Episode 96

1445 Words

MULA sa veranda, tanaw na tanaw ni Zasha ang mag-ama. Nakasakay ang mga ito sa kabayong puti. Tuwang-tuwa naman ang kanilang anak na si Christian. Halos umabot ang tinig nito sa kabahayan. Hanggang sa makita niyang kumaway sa kanya ang asawa. Nakangiting kinawayan niya ito pabalik. Bumaba siya ng sala upang salubungin ang mga ito. "Mommy!" "Anak!" Napapangiti si Zasha ng makitang mabilis na rin itong tumakbo. Dalawang taon na rin si Christian at masyado itong malaking bata Palibhasa nagmana sa ama. Matangkad at malaking tao, 'di nakakapagtaka kung bakit malaki ang dinadala nito. Lihim na napahagighik si Zasha sa sariling naisip. Kaagad itong yumakap na siyang 'agad niya namang kinarga at hinalikan sa pisngi nito. "Good morning, son." "Horse!" at itinuro nito ang kabayong puti.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD