bc

PLAYING WITH FIRE

book_age18+
23
FOLLOW
1K
READ
family
HE
opposites attract
second chance
playboy
arrogant
badboy
heir/heiress
blue collar
drama
bxg
kicking
city
small town
enimies to lovers
lies
secrets
love at the first sight
addiction
office lady
like
intro-logo
Blurb

Pinatos ni Yna Samonte ang libreng paggamot sa Mama niya sa isang kilalang doktor na may ari ng sikat na ospital, pero may kapalit–kailangan niyang paibigin si Tres, ang bunsong kapatid ng doktor. Kilala si Tres na suplado, arogante, at may matalas na bibig. Lahat ng katangiang meron si Tres ay kabaliktaran sa katangian na meron si Yna. Pero para sa Ina niya, gagawin niya ang lahat. Paano nga ba sisimulan ni Yna ang unang hakbang kung sa tuwing magkikita sila ni Tres ay kumukulo na ang dugo niya dahil sa kasupladuhan nito?Pero hindi iyon magiging dahilan para umurong siya dahil lalo pang nasasabik si Yna sa hamon na ito, pero alam niyang hindi madali ang laban. Paano niya ba mapapaibig si Tres gayong langit ito at siya ay lupa rason para mas lalo siyang binabaliwala ni Tres. Ang kasalungat ba ay posibleng maging magkatugma kung sa huli pareho silang hulog na hulog na sa isa't-isa?

chap-preview
Free preview
Kundisyon
Hindi maipinta ang mukha ni Yna pagkatapos pagpagan ang suot na damit at pantalon dahil sa natapong semento na pinahid ng hangin papunta sa kanya. Halatang walang modo ang driver ng kotseng dumaan sa gilid niya dahil kitang-kita naman ang karatola na ‘Slow down’ pero mabilis pa rin ang pagpapatakbo nito. Maraming semento ang natapon sa kalsada kung kaya't pinagdadahan dahan ang mga dumadaan para maiwasan ang alikabok sa paligid habang unti-unti nang nililinis ng mga nag gagawa ng kalsada. Pansamantala siyang tumigil sa isang mini park na malapit sa pupuntahan niyang ospital. Pagkaupo niya, agad niyang nilabas ang wipes na baon at saka pinunasan ang mukha bago pa ang pantalon na suot. Mabuti na lang at light blue ang pantalon niya dahilan para hindi mahalata ang tuyong semento na dumikit sa suot niya. “Kung bakit ba kasi nabubuhay sa mundo ang mga taong walang modo! Nakakainis naman eh…” Inis na inis niyang reklamo habang tinitingnan sa salamin ang sarili. Pati buhok niya ay pinunasan niya ng wipes dahil nag mukhang uban ang mga maiitim niyang buhok. May ilan na natawa sa kanya habang tinitingnan siya pero binaliwala niya iyon. Maging mabuting tao ka Yna kahit malupit ang mundo… Huminga siya ng malalim ng umi-echo sa tenga niya ang sinabi sa kanya ng yumaon niyang Lola. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili, nagmadali siyang tumayo at sinulyapan ang matayog na ospital. Sa likod ng pagkainis niya, sumilay sa labi niya ang matamis na ngiti. Pangarap niyang makapasok sa sikat na ospital na ito. Pangarap niyang magamot ng mga espesyalistang doctor ang Mama niya at ngayon na abot kamay na niya ang pangarap na ‘yon, hindi niya papalampasin ang pagkakataon na ito. Huminga ulit siya ng malalim at tahimik na pinauubaya sa itaas ang ano mang kahihinatnan ng lakad niya ngayon. Nang bumaba ang paningin niya, nakita niya na pumarada sa labas ng ospital ang kotse na nagpaharurot kanina. Hindi siya pwedeng magkamali, iyon ang kotse na ang driver ay walang modo! Naningkit ang kanyang mga mata habang sinusundan ng paningin ang lalaking lumabas mula sa driver's seat. Pinipilit niyang aninawin ang itsura nito kaso masyado pa siyang malayo. Hanggang sa makapasok na ito sa loob ng ospital. Napabuntong hininga na lamang siya bago mabilis na naglakad papunta sa entrance door. At bago siya tuluyang pumasok, sinulyapan pa niya ulit ang kotse at minimemorya ang nakasulat sa plaka nito. Pagkataning niya sa information, agad na itinuro sa kanya ang opisina ni Doc. Uno. At habang binabaybay niya ang pasilyo, hindi maampat ang kaba sa kanyang dibdib. Ilang beses na niyang nakikita si Doctor Uno na ngayon ay asawa na ng Ate Mika niya pero hanggang ngayon parang unang beses pa lang din ito para sa kanya. Mapagbiro ito at mabait ito at iniisip niya na mukhang walang-wala sa pagiging mabait nito ang kapatid nitong si Tres. Nakatayo na siya ngayon sa labas ng opisina ni Dr. Uno Lowell. Unang beses niyang makapasok sa Lowell Hospital kaya hindi niya mapigilang mamangha. Matagal niyang pinangarap na maipagamot sa sikat na ospital na ito ang Mama niya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na pinatos niya ang kundisyon ni Doc. Uno kapalit ang libreng paggamot sa Mama niya. Hinawakan niya ang hawak na folder na naglalaman ng mga dokumento tungkol sa mga diagnosis ng kanyang Mama. Pero bago ang lahat kailangan niyang harapin si Doc Uno upang personal na makipagsunduan. May mga kundisyon din siya na gusto niyang idagdag para kung sakali na hindi uubra at malaman ng iba ang napagkasunduan nila, hindi siya magmumukhang masama sa mata ng iba. Hindi alam ni Ate Mika niya tungkol sa bagay na ito. At hindi niya rin lubusang maisip na may pagkatuso rin pala si Doc Uno. Ilang araw niyang pinag-isipan iyon simula ng alukin siya ni Doc Uno at simula nun, gumawa siya ng research tungkol sa kapatid nitong si Tres kaso sa kasamaang palad, wala siyang napala. Masyadong tahimik sa social media ang Tres na ito dahil kahit saang application ng social media ay hindi niya ito mahanap. Ni minsan hindi niya pa ito nakikita kaya hindi niya mahusgahan ang pagkatao nito pero basi sa mga sinabi ni Doc Uno, mukhang mahihirapan siya. Napakunot ang noo ni Yna habang inaalala ang mga kwento tungkol kay Tres. Ito raw ay suplado, arogante, at may matalas na bibig. Pero para sa Mama niya, gagawin niya ang lahat. “Hi, may appointment ka kay Doc. Uno?" Bungad sa kanya ng isang babae na lumabas sa isang office na katabi lang ng opisina ni Doc. Uno. Bahagya siyang ngumiti saka tumango. “Ah...Oo, nandiyan ba siya ngayon?” Tugon niya habang mabilis na sinulyapan ang nakasulat na ‘The Doctor is In’ Saka ibinalik ang paningin sa babae na bahagyang nakangiti pa rin. “Nasa loob siya. Pasok ka..." Saad nito saka kumatok ng dalawang beses at saka binuksan ang pintuan. Nagpasalamat siya bago huminga ng malalim at saka tuluyang pumasok. Bumungad sa kanya ang lamig ng aircon kaya naunahan siyang batiin ni Doc. Uno. “You're here...” Ani Doc Uno. Tumayo ito sa inuupuan at itinuro sa kanya ang sofa sa gilid ng pinto. “G-good morning po...." Nahihiya niyang bati bago umupo ng dahan-dahan. “Good morning Yna. Sinong kasama mo?” “Ako lang po..." Napayuko siya bigla dahil hindi siya makatingin kay Doc. Uno. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay sa presensya nito kahit madalas naman sila magkita. Katunayan, nahihiya siya dahil pinatos niya ang kundisyon nito at mukhang imposible na mangyari ang bagay na iyon. “Ito po pala ang mga files ni Mama..." Dahan-dahan niyang iniabot sa Doctor ang hawak na folder saka bumalik sa pag-upo. “Great.” Sambit nito bago inumpisahang buklatin ang mga dokumento. “I assure you that your mother will be fully recover after three months, Yna..." Ani Uno. Sa kabilang banda, umaapaw ang saya niya. Pero may kung ano sa loob niya ang bumabagabag ngayon dahil sa sinabi nito. “Paano po kapag sa loob ng tatlong buwan, wala pong progress ang pinapagawa niyo po sa akin? Pagbabayarin niyo po ba ako sa mga nagastos niyo kay Mama?" Hindi niya napigilang kwestyunin si Uno. Natawa bigla ang doctor at itinabi muna ang hawak na mga papelis. “Hindi ko minamaliit ang kakayahan mo Yna. You're kind, beautiful and independent kasalungat sa ugali na meron ang kapatid ko and I bet that you can win his heart and change him if you use your natural tricks." “Pero po tatlong buwan–” “Wala akong sinabi na gagawin mo 'yon sa loob ng tatlong buwang Yna.. Fall him in love with you without thinking how long you work it. Pabaguhin mo ang ugali niya at patinuin mo siya sa paraan na ikaw mismo ang gagawa.” Nakagat niya bigla ang ibabang labi. At dahil sobrang lamig ng opisina nito, mas lalo siyang binalot ng lamig rason para pagdikitin ang mga hita niya. Mas lalo siyang nilalamig dahil sa kaba at mga katanungan. “My brother is a quiet playboy. If you want to seduce him, go and do what you want Yna–” “P-po?" Nagulantang ang tenga niya dahil sa sinabi nito. Natawa si Uno at prenteng humilig sa inuupuan. “Hindi 'to malalaman ng asawa ko. Walang makakaalam nito Yna. I know it's hard for you but I'm sure you can do everything I want for my brother. Gusto kita para kay Tres, that's all I want to say for you...” Pinal nitong sabi saka ibinalik ang atensyon sa mga dokumento na dala niya. At sa lagay na 'yon, tila naging pipi siya at pakiramdam niya, unti-unting sinusunog ang mukha niya dahil sa init na nararamdaman ng marinig ang sinabi ni Uno. Ang kaninang nilalamig niyang katawan ay tila naglaho at napalitan ng pagkabanas sa kadahilanan na baka...nagkamali lang siya ng pandinig. Ilang minuto siyang naging tahimik at pilit na pinoproseso ang sinabi ni Uno. At dahil medyo lutang siya, hindi niya namalayan na nasa harapan na pala niya ang Doctor. At kung hindi niya napansin ang kamay nitong nakalahad, hindi babalik ang diwa niya. “Deal?" Deritsong sambit nito na ikinalunok niya. And after a hard swallow, tumayo siya at taas noo na tinanggap ang kamay ni Uno. “Deal..." Matapang niyang sabi. Para sa Mama niya, lahat gagawin niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.7K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.8K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook