Lumipas ang tatlong buwan simula 'nung mamatay ang ampon na kapatid ni Francis na si Vanessa at tatlong buwan din na hindi dinatnan si Francis ng kaniyang kabuwanang regla. Agad siyang nagpabili ng pregnancy test ng kanilang kasambahay sa botika upang suriin ang kanyang ihi at malaman niyang siya ay nagdadalangtao. “ Ito na po ang pinapabili niyong pregnancy test sa akin, maam.” Inabot ng kasambahay ang isang plastik na may lamang tatlong pregnancy test. “ Salamat, Manang Fe,' Pasalamat ni Francis sa kanilang kasambahay. Agad na pumasok si Francis sa loob ng comfort room upang suriin ang kaniyang ihi. Nilagyan niya ng tig-tatlong patak ang tatlong pregnancy test na hawak niya. Pinagpapawisan si Francis sa mga sandaling ito habang hinihintay niya ang resulta ng tatlong PT. Nanlaki an

