Episode 97

1509 Words

HINDI maiwasang mapangiti ni Christopher habang pinagmamasdan ang asawang kandahaba ang nguso at nakabusangot ang magandang mukha nito. Limang buwan na itong buntis at sobrang laki ng tiyan nito. Sa tanang buhay ni Christopher, ngayon lang niya nakita ang itsura ng isang buntis. Ang laki-laki ng pinagbago ng kanyang asawa - sobrang laki na nito na pati pisngi lumubo yata. Ang malala - laging mainitin ang ulo nito lalo na kapag hindi kaagad nabibili ang gusto nitong kainin. Kung minsan, ayaw pa siya nitong patabihin. Kapag niyayakap nga niya, bigla itong nanghahampas ng kamay - parang yamot na yamot at naiinitan daw ito. Kung minsan nagtatampo siya, ngunit naisip niyang ganoon siguro ang babaeng buntis. Sala sa init, sala sa lamig ang ugali. May oras na malambing, mas oras namang ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD