Kanina pa nakalabas si mama pero wala akong lakas ng loob para lumabas. Maya maya pa may na receive akong text.
“Baby can we talk? I miss you!” Text nya mag reply ba sana ako ng may kumatok. “Pasok”! Sabi ko at bumukas nga ito nagulat ako na si Aiden pala ang kumakatok.
“What are you doing here?” Tanong ko pero parang wlaa lang sa kanya . Umupo sya sa tabi ko at kinabig ako ng mahigpit na yakap,
“I miss you my baby love” sabi nya sabay kiss sa noo ko,ganon lang parang naglaho ang tampo ko sa kanya kaya niyakap ko rin sya ng mahigpit.
“ I miss you too but you never reply my message’s” sabi ko na nakasimangot.narinig ko sya natawa, “ see? You’re making fun of me” maktol ko pa. Tinitigan nya ako.
“ I love you baby, you didn’t know how much I miss you, I didn’t reply because I wanted to finish and settled everything before I show up myself to you. And the last message you sent?you just killed me” sabi nya na may sakit sa mata, naiyak tuloy ako sa sinabi nya,
“Eeh , and who’s fault is that?” Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot instead he kiss me passionately.tinulak ko sya ng kapusin ako ng hininga.
“Wait! Hindi pa tayo bati bakit nang hahalik ka na?” Naiinis kong sabi sa kanya. Pero sya nakangiti lang. “ I don’t understand what are you saying baby but it sounds very sexy to me” sabi nya sabay kindat.grrrrr naku hwag mo akong daanin sa pakindat kindat mo parupok ako!!?! Sinimangutan ko sya at binuksan ang pinto,
“Get out !!!” Nalito pa sya sa sinabi ko. Akala nya siguro dahil naka halik sya eh bati na kami. Nek nek nya! “I said GET OUT!” Ulit kung sabi at napa iling nalng sya. “ but We need to talk baby. I explain everything” sabi nya pero hindi ako natinag. “ no! I don’t want to talk to you” sagot ko na hawak parin ang doorknob.
“But baby i—“ i cut him off.
“Nope! No no no!!! Now get out !” Malakas na sabi ko at nakita ko si mama at kuya jacob na umakyat na pala dito sa taas.
“Lani anak ano ba yan?mag usap kayong dalawa” sabi ni mama at mukhang kinakampihan pa nya ito kaya lalo akong nasaktan.ako ang anak nya nya pero doon sya kumampi?.
“Wala na kaming pag usapan pa mama”sagot ko.
“Pero anak, nakakaawa naman.” Sabi pa ni mama pero lalo lang aakong nainis. Kaya umalis ako sa pinto at kinuha yong dala kung bag at lumabas.
“Total ayaw nya umalis? Ako nalang ang aalis at mama hindi ko akalain na ako ang anak mo pero sya ang kinampihan mo” naiiyak kong sabi sa mama ko. Masama loob ko.
“Wala akong kinakampihan.ang akin lang ay pumunta sya dito o humarap sa akin na tao dapat tratuhin mo rin syang tao”matalas ang matang sabi ni mama.alam ko galit na sya pero galit din ako.
“Kahit na mama at ayaw ko na magpa uto pa sa kanya.”sabi ko na malakas ang boses pero tumulo na luha ko.
“Ahem!!! Lani.you two need to talk about everything. You should listen to his explanation. Hear him out then you decide” singit na sabi ni luya jacob pero dahil naasasaktan na ako kaya umiling lang ako at nag umpisa na mag lakad.
“Hindi na kailangan kuya.malinaw na sa akin ngayon na laro lang sa kanya ang lahat”sagot ko
“Bakit hindi mo muna kasi pakinggan ang paliwanag nya sayo?” Tanong ni mama. “Mabait naman tao tong si Aiden ah at saka kaya ka nyang buhayin na parang Reyna” dagdag na sabi pa ni mama kaya doon na ako hindi nakapag pigil.
“Ganon ba mama? Kaya ba kahit nasaktan ako sya parin ang kampihan mo dahil sa binili nyang bahay para sayo?ganon lang yon?” Mapait kong sabi pero hind ko napaghandaan ang sampal ni mama.
“Hindi ko alam na yang pag tatrabaho mo at dahil sa nakatapos ka ng pag aaral ay nakuha mo na akong sagut-sagotin na ganyan!” Galit na sabi ni mama, kilala ko si mama.noon maliliit kami pag hindi kami sumunod sa kanila ni papa palo ang abutin namin o kaya paluhurin sa asin.natigil lang yon yong muntik ng mapatay ni papa ang kuya ko dahil sa latigo.napag bintangan ang kuya ko na kinuha yong kutselyo/bolo ng kapitbahay namin pero ang totoo tinago lang pala ng anak nila dahil ayaw ipagmit sa isang kapatid. Kaya ayon nangako sila na hindi na kami sasaktan pero dahil nga mga bata pa kami na papalo pa rin.
“Sorry mama.” Yon lang nasabi ko.
“Sa susunod na sagut-sagutin mo ako sa harap ng bisita ay makakatikim ka na sakin.hindi ako totol na mag aral ka sa lungsod pero hindi ko akalain na sagut-sagutin mo akong nga ganon sa harap ng bisita.ayusin mo yang sarili mo at mag usap kayo.” At lumabas na.
“Baby please? Just give me a chance to explain everything” samo ni Aiden pero hindi ko sya pinansin.feeling ko pinag kaisahan niila ako.
“Leave me alone please?” Nag buntong hininga sya at lumabas na din ng kwarto.umiyak akong parang baliw sa inis sa sarili ko.
Nag hilamos ako at nag tungo sa balkunahi.ngayon kita ko na ang palibot ng bahay, at natanaw ko yong kabilang lote na may giinagawa doon .sa baba naman ng bakuran namin ay may mga tao na nag aayos . Friday na ngayon at sa linggo na birthday ni mama kaya siguro busy sila, may nakita akong baboy na nakatali sa puno ng mangga. May nakita akong familiar ang mukha, teka si Janice yon,anong ginagawa nya dito?dali dali akong bumaba ng hagdan para puntahan sya pero nasa hagdan pa lang ako ay naririnig ko na sila mama nag uusap sa sala.napatingin ako sa kanilang lahat.
“Tita Lani may pasalubong ka ba sakin?” Kalabit ng pamangkin ko, kaya yumuko ako para makita nya mukha ko,
“Oh ella ! Naku ang laki mo na!” Sabi ko sabay pisil sa pisngi nya,3 yrs ago ng huli ko syang nakita.ngayon ang laki na nya,
“Siempre tita kumakain ako kaya lumaki ako, kunti nalang magka height na tayo.” Sagot nya na nakatawa.
“Tse! Waay batasan!!!” Narinig ko na tumawa sila sa usapan namin. Pero di ko sila pinansin kasi nakay Ella ang atensyon ko.
“Wala kang pasalubong sakin?” Malungkot na sabi nya kaya napangiti na ako.
“Siempre meron, nasa box. Tanong mo kay tito mo Ale kung asaan nya nilagay yong box kagabi” sagot ko sabay akbay sa kanya.yumakap naman sya sa baywang ko, 8 yrs old pa lang to pamangkin ko pero matangkad na.
“ oh tito Ale narinig nyo yon? Nasa box daw po!” Malakas nyang sabi. Kaya napasunod na yong ibang pamangkin ko sa tiyuhin nila.
“Elle hwag mo na kulitin si tita mo. Naku Lani pasensya ka na dito sa pamangkin mo” sabi naman ni kuya Andi panganay namin.
“Naku kuya ok lang yon.” Sagot ko at binuksan nga nila yong box na dala ko.chocolate,at kung ano ano pa ang binili ko para sa kanila at mga abobot sa buhok para sa pamangkin kong babae at laruan para sa mga pamangkin kong lalaki. ,yong isang box naman grocery ang laman galing kay sir Allan.nakita ko na nag uusap si Aiden at kuya jacob sa may bar counter.
Social tong bahay may pa bar counter pa.Pero pagkatapos ng birthday ni mama kakausapin ko sya na uuwi nalang sila sa bukid dahil hindi naman pala totoo na amin itong bahay kundi bahay ni Aiden.or pwede din mag hanap nalang ako ng maupahan para dito nalang sila sa lungsod ni mama titira.
Hello mga loves, comments kayo para ganahan ako mag update hehhehehe, free po ito hanggang matapos kasi hobbies ko lang po ito at para na rin talakasan ang realidad kahit sandali lang?