Siervo Sandoval Jr.’s LUMIPAS ang summer vacation naming mag-anak hanggang nagbalik eskwela na sa June ang anak kong si Beatrix Isabella. Madaming nagbago dahil madami ring nangyari. Isa na rito ang kung anong meron sila ng kababata niyang si Allen. Napahinga ako nang malalim dahil sumagi na naman sa isip ko ang gabing hindi ko inaasahan. Boto ako sa batang ‛yon para sa anak ko dahil may prinsipyo siya sa buhay, alam kong matutulungan niyang tumingin sa tamang konsepto ng buhay ang anak ko. Pero ‛yon ang akala ko. Akala ko’y iba siya sa lahat ng naghahangad sa anak ko. Pero kung tutuusin, pare-pareho ang hilig na mga lalaki. Depende kung paano ka susunggab. Kung kaya mong mapigilan o hindi ang kagustuhan mo, ang normal na pangangailangan. Inaamin ko, nagawa ko na rin ‛yon kay Maria

