Tamad na kumilos si Vela at tinungo ang events hall na pinapapuntahan sa kaniya ni Tristan. Ayon dito ay may inihanda raw itong isa pang party para kay Tita Helga. Hindi na siya puwedeng humindi doon at wala na siyang alibi na maibigay. Ilang minutong biyahe na lang kasi iyon galing sa bahay o sa bar mismo. Napakurap-kurap siya nang mahagip ng mata niya ang isang pamilyar na pigura. Umakyat iyon sa second floor na siyang pagdarausan din ng birthday party ni Helga. May mga kasunod itong mga alipores. Hindi siya maaaring magkamali! Si Vito Deramo iyon! Nanginginig na sinundan niya iyon ngunit pagdating sa second floor ay wala na siyang namataan na mga tao. Napakalawak pa naman ng second floor. Ang magkaharap na kwarto sa magkabilang gilid ng hagdanan ay ang mga events hall. Sa kanan ang

