LUMIPAS ang mga araw. Muling pumanatag ang kalooban ni Zasha nang wala namang sumulpot na Christopher upang kunin ang kanyang anak. Sa isiping nagkamali lamang siya ng pandinig noong mga nakaraang araw, labis ang pasasalamat niya. Hindi niya kakayanin kung sapilitan nitong kukunin at ilalayo ang kanyang anak. Baka masiraan siya ng bait kapag nagkataon. Ano nga namang laban niya sa lalaking iyon? Isa itong Mafia at bukod doon, isa rin itong leader. "Maam Zasha, nasa kabilang linya ho ang ama niyo.." wika ni Nenita - ang kawaksi sa haciendang iyon. Tumayo siya upang abutin ang telepono. Nasa crib naman si Christian at tahimik lang na nakahiga at bumubulong-bulong. Mabuti na nga lang at hindi ito iyakin. Kaya hindi siya masyadong nahirapan dito noon. "Dad?" "Anak, hindi yata ak

