LINDSAY Isang malaking kaginhawaan sa akin ang makita ko kahit sandali ang mahal. Kahit paano maibsan ang pangungulila ko sa kanya. Kahit ilang minuto lang kaming magkasama sapat na sa akin sa ngayon para na nahahawakan at nakakausap ko siya kahit tulog ito. Gusto kong araw-araw ko siyang bibisitahin. Pagkauwi namin ni Ella galing hospital ay huminto muna kami sa police station na nag-handle nang case namin ni Vincent. Kailangan kong maunahan magbigay nang statement para ipawalang sala ang Vincent ko. Kahit gustong-gusto ni mama at papa na idemanda para makulong si Vincent ko ay mariin ko itong tinutulan. Dahil wala namn kami pambayad ng abogado at wala kaming kalaban-laban sa mga Arguelas. Iyan dinahilan ko sa mga magulang ko at mabuti na lang at sumangyon ayon si mama akin. Nguni

