WARNING: SPG Nahirapan akong makatulog. Hatinggabi na at pakiramdam ko ay titilaok na ang mga manok pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Maliit lang ang kubo kung nasaan kami kanina nang makarating dito sa isla kaya para sa tutuluyan namin ngayong gabi ay naghanap pa sila. Mabuti at may mga bakanteng kubo na pwedeng tuluyan. Nilinis lang nang kaunti at pwede nang gamitin lalo pa’t pansamantala lang naman ngayong gabi. Babalik pa sana kami ni Seatiel sa kabilang isla nang hindi kasama sina Cindy dahil muntik nang walang matuluyan. But that would be risky because it’s already dark. Wala akong alam sa lagay ng dagat at ng mga alon kapag gabi pero kahit sinigurado ni Seatiel na kaya ay hindi talaga ako pumayag. I don’t want him to risk it. Tahimik na ang paligid at tanging kuliglig

