e-enjoy ang lugar dahil madilim sa labas. Hinawakan ni Harold ang kamay ko at iginiya ako papasok sa hotel. Kinausap muna ni Harold ang isang babae sa reception, kaya naghintay ako sa gilid. Tumaas ang kilay ko nang makitang nagsisikuhan ang dalawang babae na kaharap ni Harold. Nawala lang 'yon nang tumingin ang lalaki sa kanila at halos mapairap ako nang sabay na pumula ang kanilang pisngi. "Let's go?" Hindi ko kinuha ang kamay ni Harold at nilampasan siya. Nauna akong sumakay sa elevator at magkakrus ang braso na sumandal sa pinaka dulo. "What did I do this time?" He frowned like a kid. Gusto kong matawa dahil palagi na lang akong nagagalit sa kanya, kahit ang problema naman ay nasa akin. "Sa tingin ko, hindi na tayo makakauwi ngayong gabi. Masyadong delikado sa daan pabalik dahil malalim na ang gabi at malakas pa ang ulan," mabagal na saad ko, iniiba ang usapan. Lumapit sa 'kin si Harold at ngayon pa lang ay nagsisisi na ako kung bakit kaming dalawa lang ang sakay ng elevator ngayon! Malamig ang paligid ngunit tila ba mabilisang natunaw ang yelo at napalitan ng naglilyab na apoy. Nilagay ni Harold ang kanyang braso sa gilid ng ulo ko at yumuko upang magpantay ang tingin namin. "Are you trying to tell me that we should stay here tonight because..." "Dahil delikado sa labas, napakalandi mo talaga." Tinarayan ko siya. Natawa ng malakas si Harold at napaatras nang itulak ko siya. Nauna akong lumabas nang saktong bumukas ang elevator. Napahinto lang ako nang ma-realise na hindi ko alam kung saan ang magiging room namin. Harold raised his brow. "Here's our presidential suite, my sweet Zattana," he whispered and swiped the car beside him. Umawang ang labi ko nang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang napakalaking kuwarto. Sobrang lawak ng living room at mayroon pang dalawang kuwarto. Palagay ko ay isa roon ang master's bedroom at isang normal bedroom. Nilibot ko ang paningin sa paligid at mas lalong namangha nang makitang glass wall din ito, kaya kita ko ang magandang tanawin sa labas. Though, masyadong malabo dahil sa ulan ngunit mayroon pa rin namang natatanaw. "Do you like it?" Harold asked, and I jumped in shock as his arms draped around my waist. Mas lalo akong nagulat nang ipatong niya ang baba sa balikat ko at yakapin ako ng mas mahigpit. Pinilit kong humiwalay. "Ano ba?" "Shhh. Don't move. I want to hug you, Zattana." Napairap ako at hinayaan na lang siya kahit na sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa lapit ng mukha niya sa akin. "I missed you so much, baby. Mababaliw na yata ako kung hindi pa ako pumasok kanina." "Ano bang pinagsasabi mo?" nagugulat na tanong ko sa kanya. He tilted his head to give my neck a peck. "Ahh. I miss your kasungitan." Tinulak ko ang mukha niya ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap sa akin. Tuluyan na akong bumigay at hinayaan siyang magsumiksik sa akin. "Ask me again, Zatanna." "Ha?" He kissed my shoulder blade beneath my uniform. "Ask me again why I'm still going to school even though I could manage the company without a college diploma." Naging seryoso ang boses niya. "B-Bakit?" Gumaralgal ang boses ko. He stopped for a moment. Tila ba nag-isip muna kung sasabihin niya ngunit sa huli, hinarap niya ako sa kanya, at sinandal sa glasswall. Napakurap ako ng mata nang haplusin niya ang mukha ko. Nakita ko ang pagod sa mata ni Harold ngunit pinilit niyang ngumiti. Bakas sa mata niya ang ilang linggong walang tulog ngunit hindi 'yon nakabawas sa kagwapuhan niya. He stared at my face. Tila ba kinakabisado ang bawat kurba ng aking mukha. Ang daliri niya ay naglandas sa pisngi ko papunta sa aking labi. Hinayaan kong titigan niya ako kahit na sobra-sobra ang panglalambot ng tuhod ko. "Because I want to be with you, Zattana. I want to see your face every day and hear your sweet voice. I want to see how you frowns every time I tease you. I want to see your serious face whenever you take the quiz or exam. I don't know, I just like the feeling of seeing you or knowing that you're just around me," sinserong saad ni Harold na naging dahilan para magtalo ang mga paruparo sa tiyan ko. "Why are you saying this, Harold?" I asked, trying to gain confidence despite my shaky voice. His eyes drop on my lips. "Because I want to let you know that in everything you do, there is someone who's dying to watch you—someone who would sacrifice everything just to have a glimpse of you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD