Nang marating na ‘min ang mansion saka ko tiningnan ito na para bang ito ang unang pagkakataon na muli kong nasilayan ang kanilang pamamahay. Tanaw na tanaw ko rin ang lawak ng mala-fairytale nilang hardin na talaga namang alaga ni ma’am Jenny. Nang dahil sa tagal ko ng hindi nakabalik sa mansyon ay halos hindi ko rin napansin kanina ang malaking fountain na pinalilibutan ng paikot na drive way. Maraming nagbago mula nung umalis ako sa kanila at mas pinaganda at mas naalagaan rin ang mansion kahit na wala ang mga may ari rito. May mga mamahaling kotse na nakasampa sa mga pinong bermuda. Maraming bulaklak lalo na sa kanang bahagi ng mansyon. Tila naroon si Jane Austen at nagsusulat ng isang bagong libro na tumutukoy sa kakayahan at kahalagahan ng mga kababaihan. Like her, I'm always a fan

