MIKO SAAVEDRA Hindi ko alam kung bakit tila galit sa akin si Lindsay. May nagawa kaya akong kasalanan sa kanya? Parang guessing game lang. Huhulaan mo kung ano ba ang nagawa mo na ikinagalit niya. “Pasensiya ka na hijo sa inasal ng anak ko. Siguro pagod lang iyon kaya mainit ang ulo,” hinging paumanhin ni tita ang ina ni Lindsay. I smiled, convincing myself na maniwala kay tita. Pero kahit hindi niya sabihin nang direkta sa akin. Ramdam ko ang galit sa mga binitawan niyang salita kanina. Kita ko kung paano nagbago ang mukha niya pagkakita niya sa akin. Ang talas ng kanyang mga mata nakatingin sa gawi na kulang na lang masusugatan ako. “It's okay, Tita. I'll understand.” Ngumiti ako sa kanya to assure that I am okay , even it is not. “Maiwan muna kita, hijo. Pupuntahan ko lang si Linds

