THERE was a knock coming from the door when I was helping Ma in her afternoon nap on a Saturday. She just finished taking her meds and she claimed that the medication was making her dizzy so I guided her to then-my bedroom now-hers and helped her to the bed. I kissed Ma’s forehead and fixed her blanket before I went to the door.
Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng landlady na siyang nag-greet ng ‘good afternoon’, “magandang hapon din po, Nay Nelly. Ano po’ng maitutulong ko sa inyo?” I smile at the middle-aged woman in front of me. Palagi ko nang ipagpapasalamat ang lahat ng tulong na ibinigay ni Nay Nelly lalo na sa hindi pagpapabayad sa akin ng renta, at habang buhay ko nang tatanawin iyon na utang na loob.
“Nak…” nagbuntung hininga ang matanda bago nito ipinagpatuloy ang sasabihin. “Alam ko na mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, lalo na at may sakit ang ina mo at kakarating mo pa lang sa Terreva. Pero kinakailangan ko na kasing magkolekta ngayon dahil nagkaproblema rin iyong may-ari ng building, nagkasakit ang anak niya.”
I gave her a small smile of reassurance, an offer of gratitude again on how she is concerned about the people in her environment and there are just too few people in the world who could do that. “Opo, Nay. Naiintindihan ko po, pero baka po sa susunod na buwan pa po ako makakabayad ng renta kasi iyong sweldo ko sa susunod na linggo ay naka-budget na po sa—”
Pinutol na niya ako sa aking pagsasalita bago ko pa maipagpatuloy ang aking kahilingan, “oo naman, anak. Naiintidihan kita.” Kinuha nito ang aking kamay at marahan itong hinaplos, as her sign of giving support and care. “Alam mo naman kung saan ako makikita, at aabangan ko iyong ulam na dadalhin mo bukas.” The last remark she did made me chuckle. She winked at me before she turned and bid her goodbyes. I watched her until she got to the top of the stairway then I closed the door to check on Ma. When I found her sleeping soundly on her back, I closed the bedroom door in silence and decided to hang around the living room.
Nag-iisang linggo na, at hindi ko pa rin nasasabi kay Ma ang tungkol sa kondisyon ni Alicia. Nang matanggap ko ang tawag nito sa opisina, napagdesisyunan kong tawagan ang kapatid kapag nakauwi na ako upang marinig ni Ma mula sa kapatid ko mismo ang tungkol sa lagay nito. But when my finger was about to push the dial tone when I arrived at the doorway and about to turn the knob with my other hand, I couldn’t just bring myself to do it. Matapos kong mailapag ang aking gamit sa loob ng apartment at maipaalam kay Ma na nakauwi na ako, habang naghahanda ito ng mga lulutuin para sa hapunan, lumabas ako ng apartment at tinawagan si Alicia habang nakaupo sa hagdanan.
There, she told me that she was three months along and just knew about it. When Alicia delivered the news to her boyfriend – which I didn’t know because she never told me about it, the prick wanted nothing to do with it and went out of the picture as fast as a lightning. Alicia was catching her breath between her sobs as she told me everything about it, and as much as I hated her for not telling me about it right away, I understood her fear of not telling us. It meant that her dream of becoming a doctor would be hindered by the baby.
She said that she could take care of herself up until her fifth month of pregnancy, telling me that she wanted to finish the semester before stopping and going home to the province for her not to lose the credits from her studies. I was doubtful about her decision since it would not be easy for her to bear the pressure of her studies and part-time job without compromising her’s and the baby’s health. But she told me that her roommate at the dormitory she’s staying would help her with the workload on the restaurant she’s waiting tables at.
Nang makausap ko na si Alicia tungkol sa kondisyon ni Ma, ay hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Sinabihan naman ako nito na huwag mag-alala dahil tutulong siya sa pag-iipon para sa pagpapagamot kay Ma, na siyang ipinagpasalamat ko sa kapatid. It was a heavy burden to carry alone but Alicia made sure that we could always rely on each other’s backs—as what sisters do.
As I went back to the present and sat at the small couch, I scanned through the channels on the television and finally stopping at HBO where When Harry Met Sally was showing, I placed the remote beside me and ran a palm across my face. Nakaramdam ako ng labis na kaginhawaan nang masabi na sa akin ni Alicia ang lahat ng mga bagay na nakakapagpabagabag sa kanya, ngunit ang inaalala ko ay kung paano koi to sasabihin sa aming ina nang hindi sasama ang loob nito. Si Ma ang siyang tumulak sa kapatid ko upang habulin nito ang pangarap na maging doctor at pumunta sa Maynila upang makamit iyon, at hindi ko alam kung paano tatanggapin ni Ma ang balitang magkakaroon na muna ng setback si Alicia sa ngayon.
Wanting to remove the bugging thought from my mind, I chose to focus on Billy Crystal and Meg Ryan being on lunch together and talking about her big breakup with Joe.
NARINIG kong may tumawag ng aking pangalan mula sa kung saan, kaya pupungas pungas akong bumangon mula sa pagkakayuko sa aking mesa at inilibot ang mata sa apat na sulok ng opisina upang pagalitan ang sinuman na dinistorbo ako sa aking pagkakatulog. Nang makita ko ang papalapit na si Gracie na siyang tumawag ng aking atensyon, holding her usual mug that I know would be full of caffeine and her finger pointing at a point beside her lip, agad kong nakuha ang ibig niyang ipahiwatig at inayos ko ang sarili bago ko siya nilingong muli. “Gracie, may maitutulong ba ako?”
“Ako, may maitutulong ba ako sa ‘yo?” There was a hint of concern plastered in her face as she took a sip at her coffee, “ilang araw na kitang nakikitang parang puyat na puyat sa desk mo. Natutulog ka pa ba, o nakapagdesisyon ka nang maging bampira?”
I laughed half-heartedly at her joke as I turned to my desk and fixed the sticky notes and other papers attached at the side of the computer monitor. I heaved a sigh as I absent-midedly picked one sticky note out and played with it on my hand. “Naghahanap kasi ako ng mga pwede kong mapapag-part time-an dito sa Terreva. Mga resto bars o kung ano na pwede kong mapasukan para makapag-ipon ako ng gamot para kay Ma, at hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na mapagkitaan ng pera.”
“Akala ko pa naman natuto ka nang mag-night life dito sa Terreva,” pagbibro niyang muli habang inilalapit sa akin ang tasa. Kinuha ko ito at nagpasalamat sa kanya at sumimsim sa mainit na kape. Napahagikgik ako sa tinuran ng babae na siya ring nakapaglagay ng ngiti sa mukha nito “Tutulong na rin ako sa paghahanap para sa ‘yo. Magtatanung-tanong ako sa mga kakilala ko kung may alam silang pwede mong mapagtrabahuan.”
I placed the mug at the desk before I stood and held her hand to offer her my thanks. “Salamat, Gracie. Salamat. Malaking tulong iyon para sa amin ni Ma.” She patted my hand, nodded her head and took her mug before she went back to her cubicle, along with the curve of her bob cut swaying as she walked.
Bumalik ako sa aking kinauupuan na ramdam ang pagkakawala ng ilan sa mga bagaheng pinapasan ko sa aking balikat. The thought of Gracie coming with help at my one week of finding a part time job that would help me with Ma’s medications and our expenses is such a relief that as if the heavy weight at my chest was lifted.
Kinimkim ko sa sarili ang ngiti sa aking mukha at nilingon ang mga papeles na tila ay patuloy na nadaragdagan, na siyang ibinigay ni ma’am May sa akin upang ma-review ko ang mga ito at ibigay sa kanya ang mga na-revise kong copies ng mga papeles sa aking mesa. But before I could even reach for the top of the file my eye caught a glint of pink at the floor near my foot. I leaned in and grab a hold of it and found out that it was the sticky note that I plaYed in my hand while talking to Gracie a while ago. I read the note that is written on it before I crumpled the little piece of paper and threw it on the trashcan, feeling heavy again.
ALAS diyes y media na ng gabi nang makauwi ako, naghihinang napaupo sa sofa ng munti kong apartment. Dinig ko ang mahihinang hilik ni Ma mula sa kwarto, senyales na mahimbing na ang tulog nito.
Nilibot ko na namang muli ang mga kalye ng Terreva upang makapaghanap ng mapagtatrabahuan upang makapag-ipon ng pera para sa pagpapagamot ni Ma. Nakapagbigay na ako ng sandamakmak na résumés sa iba’t ibang mga bar at restaurant na malapit sa opisina o ‘di kaya ay malapit sa tinutuluyan na apartment, ngunit wala pa rin akong natatanggap na tawag kahit ni isa sa mga iyon.
Tinanggal ko ang aking sapatos at inilapag sa gilid ng sofa habang minamasahe ng isa kong kamay ang aking nangangalay na mga paa nang may mahagip ang aking mga mata. Itinuon ko ang paningin sa cabinet at nakita ang pagkakagulo ng aking kinolektang mga angel figurines.
I walked barefoot towards the cabinet and fixed the angel figurines that were tipped over and put them back at their respective spaces. Maybe Ma didn’t notice that she knocked them off earlier when she was cleaning, or she did and she knew that I wouldn’t let her touch the porcelains so she just let them be. As I placed the last one of them at the furthest corner of the cabinet, I blew out a breath of frustration as I remembered what I considered to do to help with our financial problems.
Selling my collection…
Kinuha ko ang pinakamaliit na piraso ng porselana mula sa aking koleksyon, ang una sa kanilang lahat, at naalala ang panahon kung kalian ko naisip na simulan ang pagkolekta ng mga ito.
Limang taon na ang nakalipas, unang taon ko pa noon sa kolehiyo at kasama ang mga kaibigan sa pagpunta sa pamilihan ng mga school supplies upang bumili ng mga requirements namin para sa school. Papasok na sana ako sa isa sa mga tindahan ng school supplies nang mahagip ng aking mata ang isang maliit na tindahang katabi nito. Isang antique shop ang nakatawag sa aking atensyon, kung kaya ay hinayaan ko na mauna ang aking mga kasama at dahan dahang inilibot ang aking mata sa paligid habang papasok sa maliit na tindahan.
Samu’t sari ang mga bagay – mga lumang bagay – na makikita sa bawat sulok ng tindahang aking natuklasan. Mula sa mga shelf na nakadikit sa mga pader hanggang sa sahig ay maraming mga bagay na pumuno sa munting espasyo ng antique shop na ito. May mga malalaking vase na puno nga ng alikabok ngunit makikita pa rin ang ganda ng mga patterns ng design nito. Kagulat gulat nga at mayroon palang tindahang ganito na makikita sa munting probinsya namin at ngayon ko lamang ito napuntahan.
I approached a rack full of little trophies and jars, and when my eyes were caught by a little porcelain angel lying down a berth with its arms reaching upward, I reached for it and placed it along my line of sight. There were bits of dust that were caught at its crevices, yet I’m still in awe of its beauty. The figurine didn’t look old at all though I’m sure that it sat there at its place for a long time.
Not wanting anybody else to steal the beautiful piece, I walked to the counter where an old man was waiting with a smile on his face and paid for the figurine. And after that day, I would go to the antique shop every now and then to find angel figurines and claimed it as mine, making new companions to the smallest one that I bought.
Napangiti ako sa alaalang iyon, at ibinalik ang figurine kasama ang mga kaibigan nito. Inorganisa kong muli ang mga pwesto nito hanggang sa ako’y masiyahan nang may papel na nahulog sa sahig na nagmula sa pwesto ng isa sa mga angel figurines. Agad kong isinara ang cabinet at kinuha ang papel, na naging sanhi ng aking pagsinghap dahil sa gulat nang maibuka ko ang nakatuping papel. Saka ko lang din natandaan na itinago ko ang papel na ito sa koleksyon ko ng mga angel figurine, dahil hindi ko maaaring ipaalam kay Ma ang tungkol sa sikretong ito.
It was the wedding photo that the Big Boss showed me when he set foot at this apartment a few weeks ago. It is still unsettling for me to look back at the woman in front of the Big Boss at the photo, the woman who shared the same face with mine. I’ve tried to find the reasons behind the striking resemblance between me and this woman, browsed the Internet to find some answers, but things like reincarnation, twins, and many things that talked about the religion didn’t make any sense to me at all.
Dahil sa nais na makapagpahinga na ay tinupi ko itong muli at nagbadyang ibalik ito sa pwestong pinagtaguan nang mayroon akong napansin sa papel na hawak. Tinanggal koi tong muli sa pagkakatupi at nakitang mayroong mga maliliit na salitang nakasulat sa likurang bahagi ng papel. Sobrang liit ng mga titik na nakasulat dito kung kaya ay hindi ito madaling mapapansin. Hindi ko nga ito nakita noong araw na iniwan ito ng Big Boss noong naparito siya sa aking apartment. Inilapit ko sa aking mata ang papel upang mabasa ang mga nakasulat dito:
je suis celui qui te suit
je suis ton ombre
Ni isang kusing ay wala akong alam tungkol sa lengguwahe ng mga Pranses. Kung kaya’t dumagdag ang palaisipang hatid ng mensaheng iyon sa aking pagkabalisa, lalo pa’t may taong namumuhay sa mundong ito na kaparehas ko ng mukha. Agad kong tinago ang papel sa loob ng cabinet at nagtungo sa bathroom upang maihanda na ang sarili sa pagtulog at para mawala na rin ang lamig na naramdaman.
After a quick shower, I went to the living room and started to get ready for sleep on the couch when I heard my phone chime. I fished the phone out from the bag I placed on the cold floor and checked to see who’s calling in the dark of the night. My brows furrowed in confusion when I saw that it was an unregistered number – it wasn’t even Ethan’s numbers showing on the screen.
Naputol ang tawag nang kakalabitin na sana ng aking daliri ang answer button, kung kaya ay minabuti ko nalang na ibalik ang cellphone sa loob ng aking bag. Ngunit hindi pa man ako nakakagalaw ay tumunog muli ang aking ringtone, at nakitang ang nagmamay-ari ng uniregistered number ulit ang tumatawag. Feeling a little nervous, I clicked answer and slowly placed the phone on my ear. “Hello? Sino po ito?”
A deep, dark voice full of authority filled my ear, “let me help you. As you can help me.”
“B-Big Boss?” Nauutal kong sambit nang makilala ang may-ari ng boses na nagmumula sa kabilang linya. Bumilis ang t***k ng aking puso dala ng kalituhan at takot dahi sa mga salitang nagmula sa lalaking kausap. “A-ano po’ng ibig niyong sabihin?”
“I know about your mother’s condition, and that you’ve been working your ass off at the company and even tiring yourself too much from finding another job para matustusan ang pangngailangan niyo ng ina mo.” Wala akong marinig na ingay mula sa kabilang linya hanggang sa magsalita itong muli. “I have a favor to ask you, and I assure you that I will help you in return.”
~