Friday
“Lani e ready mo ang mga gamit ni mommy punta tayong Batangas,”sabi ni sir Allan na anak ni tita madam. May asawa na sya at 3 anak, nakatira sila dito din katabi lang ng bahay ni madam,
“Sige po sir, mga pang ilang araw po ang e empake ko po?” Tanong ko sa kanya
“ pang 3 days kasi balik tayo ng sunday night dito,birthday ng tita Cora” sabi nya ,si madam Cora ay kapatid ni madam na nasa Batangas na nakatira
“Ok po Sir, kasama po ba ako?” Tanong ko ulit
“Siempre! Ikaw ang alalay ni mommy kaya kasama ka kahit saan sya mag punta at mag dala ka na din ng mga bihisan pang ligo kung gusto mo lang naman maligo sa dagat” sabi pa nya
“Ay naku po sir di po ako marunong lumangoy, langoy aso po hehhehe” biro ko
“di bali mag e enjoy ka din doon,sige na at hintayin ko kayo sa labas ng 1pm” ani nya sakin kaya umakyat na ako sa kwarto namin bali yong kwarto ni madam May extension na maliit na kwarto doon ako natutulog. Tulog pa si madam ng pumasok ako,kaya dahan dahan akong kumilos para hind sya magising 6am pa lang ng umaga,sa wakas natapos ko din at pumunta naman ako sa kwarto ko para mag impake din,pagkatapos ko ay bumaba na ako para e ready ang pagkain ni madam, ganito ang routine ko araw araw,
“Oh Lani kain na tayo para pag gising bg alaga mo eh sya nalang alalahanin mo” aya sakin ni Ate Rita, nasa hapag na rin sila nanay Mila
“Susunod nalang po ako, ayusin ko muna yong pagkain ni madam”sabi ko
“Ikaw bahala, nahugasn ko na pala yong mga prutas” sabi naman ni nanay mila
“Salamat po Nay” at kumilos na ako,gumawa ako ng fresh juice at oatmeal tapos nag boil din ako ng eggs, inayos ko ang lamesa at kumuha na rin ako ng plato para kumain na rin,Pagkatapos ko kumain umakyat ako uli sa kwarto at naligo na.nakabihis na ako ng marinig ko boses ni madam
“Lani ?” Tawag nya
“Po,” sabay lapit sa kanya
“May sinabi ba si Allan sayo? Birthday ngayon ni Corazon” tanong nya
“Opo alis daa po tayo ng 1pm” sagot ko
“Ok sige, maligo muna ako saka ako kakain”sabi nya,at inalalayan ko sya pumunta ng banyo.nakaligo na si madam at baba na kami para mag breakfast.
“Thank you Lani sa breakfast,ang sarap ng gawa mong juice, gawa ka pa baunin ko sa biyahe” utos nya sakin kaya gumawa nga ako at nilagay sa thumbler nya.
“Hi mom,Kumusta pakiramdam mo”tanong ni Sir, “ito ok naman, aalis ba tayo?” Tanong nya
“Opo mga 1pm, kaya mag lunch muna tayo bago biyahe,” sabi pa nya,
“Lani iha sama ka ha?” Sabi nya
“Opo” tipid ko sagot
“Sige na gawin mo muna kung ano dapat mo gawin at manuod lang ako ng tv” sabi nya sakin kaya iniwan ko na sya sa living room…
Batangas
Wow ang ganda ng lugar parang samin lang malamig din, pero mga bahay dito ang gagara, yayamanin,hehehhehe,
“Lani kung gusto mo mamasyal ok lang sakin,andito naman sila Allan” sabi ni madam sakin
“Talaga po ok lang sa inyo?” Namilog ang mata ko sa tuwa,na e excite tuloy ako,
“Abay Oo naman, basta wag ka magpa gabi,”
“Kaya lang di ko naman po kabisado dito baka maligaw po ako at iwan nyo po ako” sabi ko kaya natawa sila sa sinabi ko
“Pasamahan nalang kita kay Ana,pamangkin ni Loring,” sabi ni madam Cora sakin kaya natuwa ulit ako,
“ thank you po madama”at namasyal nga kami kasama ko si Ana,
Aiden pov
I am here now in Batangas with Jacob’s family’s rest house, the place is amazing,they have natural lake and fresh air as well.
“Hey dude are you hungy? I will tell manang to prepare the food” Jacob
“Nope, what i want to do now is to explore this place,” i said
“Ok but before that lets go upstairs, I’ll show you your room” jacob. We went up and he opened the door near the stairs, “so these will be your room and the next one is mine, if you need anything just tell manang” Jacob
“Thanks man, so what’s the plans?” I ask him
“Hmmm let’s rest for now and later will go out.” He told me and he left my room. I scan the room and I saw balcony so I open the sliding glass door, nice breeze, and the view of the lake is so amazing, wow, hmmmm wait, I know that girl,and my heart went wild, jeezz what’s wrong with me qhy every time I see this girl my heart beats so fast? She is with a girl too,
Lani pov
“Ate dito po tayo ,upo ka” sabi nya aakin, ang ganda ng lawa blue yong kulay na may pagka green at naalala ko ang mata ni kuya pogi. Hmmm but ko ba sya naisip?
“Ang ganda” wala akong ibang nasabi kundi yon lang
“Opo hehehehe, ate meron pala puno ng mangga doon pwede tayo kumuha may dala akong asin,bagoong at silly,” sabi nya kaya naglaway tuloy ako,at namilog mata ko sa excitement
“Talaga? Tara para makakain na tayo” sabi ko agad, medyo may kalakihan ang puno at mataas,
“Hindi ba magagalit ang may ari nito pag kumuha tayo?” Tanong ko kay Ana
“Hindi po at kilala ko po ang may ari nito.yon po yong malaking bahay” sabay turo nya at nakita ko nga may tao sa may balcony pero hindi ko maaninag.
“Ok, sige paano natin makuha yong mangga?” Tanong ko,
“Mag hanap lang po ako ng pang kalawit”sabi nya pero wala sya mahanap na stick kaya nag decide ako na aakyat. Hehhehe magaling ako umakyat ng puno
“Akyatin ko nalang,” sabi ko at nag umpisa na ako umakyat,nasa isang sanga na ako at nakita ko ang maraming bunga, yay .
“Ate ihulog mo po dito at saluhin ko”sigaw nya kaya hinulog ko lahat ng mapitas ko, nasa kalagitnaan ako ng pamimitas ng may sumigaw.
“What the hell are you doing up there?” Grabi muntik na akong mahulog dahil sa lakas ng sigaw nya at nakita ko si kuya pogi seryuso ang mukha,hala bat sya andito?
“Ah eh,,, hello po kuya” kaway ko pa habang naka hawak sa sanga ng mangga.
“Come down now, damn! Or else I will punish you” sabi nya pa na naka tiim bagang, hala nagalit si kuya, siya ba may ari nito?
“Umm kuya sorry po kung kumuha kami ng mangga mo”sabi ko
“What? I don’t know what are you saying. Go down now!” Maaturida nyang sabi,kaya ako naman sa takot ay bumaba na ako pero muntik na akong mahulog kung di ako nakakapit sa isang sanga.
“f**k ! Your killing me young lady!”sabi nya at lumapit sya sa puno, inalalayan ako para maka baba ng tuluyan.