Third POV Nagising si Francis nang may maamoy siyang nasusunog. “ Anong amoy iyon?” tanong niya sa kaniyang sarili at sabay na bumango. Kinumutan niya muna ang kanyang mag-ama bago lumabas ng kwarto. Nagulat siya nang makita niyang nasusunog ang kusina ng mansyon kaya natataranta niyang pinindot ang Fire Alarm nang sa ganun ay maalerto ang kanyang mga kasama lalo na't ang grupo ni Hél. Kumaripas ng takbo si Francis pabalik sa kwarto kung saan naroon ang kaniyang mag-ama. Ginising niya ang kaniyang mag-ama. “Hon, gising nasusunog ang mansyon!” Buhat-buhat ni Francis ang kaniyang anak habang natutulog ito sakaniyang mga bisig. Agad namang nagising sa Khalev. “Kailangan nating makaalis agad sa mansyong ito!” natatarantang dagdag ni Francis sa kaniyang asawa. Dali-dali silang lumabas ng k

