"Oh, what a beautiful lady." Inilahad ni Vito Deramo ang palad niya kay Vela. Ngiting ngiti pa ito na parang bukal na bukal sa puso ang pakikipagkamay. Hindi naman magawang iabot ni Vela ang kamay sa matandang lalaki. Siniko lamang siya ni Tristan kung kaya't napilitan siyang ilahad ang kamay niya rito. Hindi alam ni Vela kung paanong pagpipigil ang ginawa niya upang hindi niya punasan ang kamay niya pagkatapos gawaran iyon ng mabining halik ni Vito. "Come, sit here," aya ni Vito kina Tristan at Vela. Pinapaupo siya nito sa mismong tabi nito. Tumingin siya kay Tristan ngunit tango lamang ang isinagot nito. "How long have you been friends with my nephew?" kapagkuwan ay tanong ni Vito kay Vela at Tristan. "Since college po, Sir," magalang na sagot ni Tristan. Tumahimik ito saglit at

