Relentlessly I
“Wear this. Baka manibago ka sa panahon.” Ipinatong niya sa akin ang isang itim na leather jacket bago kami lumabas ng bahay. Pinanatili kong nakalugay ang mahaba kong buhok at isang mahabang dress ang suot ko.
Paglabas ay natanaw ko ang ilang mga kapitbahay nilang nakatingin sa amin. They were greeting him. Mukhang kilala talaga siya sa lugar na ‘to.
Hindi pa nakakalayo ay agad nang may sumalubong na babae sa amin. Malawak ang ngiti nito habang patuyang nakatingin sa aming dalawa ni Seatiel. The old woman’s holding her winnowing basket.
“Uy, Seatiel, nag-asawa ka na? Sino ang babaeng ito? Maganda!” halos mapunit ang ngiting sabi nito habang tinitingnan ang kabuuan ko.
Ngumiti lang ako. I don’t know what to say!
Tumingala ako kay Seatiel sa tabi ko. Nakatingin siya sa babae habang sinasagot ang tanong. Kung anong sinabi niya ay nakaligtaan ko na dahil hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya.
Now, I wonder kung anong pumasok sa utak ko para i-date ang gaya ni Lucas. Mayaman nga at maimpluwensiya ang isang ‘yon, saksakan naman ng kaplastikan. Lucas is good-looking pero magiging average lang yata siya kapag tinabi sa lalaking ito.
Ngayon tuloy ay napapaisip na ako sa buhay ng lalaking kasama ko ngayon.
Umihip ang malakas na hangin dahilan para liparin ang ilang hibla ng buhok ni Seatiel. Hulmado ang kaniyang panga. He’s so manly and it’s out of the world. He got expressive eyes. His physique is enough to make you feel protected.
His shirts are even hugging his body tightly dahil sa muscles niya! Tulad na lamang sa kaniyang mga braso. Mas nakikita ‘yon sa tuwing pinapadaan niya ang palad sa buhok.
“Mauuna na ho kami.”
Kahit sa pagsasalita ay gumagalaw ang defined niyang adam’s apple. It just made him more attractive.
Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin, siguro dahil sa tagal ng pagkakatingin ko sa kaniya. Nag-iwas agad ako ng mga mata. Nagpaalam na rin ang babae nang ‘di ko man lang alam kung anong pinag-usapan nilang dalawa.
Ngumisi lang si Seatiel pero hindi na nagsalita.
Tumingin ako sa paligid nang huminto kami. Sobrang lawak ng lupain. Saka ko lang namalayan na nakarating na kami sa kuwadra ng mga kabayo kaya natigilan ako.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kabayo. My eyes sparkled. Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa personal!
“May kalayuan ang sasakyan ko. Kaya mo bang sumakay?” tanong ni Seatiel habang binubuksan ang isa sa mga kwadra. “Malayo kung lalakarin kaya mas mabuting gamitin ito.”
Namamangha pa rin akong nakatingin sa mga kabayo. Nang mailabas niya ang isang kulay kayumangging makintab ang balat ay hinaplos niya ito.
“Kung sa tingin mo mapapagod ka lang, ihahatid na lang kita kina Margaret.”
Umiling ako sabay hakbang palapit. Medyo kinakabahan ako dahil baka mag-react ang kabayo.
“Can I?” excited na tanong ko.
Tumango si Seatiel. He motioned me to come closer. Lumapit naman ako at maingat na inilapat ang kamay sa kabayo. He guided me. I gently patted the horse’s neck. Napangiti ako habang namamanghang tinitingnan ang kabuuan nito na ngayon ko lang nakita nang personal. Ganito pala talaga kalaki ang kabayo sa malapitan!
“Sasakay tayo rito?”
Tumingin sa akin si Seatiel na binubuksan na ang isa pang kuwadra pero dahil sa sinabi ko ay tumigil siya saglit. “Do you want us to ride the same horse?” tanong niya.
I don’t know why his fluency in English suddenly made me blush. Ang tatas niyang mag-Ingles.
“B-Bakit? Hindi ba? I don’t know how to ride a horse...”
“Are you sure?” Seatiel asked with amusement.
Sa pagkakataong ‘yon tuloy ay medyo pinamulahan na ako ng mukha. “Hmm, siguro nga dalawa na lang,” pagbawi ko sa unang sinabi.
Saglit siyang nag-isip bago tuluyang sinara ang kuwadra at hindi tinuloy ang pagkuha ng isa pang kabayo. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Seatiel went back to me at saka inayos ang saddle.
Malakas ang hangin kaya hindi ganoon kainit. Nilahad ni Seatiel ang palad niya sa ‘kin para tulungan akong sumakay sa kabayo.
Saglit akong napatitig sa kamay niya bago ‘yon tinanggap. He held my hand tightly and helped me lift myself. Matangkad din naman ako at mahaba ang mga binti kaya naabot ko iyon. Inayos niya ang paa ko sa saddle.
Medyo napadaing ako sa sakit ng pagpuwersa ko sa sariling makasakay. Kumirot ang paa ko pero mabuti na lang at nagawa ko namang makasampa nang maayos.
Sa taas ng kabayo ay nanibago ako. My heart pounded when the horse made a slight movement. Napakapit tuloy ako nang mahigpit!
“It’s trained to be gentle and calm, don’t worry,” Seatiel assured me.
Tumango ako kahit medyo kinakabahan. Mabuti na lang at mahaba ang dress ko at hindi ganoon kahapit kaya nagawa kong makasampa nang maayos. Iyon nga lang ay medyo nainitan agad ako.
Tumingin ako kay Seatiel nang hindi siya sumampa at sa halip ay tinutulungan akong makaayos sa ibabaw ng kabayo.
“Hindi ka sasakay?” I innocently asked. Seryoso ba siyang maglalakad siya? Ang sabi niya ay medyo may kalayuan ang kinaroroonan ng sasakyan niya at mukhang maputik ang damuhan ngayon lalo pa’t kakaulan lang.
Eh, saan ba ‘yon? I don’t see anything but the wild field... and other than that, wala na... hindi ko na matanaw kung anong nasa dulo. May iilang puno lang sa paligid.
Nawala sa kabayo ang atensyon ko at napunta kay Seatiel nang kagatin niya ang labi para pigilan ang tawa. Unti-unti ay nagsimula siyang i-guide ang kabayo at seryoso nga siya sa hindi pagsakay.
“I can walk.”
“Pwede rin namang maglakad na lang ako...”
Seatiel just smirked. Hindi naman siya huminto at mukhang maglalakad talaga.
“Ano nga palang pangalan ng kabayong ‘to?” tanong ko.
“Pangalan? I don’t name my horses.”
Napaawang ang labi ko sabay tingin sa kaniya. So he owns those horses?
“Pag-aari mo ang mga kabayo?” manghang tanong ko. “Wow! You must be good in horse riding, then.”
Ngumiti lang ako. Ang dami niya sigurong talent. Bigla ko tuloy na-miss ang pagpipinta.
Painting has been a big part of my life. Hindi naman tutol sa akin sina Mommy sa passion ko but they wanted me to study a different course, work in a different field pagdating ng araw. Kahit iba ang kurso, hindi ko nagawang kalimutan ito.
Mahal na mahal ko ang pagpipinta. I love bringing the images in my head to life on a blank canvas. I am obsessed with color theory. Gustong-gusto ko ang paghahalo sa mga kulay at lumikha ng magandang tingnan sa mata. I love using colors. I love making colorful paintings rather than black and white.
“Siguro ang sayang mabuhay sa lugar na ‘to, ‘no?” biglang sambit ko habang dinadama ang malamig na pang-umagang hangin. The gentle wind of La Esperanza kissed my skin. A morning never felt this good in my life. “Field, good neighbourhood, the mountains... it’s so peaceful. I wish everyone can feel this... it’s lovely. I envy this peace.”
Saglit pa lang ako rito sa Esperanza. Hindi ko pa nga nakikita ang buong probinsiya, pero parang nakakalimutan ko na sa alaala ang itsura ng mansion ng mga Medrano.
Tinanaw ko ang hills sa malayo. Ang ganda pala talaga sa ibabaw ng stallion, para akong nasa mga ulap.
The strands of my long wavy hair followed the direction of the wind as I faced him. Nagtama ang paningin namin ni Seatiel.
“Go somewhere peaceful,” saad niya at magaan ang ekspresyon.
Ngumiti lang ako.
“Live the way you want to, Lauren. This is the art of life. If you love something, then fight for it...”
I bit my lip. I wish. I really wish I’m strong enough to do this, ang panindigan ang ginawa ko.
“Hindi ka ba talaga sasakay? Hindi ko pa natatanaw ang sinasabi mong lugar,” sabi ko na lang sa kalagitnaan. Ako ang napapagod sa bawat ginagawa niyang paghakbang. He didn’t answer.
Bababa na lang din ako at maglalakad!
Feeling ko nagmamaganda lang ako sa ibabaw ng stallion habang siya ay inaalalayan ako dahil baka mahulog.
“Stay still,” utos ni Seatiel nang sumubok akong bumaba. Gumalaw tuloy ang kabayo at kung hindi niya pa napigilan agad, baka nahulog ako!
Pumirmi na lang ako. Magsasalita pa sana pero naitikom din ang bibig at nilingon nang diretso ang daan. Sa ‘di kalayuan ay natanaw ko na ang isang bahay. Iyon lang ang bahay sa parteng ‘yon ng field. May puno sa tabi nito at sa malayong likod ay ang makakapal na puno ng gubat.
My heart skipped a bit. Nasa ibabaw pa lamang ng stallion ay halos panlamigan na ako nang matanaw ang malawak na gubat.
Napakurap ako sa natatanaw. Nagsimulang magbutil ang malamig na pawis sa noo at leeg ko at bumigat ang bawat paghinga ko.
“Isla... hindi mo na kailangang tumakbo o magtago... mahuhuli at mahuhuli ka namin.”
Muling bumalik sa isip ko ang mga boses. Halos manghina ako ngunit naputol ang lahat ng ‘yon nang may biglang humawak sa kamay ko.
Nawala ako sa iniisip at napabalik sa sarili. Lumingon ako sa paligid at nawala ang madilim na imahe. The voices vanished, the sound of the rain faded, napalitan ‘yon ng malambing na tinig ni Seatiel.
“It’s okay. You’re okay. No one can hurt you, Lauren... no one,” marahang sabi niya habang mahigpit na hawak ang kamay ko. Napalunok ako at unti-unting kumalma.
Tama si Seatiel. Maayos ang lahat...
“Nandito na tayo,” saad niya matapos ang saglit na katahimikan. Hinawakan niya ang kamay ko para bumaba na sa stallion, but I couldn’t move my legs. They felt numb. Nanghihina ako at unti-unti pa lang bumabagal ang t***k ng puso.
Seatiel breathed heavily. Nag-igting ang kaniyang panga kasabay ng paglunok. He held my hand so tightly that I wouldn’t slip through his fingers.
“Aalalayan kita. You have to move your body. I’ll get you down,” utos niya.
Tumango lang ako kahit namumutla. Hinawakan niya ang kamay ko at ang aking bewang. Maingat kong inapak ang kabilang paa sa saddle, but my knees are weak. Halos hindi ko mabuhat ang sarili at para lang tuluyang makababa ay halos buhatin niya na ako paalis sa ibabaw ng stallion.
Masiyadong magkadikit ang mga katawan namin nang maapak ko sa damuhan ang mga paa ko. Kapantay ko ang dibdib niya. Doon bumagsak ang mga mata ko habang hawak niya nang mahigpit ang likod ko.
Nag-angat ako ng mga mata only to find Seatiel’s eyes looking at me intently, gentle and soft, like I’m some type of a fragile glass. Bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Sumunod ang tingin ko sa pagdilim ng mga mata niya. Mariin siyang lumunok at unti-unti ay naging maluwag ang pagkakahawak sa likod ko. Lumayo siya at humakbang paatras.
“Magpahinga ka muna. Tanghali na tayo tumuloy...” madilim ang mga matang usal niya at nilapitan ang stallion na nasa likod ko. Hindi ko naman makuhang gumalaw sa kinatatayuan kung saan niya ako iniwan.
Nanatili akong nakatalikod sa kaniya. Humampas ang hangin at nilipad ang buhok ko. Napahawak ako sa tapat ng dibdib at wala sa sariling napalunok.
Why is my heart beating like crazy?
Nauna ako patungo sa bahay. Yari ito sa bato at mukhang matagal nang nakatirik sa kinalulugaran nito. Kung gaano katagal, siguradong mahabang panahon na. Luma na rin kasi ito at mukhang napaglipasan na talaga ng panahon.
Maliit lang ang bahay. Walang mga palapag. Mas malaki lang nang kaunti sa nipa hut. Kahit nag-iisa sa gitna ng field at halatang hindi tinitirhan, hindi naman ito mukhang haunted pero sapat na para magbigay ng kakaibang haplos ng kalungkutan.
The house felt so lonely. Mas mararamdaman mo siguro iyon kung mag-isa ka.
Sa gilid ng bahay ay mayroong puno na ang mga dahon ay tumatama na sa side na ‘yon ng batong pader ng bahay.
Tinali ni Seatiel ang kabayo sa katawan ng puno. Pagkatapos ay lumapit siya sa ‘kin at saka naunang maglakad papasok sa bahay.
“Walang ilaw pero maliwanag pa naman kaya hindi ganoon kadilim sa loob.”
Sumunod ako habang yakap ang coat na ipinahiram niya sa ‘kin. Nauna siya sa loob at nasa likod niya ako habang nililibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay.
Maliit nga talaga ito gaya ng inaasahan kapag nakita mula sa labas. Medyo nagulat pa akong malinis ang loob. May higaang yari sa kahoy, upuan, at isang maliit na cabinet sa tabi ng kama. Sa ibabaw ng cabinet ay may lampara.
Tila hati sa dalawa ang bahay sa loob dahil merong harang na pader na yari sa parang mga pinagtagpi-tagpi o pinagpatong-patong na mga bato bago makita ang mismong kwarto kung nasaan ‘yong higaan. Ganoon ang istilo ng pagkakayari ng buong bahay.
Merong bintanang yari naman sa kahoy. Inangat ‘yon ni Seatiel para mas pumasok ang liwanag at hangin sa loob. Wala pang tanghalian pero medyo malamig ang simoy ng hangin. Hindi rin ganoon kainit.
“Mukhang tama si Ate Aly na uulan,” saad ko habang sinisilip ang bintana. Pati ‘yon ay mababa lang. Nagmistula tuloy bintana ng bahay-bahayan dahil sa tangkad ni Seatiel.
“Hindi ba masakit ang paa mo?” tanong niya at sinenyas na maupo ako. I sat down like a dog so willing to follow everything he’ll say.
“Paano naman sasakit ang paa ko? Hindi naman ako naglakad.” Ngumiwi ako at ginawang kumportable ang sarili sa higaan.
Hindi naman ako naglakad pero napagod ako. Kung dahil sa biglang pag-atake ng mga alaala mula sa nangyari kaya biglang naubos ang lakas ko, marahil nga. My knees are still weak and I’m sure my lips look pale.
Gusto kong maramdaman ang hangin kaya hinubad ko ang leather jacket at pinatong sa upuan. Naiwan ang suot kong sleeveless dress.
Kahit ang bed sheet na puti ay malinis, medyo naalikabukan lang kaya pinagpag ko.
“Magpahinga ka muna. Saka na tayo tumuloy kapag wala na ang sakit ng ulo mo,” sabi ni Seatiel at iniwas ang mga mata. Sinisindahan niya na ang lampara kahit hindi naman na talaga kailangan ‘yon. Bukod yata doon, wala nang ilaw itong bahay. Kahit bumbilya, wala.
Mas makaluma pa ito kaysa sa bahay nina Ate Aly. Ito kasi, wala talagang laman. Lampara pa ang gamit. Wala man lang bang modern lamps? Mas madaling gamitin ‘yon at isang pindutan lang.
Wala rin yatang kuryente itong bahay. Parang silungan lang.
“Huwag na. Maliwanag pa naman,” sabi ko, tinutukoy ang lampara. Sayang lang kasi ang kerosene.
Tumagal ang tingin niya sa ‘kin na napatigil sa akmang pagliliwanag sa lampara. “Kulang ang liwanag, Lauren. Baka dumilim mamaya at magising ka, iyon ang madatnan mo. Wala akong balak na takutin ka rito,” seryosong sabi niya.
I smiled a little at saka hinagod ang kamay sa malambot at malinis na kama. Halos mapahikab ako. Inasahan kong hindi ganoon katibay ang kahoy pero pag-upo ko naman sa kama ay hindi ito tumunog o gumiba. Mukhang yari naman sa magandang uri ng kahoy.
“I’m fine. Just leave it.”
Sobrang komportable ng higaan. And the place doesn’t feel as lonely as I thought it would be, pero siguro dahil lang ‘yon may kasama.
Maaga rin kasi akong gumising kanina pero siyempre mas maaga pa rin ang gising ni Seatiel dahil nanguha sila ng mga mangga.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. “Sigurado ka? Hindi ko iilawan?” Tumango lang ako. Hindi niya na pinilit. “Alright, ikaw ang bahala...”
“Sinong nakatira dito?” tanong ko. Wala nang ibang gamit bukod sa higaan, upuan, at cabinet. Walang mesa. Pero mukhang merong lutuan sa isang bahagi ng bahay malapit doon sa pintuan. Kailangan pa yata ng uling ‘yon o kung anuman.
“Nakatira? Wala... ginagawa lang pahingahan,” saad ni Seatiel. Tinungo niya ang cabinet at may kinuhang isang malinis na t-shirt.
“Ayos naman ito, ah? Mukhang pwede namang tirhan,” sabi ko at tiningnan ang kisame. “Mukhang ayos din ang kisame at walang sira.”
“Masiyadong maliit,” saad ni Seatiel.
“Ayos pa rin naman. Pwede ring palawakan nang kaunti pa! Kaysa sa isang malaking bahay na malungkot at parang walang katao-tao.”
Hindi ko namalayan ang sarili. Natauhan lang ako nang nakitang napangiti si Seatiel. Pati ekspresyon ng mga mata niya ay nagbago nang ngumiti siya. He looked amused, at bahagyang nagpakawala ng mahinang tawang parang gugustuhin mo ulit na marinig.
Kahit tawa niya yata ay maganda sa pandinig! Ano kayang maipipintas sa kaniya?
Masipag, hindi palareklamo kina Ate Aly, he likes kids because he’s taking good care of Bom and Cindy, and it seems like people are fond of him, gwapo rin. Kung totoong nag-aral siya ng dalawang course, siguro matalino siya!
Ako ngang isa lang ang kurso ay halos umiyak na para lang grumaduate tapos siya ay nagdalawa?
“Marunong ka palang mag-ingay. Mas bagay sa ‘yo...”
Napaangat ang kilay ko. Hindi pa rin siya nauupo. Kahit yata lumapit sa higaan kung nasaan ako ay hindi niya ginagawa.
“Your voice isn’t annoying...” sambit niya at saka tuluyang kumuha ng damit sa cabinet. Binaba niya sa ibabaw ng mesa ang susi, wallet, at isang itim na pakete ng sigarilyong mamahalin. I know cause Papa Frank smokes a lot.
Tumihaya ako sa kama at tinitigan ang kisame. Sakto pala ang pwesto ng bintana dahil pumapasok ang hangin mula roon at natatamaan ang pwesto ko.
“Baka gusto mong pumikit. Magbibihis lang ako.”
Nang tingalain ko siya sa kabilang gilid ko ay may maliit na ngisi sa labi niya habang inaayos ang t-shirt para masuot.
Magpapalit pala siya ng t-shirt! Siguro dahil pinagpawisan siya kanina sa paglalakad. Ganoon ba siya ka-conscious sa pawis? Mabango pa rin naman!
Hindi naman ako pumikit. Nagpatuloy si Seatiel pagtapos akong abisuhan. He pulled his shirt straight up over his head, ngunit hindi ko naman naiiwas ang mga mata ko at pinagmamasdan lamang siya.
Hindi sa pagiging proud pero sanay akong makakita ng abs at muscles. Marami akong kilalang models. And my ex-boyfriend is a model and an actor.
I rolled my eyes with the thought of that assh*le at mariing pumikit. Bumuntonghininga ako at saka binalik din ang tingin kay Seatiel. He’s already topless, at sinusuot na ang bago.
Napansin ko ang isang manipis na chain necklace sa leeg niya at kulay silver. It made him look more appealing and attractive. Maputi ang katawan niya at maganda ang bawat hulma ng abs at muscles. Saktong-sakto. Pati mga braso niya ay maganda. The veins in his arms are prominent.
Bagay na bagay sa kaniya maging model. Kung sakali man, pwede kong kausapin si Louisiana na isang model. Kapag nakita niya ‘tong si Seatiel, it’s either ige-gatekeep niya ang lalaki o siya mismo ang maglalantad nito sa public.
Sinuot niya ang itim na t-shirt. Nahulog ang mga mata ko sa dibdib niya. Umawang ang labi ko nang makita ang brand ng damit.
Balenciaga...
Bahagyang umangat ang kilay ko. Is that a fake Balenciaga? Bakit parang mamahalin ang mga gamit niya? Ganoon ba talaga kalaki ang kinikita nila rito sa farm?
Nag-iwas ako ng tingin nang matapos siyang magbihis at tumingin siya sa ‘kin. Tumagilid ako sa higaan. Naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at ang pagod dahil siguro nabigla ang katawan ko sa paglabas ng bahay.
“Take a rest. Gigisingin na lang kita mamaya kapag nakapagpahinga ka na.”
“Paano ang pinapabili? Hindi ba kailangan na ‘yon?”
“Don’t mind it. Magpahinga ka lang diyan,” saad ni Seatiel at inayos pa ang higaan.
Mas lumamig ang paligid kaya hinatak na ako ng kagustuhang magpahinga. Nang mapapikit ay naramdaman ko ang pag-alis niya.
“Saan ka pupunta?” tanong ko dahil baka aalis na pala siya!
Ilang segundo bago siya sumagot. Nang medyo imulat ko ang mga mata ay nakita kong nakatalikod na si Seatiel sa akin at mukhang palabas na. Wala yata siyang balak manatili rito sa loob.
“Sa labas lang ako,” huling sabi niya at saka umalis. Tuluyan na akong nakatulog.
Hapon na nang magising ako. Hindi pa tuluyang lumulubog ang araw pero hindi na ganoon kainit. Mukha ngang uulan pa mamayang gabi.
Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto nang magising, only to find myself alone. Walang tao at walang bago sa ayos ng mga gamit.
Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. My headache is gone. Medyo nanghihina pa rin ako. Agad na hinanap ng mga mata ko si Seatiel pero wala siya sa loob.
Maingat ang mga hakbang na lumabas ako ng bahay. Hinaplos ko ng kamay ang batong pader ng bahay at napangiti.
Ang ganda rito! Gusto ko itong bahay...
Lalabas pa sana ako sa pintuan nang matanaw ko ang isa pang bintana, ‘yong bintana sa gilid sa side kung nasaan ang puno. Doon ako lumapit at dumungaw, tama lang ito sa height ko at maayos kong nakikita ang labas.
Natanaw ko si Seatiel. May isang duyan sa labas sa ilalim ng puno na hindi ko napansin kanina. Doon siya nakahiga habang nakapikit ang mga mata, natutulog. His arms are crossed over his chest. Hindi siya ganoon kalayo sa pwesto ko kaya kitang-kita ko ang pagkakatulog niya. Malakas ang hangin kaya mukhang nakakaantok nga roon sa duyan.
Dahil nakapikit, mas lantad ang mahaba niyang mga pilikmata. Prominent jaw line. He looks like a saint sleeping. Pero kapag gising siya, hindi ko talaga maiwasang panginigan ng mga tuhod sa ilang pagkakataon dahil sa intimidating looks niya.
Far from my ex-boyfriend na maingay at magaan ang personality, ang kaniya ay misteryoso. Ang tahimik niya pa.
Hindi ko namalayang pinagmamasdan ko siya mula sa bintana. Bagay sa senaryo ang sun rays. Ilang oras na lang siguro at lulubog na ang araw.
Napagpasyahan kong lumabas. Siyempre hindi ako sa bintana dumaan.
Mabagal ang hakbang ko dahil sa pagdadalawang-isip. Tatawagin ko ba siya para gisingin o tatapikin? O hahayaan ko muna siyang magpahinga?
“Seatiel...” marahang tawag ko.
Hindi siya sumagot at hindi rin gumalaw. Mukhang malalim ang tulog niya.
“S-Seatiel?” tawag ko ulit, pero gaya nang una’y ‘di siya sumagot. Bumuntonghininga ako at lumapit. Narating ko ang gilid ng duyan. Sa tangkad niya, himalang kumasya siya sa tela nito. Though, the hammock is really huge.
May nalaglag na dahon sa bandang dibdib niya. Napatingin ako roon bago dahan-dahang inangat ang kamay para kunin. Baka mangati siya kung hindi ko tatanggalin.
Nasa dibdib niya na ang kamay ko para alisin ang dahon nang mapaangat ang tingin ko sa mukha niya dahil unti-unti siyang nagmulat. Bigla akong napatigil sa pagkuha sa dahon at naiwan ang kamay sa kaniyang dibdib.
Namumungay ang mga mata niyang sinundan ang kamay ko at bahagyang nangunot ang noo nang makitang nasa dibdib niya ‘yon. Muli niyang binalik ang tingin sa mukha ko, and in a hoarse voice ay nagsalita.
“Anong ginagawa mo?” tanong niyang nang-aakusa.
My face heated out of embarassment. Mabilis kong kinuha ang dahon sa dibdib niya at nilayo ang sarili. Tiningala ko ang puno. “Nahuhulog ang mga dahon. B-Baka mangati ka diyan?” pulang-pula ang mukha na tanong ko.
W-Wala naman akong ginagawa, ah?
“Tss,” usal niya at bumalik sa pagkaka-relax ng katawan sa duyan. Gising na siya ngayon at nakatingin sa akin habang nagkukunwari akong namamangha sa puno at sa duyan. “If you want to touch me, then why don’t you just wake me up? Madali lang naman akong kausap.”
Halos masamid ako sa sariling laway sa biro niya.
“Anong ibig mong sabihin? Kinuha ko lang naman ang dahon. Tayo na nga... b-baka maabutan pa tayo ng ulan!”
“Tayo na?” tanong niya at tumayo na mula sa duyan.
Tumango ako. Medyo nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko siyang tumawa at parang ewan na nangisi sa tanong na ‘yon.
Tayo na. Ibig sabihin aalis na kami!