"Ano po nangyari, Tita?" tanong ni Sky pagdating sa yacht club. Sinalubong sila ni Helga nang malamang andoon na sila. "Tristan brought Storm to Med-Hospital. Bigla na lang kasi nahilo at nagsuka. Sinamahan naman agad ni Tristan sa banyo tapos tuluyan na raw hinimatay. Sorry for bringing your sister here, Sky. Nabinat pa ata ang kapatid mo." Alanganing ngumiti si Sky. "I'ts okay, Tita. Kagustuhan din naman po ni Storm na pumunta po sa birthday ninyo. I'm sorry if hindi na po ako tutuloy sa taas. Puntahan ko na po ang kapatid ko. By the way, h-happy birthday po." Hinawakan ni Helga ang dalawang kamay ni Sky at marahang tinapik. "Salamat sa pagbati, iho. Sige na, puntahan mo na kapatid mo." Nagmamadaling umalis si Sky. Na kay Storm ang kaniyang isipan kaya nagulat pa siya nang marinig

