Lumipas ang mga taon at patuloy na lumaki ang kanilang mga anak na puno ng pagmamahal at suporta mula sa kanilang mga magulang. Si Rayo ay naging isang mahusay na piyanista, habang ang kanilang bunso naman ay nagpakita ng talento sa sining. Sa bawat tagumpay at pagsubok na kanilang hinaharap, hindi kailanman nawala ang pagmamahalan at pagkakaisa sa kanilang pamilya. Isang araw, habang naglalakad sila sa parke, napansin ni Francis na tila ba malalim ang iniisip ni Khalev. “May iniisip ka ba, hon?” tanong ni Francis habang hawak ang kamay ng kanyang asawa. “Wala naman, hon. Naisip ko lang kung gaano kasaya at kahalaga ang bawat sandaling ito kasama kayo,” sagot ni Khalev na may ngiti sa kanyang labi. “Alam mo, hon, walang katumbas na halaga ang mga sandaling ito. Ang bawat tawa, bawat yak

