Pitong Lalaki

1369 Words
Tres Nahihilo ako at puyat na puyat ako galing sa bar dahil inabot kami ng umaga kakawalwal! Siguradong lagot ako kay Daddy kapag umuwi ako sa bahay at nangangamoy alak pa kaya napagpasyahan kong sa ospital na lang dumiretso total ilang oras na lang din naman at papalitan ko na si Kuya Uno dahil may urgent meeting siya na dadaluhan. May mga pambihis akong damit na nakareserba palagi sa kotse ko kaya bago ako umalis ay naligo muna ako sa bar pero kahit naka-ilang beses na akong nag sabon at nag toothbrush ay amoy na amoy pa rin talaga ang alak! Lintek kasi, kung bakit ba kasi wala akong kontrol sa pag iinom?! I don't want my day to be ruined at all even though nagsisimula nang masira ang araw ko dahil sumasakit na ang ulo ko at gustong-gusto ko ng matulog kaso wala akong ibang choice kundi ang pumasok sa ospital at maging medical intern ulit ni Kuya Uno. Halos ilang buwan ko na ‘tong ginagawa and I don't have a choice but to do it. Hindi ko pinangarap na maging doctor in the first place pero nagka-experience ako sa field na ‘to dahil noong second year college ako, nabigyan ko ng oras na pumasok sa medical school para sana subukan ang kursong pangarap sa akin ni Mommy. Kaso limang buwan lang ang tinagal ko at tinigil ko rin. Wala nga yata talaga sa gusto ko ang maging isang doctor kagaya ng Tatay at kuya ko. Though hindi rin naman ako pinipilit ng pamilya ko na gawin ang bagay na’to dahil unang-una, mas gusto kong maging architect. My dream is to be a famous architect and have a firm someday. I pursue my dream and thankfully, isang taon na lang at makaka-graduate na ako. Sa highway pa lang ay pinaharurot ko na ang kotse ko. Maaga ang pasok ko sa ospital at kung malilate na naman ako, baka todas na naman ako kay Kuya kaya halos lumipad na ang kotse ko sa pagmamadali. Napangisi na lang ako ng makita ko ang isang babae na natapunan ng alikabok na galing sa mga kumalat na natapong semento sa tabi ng daan. Hindi ko siya nagawa pang tigilan para sana humingi ng dispensa. Bukod sa nagmamadali ako, parang hindi ko rin naman kasalanan na maging polbo ang itsura niya dahil sa natapon na mga tuyong semento. Staka nasa highway ako, nasa right way ako at kung napahid man ‘yon ng hangin dahil sa bilis ng paharurot ko, hindi ko na rin yun kasalanan. Pagdating ko ng ospital, ibinalita rin kaagad sa akin ni Tatang na kanina pa nakarating si Kuya. I'm definitely twenty minutes advance of my arrival so hindi pa talaga ako late kaya ni kabahan ay hindi man lang ako nakaramdam. Ngumisi ako staka preskong tumango kay Tatang bago dumiretso sa canteen. Masarap humigop ng mainit-init na sabaw baka sakaling matanggal ang pananakit ng ulo ko. “Good morning…” Mahinang bati sa akin ni Angel ng magkatinginan kami. I was about to take my soup pero hindi ko muna tuluyang kinuha ang sopas dahil tiningnan ko muna si Angel simula ulo hanggang paa. She's…beautiful pero nakakasawa ang ganda niya. Hindi ko rin gusto ang mapuputing babae. Mas gusto ko ang morena beauty. They are simple but elegant for me. Shít. “Morning,” walang sa mood kong bati sa kanya saka siya tinalikuran ng walang paalam. I heard that she has a crush on me. Syempre proud ako do’n pero sorry dahil hindi ko siya gusto. And besides my reason, marami akong naririnig na negatibo tungkol sa kanya. “Ahm…pwede tumabi?” Si Angel ulit. Sinubo ko muna ang sopas na nasandok ko na ng kutsara bago ko pa siya tinanguan bilang pahintulot. Wala pa masyadong tao dito sa canteen dahil maaga pa pero bakit ang hilig niyang sumunod sa akin? Ang daming bakanteng upuan ng balingan ko ang kabuuan ng canteen. In my peripheral vision, I can see her quietly staring at her food and playing her spoon. Hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa pagkain pero parang sinisilihan yata ang bibig niya rason para hindi niya mapigilan na magsalita. “Ahm…Tres, I have something to say lang.” Umpisa niya. Uminom ako ng tubig saka ko siya tiningnan ng walang emosyon. Medyo nahiya siya sa reaksyon ko pero pinagtibay ko ang ganong aura. “What?” Tipid kong sabi. Lumunok siya saka ako matapang na hinarap. “Gusto kita.” She said those words calmly and without any hesitation. Napangisi ako. Hindi dahil gusto ko rin siya. Kundi dahil, talagang sa oras na’to? “Thank you pero kakasabi mo lang noong isang gabi na mas gusto mo si Jason. Anong hangin ang nalanghap mo ngayon?” “Mas gusto kita kesa sa kanya, Tres…” Giit niya pa at mas lalong dumikit sa akin. “Thanks but I don't like you, Angel.” Walang gatol kong sagot sa kanya at saka ko siya iniwanan ng basta na lang. Mabuti na lang at naubos ko naman ang sopas na kinakain ko bago siya naglapag ng nararamdam niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya dahil sa inasal ko pero sorry siya dahil gusto ko lang naman maging totoo sa kanya. She's flirting with my friends tapos sasabihin niya gusto na niya ako? Fúck, playboy ako pero nilalagay ko naman sa lugar ang gusto kong paglaruan. Ayaw ko sa may sabit at higit sa lahat, yung balimbing. Parang hindi ko na balitaan na sinungkit siya ni Gary kagabi! Napailing na lang ako habang naglalakad pabalik kay Tatang para abutan siya ng pera pang almusal niya. Ang random ng araw ko ngayon ah. I always gave him money every time I was here in our hospital. Free meal lahat ng empleyado namin dito sa ospital pero pagdating kasi kay Tatang, parang pamilya na ang turing namin sa kanya. “Nako, nag abala ka na naman…” Nahihiya niyang sabi habang nakatingin sa kamay kong may hawak na limang daan. Umiling-iling ako sa kanya habang nakangisi. “Kunin niyo na hu at kumain na kayo sa canteen. Wala pa masyadong tao doon kaya pumunta na kayo, Tang.” “Salamat, boss Tres!" Sambit niya saka nag saludo sa akin. Tinanguan ko siya pero natigil rin kaagad ang ginagawa ko dahil nakita ko na naman si Angel at nakatingin rin siya sa akin. Kumunot ng tuluyan ang noo ko habang tinitingnan ko si Angel. Gusto kong ma disappoint siya sa mga paninitig ko kaya pinagtibay ko pa ang aking sarili sa gano’ng aura. Matibay din siya dahil habang pumapasok siya ng information office, hindi niya tinatanggal sa akin ang kanyang paningin. Palaban, huh… Hindi nagtagal, naagaw ang atensyon ko sa isang babae na hinarangan ni Tatang kaya napalipat sa babae ang buong atensyon ko. Medyo familiar ang suot niya. Napalunok ako ng palihim. “Kayo po ba ang kakaalis lang sa opisina ni Doc Uno?” Agarang tanong sa kanya ni Tatang. Hindi nagbabago ang aura ko habang tinitingnan ko ang babae. “Ako po… Bakit po, may…problema po ba?” Shít, ang lamyos ng boses niya! Nakakapanindig ng balahibo! Bumaling sa akin si Tatang kaya binalingan ko rin siya pero mabilis rin niyang ibinalik sa babae ang paningin. . “Tumawag po ang sekretarya ni Doc Uno. May naiwanan raw po kayong mahalagang gamit sa opisina niya.” Pagkasabi nun ni Tatang, alerto na rin akong umalis at dumiretso na sa opisina ni Kuya. Sumilip muna ako sa opisina ni Kara at ng masigurado sa kanya na wala na si Kuya, saka ako pumasok. At bago ako maka-upo, natanaw ko ang isang cellphone na basag-basag na ang screen. Siguro ito yung naiwanan nung babae. Napangisi ako ng walang dahilan. Inisang hakbang ko ang lamesa ni Kuya saka dinampot ang cellphone at pinindot ang isang single button sa gilid. Umilaw ang screen at bumungad sa akin ang mga lalaking mapuputi at singkit ang mga mata. Binilang ko silang lahat at pito sila. “f**k! Halatadong nilamon na rin siya ng Kpop…” Hindi makapaniwalang anas ko dahil sa nakita kong iyon. Kumunot ang noo ko at saka yamot na ibinalik sa kinalalagyan ang cellphone na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD