Pag bukas ko ng ilaw halos manlaki mata ko sa mangha. King size bed, with floral bed cover.may 2 night stand table sa bawat gilid at meron chest drawer na kapareho ng design. Meron din vanity mirror at malaking tv.pumasok ako sa banyo at mas lalo akong nagulat dahil may shower na hiwalay sa toilet at meron din bath tub. Wow. Ang ganda!! Pero lumabas ako at nilapitan si mama.
“Mama pwede nyo pi ba akong sampalin?” Hiling ko kay mama kasi baka panaginip lang to.
“Ha? At bakit ko naman gagawin yon sayo?” Tanong nya na naguguluhan.
“Eh kasi parang panaginip lang ito?”turo ko sa paligid. Pero natawa lang si mama.
“ anak bukas nalang tayo mag usap ha? Na antok na ako, sige na.” Utos nya sakin at nag mano muna ako bago sya lumabas.Binagsak ko ang katawan ko sa kama, grabi hindi ko alam na ganito pala ka ganda ang bahay, wlaa naman sinabi si sir allan ah. Naku kailangan ko mag thank you sa kanya bukas. Dahil siguro namamahay ako kay di ako makatulog, lumabas ako sa may salamin sa pinto at sumabong sakin ang malamig na hangin, malapit na pala ang pasko kaya medyo malamig.ang ganda kasi may maliit na terrace itong kwarto ko.tiningnan ko ang oras sa pambisig ko ko, naku 1am na pala. Bumalik ako sa loob at nahiga na. Hanggang sa nakatulog din ako .
Nagising ko sa tunog ng cellphone ko.hindi ko alam kung sino tumatawag pero sinagot ko pa rin.
“Hello?” Paos kung sagot inaantok pa ako, “hello?” Pero walang sumagot, pero May naririnig akong buntong hininga. Tiningnan ko. “ hello? Sino ka ba at nang gigising ka ? Isturbo ka sa tulog ko,beauty rest ko today kaya bye bye” sabi ko sabay pindot sa end call button. Pero nanlaki mata ko ng marealized ko na hindi ko kilala ang silid na hinigaan ko kaya napabangon ako at napa tili halos muntik pa akong mahulog sa kama. Jusko kaninong bahay to? At bigla nalang bumukas ang pinto,
“Oh ate napano ka ba’t ka nagsisigaw?” Tanong ni Ale at ganon nalang din gulat ko. Teka teka!!!
“Wait? Totoo to? Hindi ako nanaginip?” Tanong ko na napahawak sa ulo ko.
“Ay opo ate, !!! Hahahhaha maligo ka muna may laway ka pa oh” alaska nya sakin at napa kapa naman ako sa gilid ng mukha ko, Pero ang luko luko kung kapatid tawa ng tawa kay binato ko ng unan.
“Labas!!! “ ayon grabi lakas ng tawa nya. Kung ganon totoo nga na bahay ko ito? Dali dali akong pumasok sa banyo, nag babad ako sa bathtub ng ilang minuto, nag banlaw at nag bihis na,10am na pala. Nasa hagdan pa lang ako pero may naririnig na akong tawanan, hanggang sa nakita ko na kung sino ang tumatawa.
“Kuya Jacob?! “ gulat kung sambit at napalingon naman ito o sila sakin.
“Hello Lani,” bati nya na tumayo pa. Andito din sila kuya ko kasama mga asawa at anak nila.isa isa ko silang niyakap, halos di magka mayaw ang mga pamangkin ko na ngayon halos binata’t dalaga na.
“Kuya Jacob napa dalaw ka?” Tanong ka sa kanya pero natahimik silang lahat sa tanong ko.
“Ang totoo nyan dito ako tumutuloy”sabi nya na napakamot pa sa batok.
“Ha? Teka bakit?” Naguguluhan kong tanong,
“Anak sya ang gumawa ng bahay na ito. Engineer pala itong si Jacob” singit naman ni mama.
“Ahh ganon po pala,” yon lang nasabi ko pero yong kaba ko sa dibdib hindi ko maintindihan bakit ako kinakabahan.
“Lani halika mag almusal ka muna” aya sa akin ng asawa ng kuya ko si ate lyn.
“Sige na anak mag almusal ka muna.” Utos ni mama.
“Kayo po hindi nyo ba ako sabayan?” Tanong ko sa kanilang lahat pero umiling lang sila at sabay pa nag sabi na “tapos na kami” kaya sumunod na ako kay ate lyn sa kusina. May mga nakita akong tao sa labas.
“Ano yong ginagawa nila ate?”tanong ko,
“Ah yan? Nag set up sila ng mga gagamitin sa linggo, sabay na pala ang house blessing ng bahay” sabi nya kaya napatango nalang ako. Si mama naman kasi ang may alam sa ganito. Bumalik ako sa sala at nakikinig lang sa kwentuhan nil.biglang nag ring ang cellphone ni Ale,
“Yes hello, yes , ok bye” binaba na,
“Ummn ate may bisita pala tayo.” Sabi nya at nakatingin sakin.
“Sino?” Tanong ko pero nakangiti lang sya at nag high five sila ni Kuya Jacob.maya maya pa may kumatok kahit bukas naman ang pinto.
“Come in!” Sabi ni mama, nag tataka pa ako bakit kailangan english pa eh pwede naman (pasok)? . Pero para akong natuklaw ng ahas sa nakita ko kung sino yong pumasok. Aiden? Nanubig mata ko at halos di ako makahinga.
“ hello everyone!!!” At umikot ang paningin.
“Hi baby” sabi nya na saakin naka tingin. Halos nanginig ako na di ko maintindihan.wala akong maapuhap na sasabihin kaya tumalikod ako sa kanilang lahat.gusto syang sigawan pero wala akong masabi ni isang kataga.
“Excuse me!” Sabi ko at nag lakad na, pero may pumigil sa braso ko.
“ baby can we talk?” Boses pa lang kilala ko na pero hindi ako lumingon, pumatak na luha ko.hinila ko braso ko at magpa tuloy sa paglalakad. Umakyat ako sa kwarto at doon umiyak. Nakakainis sya!!!. Bakit pa sya nagpa kita?.eh teh ang arti lang,? di ba ang tagal mo syang hinintay? Kuntra ng utak ko pero naiinis ako.
“Lani anak pwede pumasok?” Si mama kumakatok. Pero hindi ako simangot. “Papasok ako ha?” At bumakas nga ang pinto. Lumapit sya sakin at niyakap ako.
“Oh tahan na . Ang kaisa isa kung dalaga,!naku di mo ba alam na nakakapangit ang umiiyak?” Biro nya kaya napatawa ako ng kunti.
“Mama naman ginawa pa akong bata”maktol ko.
“Mag usap kayo ng nobyo mo.noong mga naka raang buwan may nag punta sa atin sa bukid. Ang sabi isa daw ako sa nabigyan ng lupa o pabahay sa bayan. Noong ona di ako naniwala pero noong sumulat ka , ayon nga tinanggap ko na at nalaman ko na kilala ka pala ni jacob, mabait c engineer.hanggang sa isang araw may tumawag at sabi gusto daw ako makausap, ayon nga nagpakilala na boyfriend mo daw sya. Siempre di ako naniwala noong ona pero sinabi ni jacob na kaibigan nya pala yon kaya natuwa naman ako dahil mabait sya, lahat ng pinadala mong pero buwan buwan hindj ko yon ginalaw dahil na rin sa sinabi ni jacob at Aiden na sila na ang bahala sa gastos sa bahay, kaya nilagay ko sa banko,.at ito nga natapos na ang bahay at lumipat kami dito ng kapatid mo at lahat ng mga kuya mo may kwarto sila dito, malaki itong lupa na nabili ni Aiden kaya may mga garden na rin ako sa likod para di ako maburyo. At ang dinig ko binili nya yong katabing lote tayu an nya daw ng apartment.kausapin mo ng maayos anak” mahabang sabi ni mama, kaya pala, pero naiinis pa rin ako sa kanya dahil ginawa nya akong tanga?!!!
Hello po !! Kung may nag babasa man magpa ramdam naman kayo para ganahan akong mag update,