"Vela," "Yes, Tristan?" Sumipsip si Vela sa ginawa niyang bluternate tea. Magkatabing nakaupo ang magkababata sa wooden rope porch swing na nasa likurang bahagi ng bahay ni Vela, na nasa gilid ng swimming pool. "Bakit ka pumayag sa kahilingan nila Papa? Kung napipilitan ka lang--" "Sa tingin mo ba ay hihinto sila sa pangungulit sa atin kung humindi ako ngayon?" "But you don't love me…" Patagilid na tiningnan ni Vela si Tristan. "Tristan naman.. tssk... masokista ka ba?" Mas lalo pang lumamlam ang malungkot na mukha ni Tristan. "Wala ba talagang kahit katiting na..na.." Bumuntong hininga si Vela bago humilig sa balikat ni Tristan. Inilingkis pa niya ang kaniyang mga braso sa kanang braso nito. "Hindi pa ba sapat na umayon ako sa gusto nila Tito at Tita? Kung hihingi ka pa nang higi

