“NOW, SPEAK."
Ngumuso lang ako mula sa kinauupuan habang kinakalikot ang mga daliri. What am I going to explain? Na may relasyon kami at palihim si Allen na umaakyat sa kwarto ko? Tsk! ‛Yon nga ang problema eh! Wala namang kami kaya paano ko mae-explain nang maayos ang lahat?
“Tito--”
“Isa ka pa, Allen! P*nyeta, pinagkatiwalaan kita para sa anak ko!”
Napatalon ako sa kinauupuan nang sumigaw si daddy. Napatayo ito sa swivel chair na inuupuan niya rito sa loob ng library ng ancestral house namin. Isang parihabang kahoy na mesa ang pagitan namin at magkatapat kaming nakaupo ni Allen sa magkabilang gilid.
Magkatabi sana kaming uupo pero pinaghiwalay kami agad ni mommy, na ngayon ay nasa tabi lang ni daddy habang pinapakalma ito. At tingin ko sa sigaw niya ay maaari na itong makabasag ng babasaging bookshelves dito sa loob. Huminga ako nang malalim.
“D-Daddy, mali po ‛yung iniisip--”
“Whoa! And now I was the wrong here? Lalaki ako, Beatrix Isabella! At kabisado ko ang halang na bituka ng mga lalaki!” Napahilot ito sa sentido bago nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Allen. “Paano kung hindi agad ako pumasok sa kwarto mo, ha? Baka sa susunod na linggo, malalaman ko na lang na magkaka-apo na ‛ko sa bata kong anak!”
Hindi ko na kinaya pa ang sinabi niya at napapaluha na lang. Yeah, I was so stupid! That was a stupid move! Pero hindi ko alam eh, hindi mapigilan ng bata kong puso. Masyado akong mapusok na gusto kong gabi-gabi siyang umaakyat sa kwarto ko, but I know what I was doing back then.
Kung magkataon mang hingiin ni Allen ang kaisa-isang bagay na pinaka-iingatan ko, pag-iisipan ko muna. Maybe, I'll push him away to think straight.
“Tito, I'm sorry. Wala pong kasalanan si Trixie rito. I was the one who kept on chasing her even though it's wrong. I... I tried to forget her... I... tried to cut things between us... but I failed.” Si Allen, habang nakatingin kay Daddy 'tapos ay binigyan ako ng masuyong uri ng titig. My heart started thumping because of the sight. “I failed so many times. But it was always her who could give my heart a thousand feelings. So please, forgive her. Kahit ‛wag na po ‛ko. Ako ang hindi nag-iisip kahit pa mas matured ako sa kanya. Pero isa lang ang hihilingin ko sa inyo...”
Mapangahas siyang tumayo at inikutan ako. Saka nito hinawakan ang mga balikat ko, hinahaplos.
Napakapit na lang ako nang husto sa kinauupuan. God, Allen! What are you doing?! Stop it! Please focus on your mind.
“Please, huwag ninyo akong alisan ng karapatan na mahalin siya. Siya na lang ang nagpakatotoo sa ‛kin kahit... kahit na nasaktan ko siya nang sobra. It's gay to hear but, Tito, Tita...” Humigpit bigla ang pagkakahawak niya sa balikat ko kaya tiningala ko siya. He's eyes were in bloodshot. “I love her and I can wait so many years after achieving her dreams then marry her. Please... Lahat gagawin ko mapatawad niyo lang siya, pero ito, huwag sana ninyo akong tanggalan ng karapatan na mahalin pa rin siya dahil hindi ko ‛yon magagawa. Kahit kayo pa ang magulang ng babaeng mahal ko.”
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ngayon eh. Inis ba, dahil masyado siyang matapang magsalita na akala mo’y kaya niya nga talagang ipaglaban ‛yung nararamdaman niya hanggang sa huli? Maiiyak ba ‛ko, dahil nga... pinaglalaban niya ‛yung totoong nararamdaman sa akin sa harap ng magulang ko? O magiging masaya dahil sa wakes, hindi lang pala ako ang may pinaglalaban dito. Dahil nasuklian na niya ang nararamdaman ko nang nakalipas ng mga taon. It will always be him. Always you, Allen.
“Allen, you know this isn't the right time," tinig ni mommy kaya napunta sa kanya ang tingin ko. Halu-halong emosyon ang mababasa sa mga mata niya pero, may isa ako ro’ng hindi nagustuhan.
Parang alam ko na ang susunod na mga mangyayari.
“Mom--”
“Iwan mo siya, Allen.”
Ilang sandali akong hindi nakahinga nang maayos sa sinabi ni daddy. Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya na ngayon ay malamig na ang tingin, talagang walang kahit anong emosyon. Doon na tuluyang gumuho ang pag-asa ko.
“Dad--”
“Shut up," he used his authoritative voice like it's threatening me if I'll disobey him this time. He then looked at Allen who’s stunned now after spilling out some things. “Ngayon mo patunayan na mahal mo talaga ang anak ko. Iwanan mo siya. Hayaan mo siyang tumayo sa sarili niyang mga paa," may pagmamalaki nitong sabi na lalo kong ikinawindang.
Parehas kaming walang imik ni Allen at pinoproseso pa ang sinasabi ni daddy sa amin. Pinaglalaruan niya ba kami? Akala ko ba boto siya kay Allen noon pa kaya ano na naman ‛to?
“Ano pong kapalit?” tanong ng lalaking nasa likod ko.
“Man to man speaking. Kung mahal mo pa rin ang anak ko pagtapos nang ilang taon, papayag akong pakasalan mo siya. But if fate played you both, then sorry but not sorry. I'll arrange a marriage for my daughter.” “No, no!”
Akmang susugod si Allen kay daddy pero natigilan ito. Napapikit na lang siya at umatras. Tila natatawa naman si dad sa naging reaksyon ng binata.
“Kung ngayon pa lang ay ganyan na ang magiging ugali ng papakasalan ng anak ko, then, I won’t think twice to pull some strings just to stop this arranged marriage meeting. And one more thing, may kasalanan ka pa," dad smirked. He looked at me then to Allen before preparing to leave with mom. He tapped Allen's shoulder. “Good luck.” Agad akong tumayo para sana daluhan si Allen nang muling may sumigaw si daddy malapit sa pintuan.
“Tara na, Beatrix, kung ayaw mong mapariwara ang buhay mo.”
Malungkot ang mga mata kong nagsumamo kay dad na bigyan sana ako kahit isang minuto lang para kausapin si Allen but he didn't listen. Instead, mom was the one who carried me away from Allen's company. Pinapaalis na rin nito ang binata at kung hindi, ay tatawag siya ng security o pulis dahil sa trespassing.
Pabalik-balik pa ang tingin ko sa kanya at sa tinatahak ko habang hawak ni mommy. Ngunit nang makita ko siyang parang nanghihinayang na tumango ay napahagulhol na lang ako. No! I can't do this to him! Hindi ko siya kayang iwan nang ganito, nang misebrale.
My heart ached because of the sight. “I’m sorry," I mouthed.
Pero malungkot lang siyang ngumiti at nakita ko pa ang pagbuka ng ganyang bibig. “I love you," ayon ang huling sabi niya hanggang sa tuluyan na ngang nawala ito sa paningin ko.
My eyes are getting blur because of the forming and falling tears. Habang naglalakad ay nanghihina akong kumalas kay mommy pero ni hindi man lang ako mabitawan nito. Sa halip, ay mas humigpit pa ang pagkapit niya sa ‛kin.
“Hindi ka sa kwarto mo matutulog. From now on, you'll be sleeping to our room. Hinding-hindi na kayo magkikita pa ng Allen na ‛yon, Beatrix Isabella! Naiintindihan mo ba ‛ko?”
Sa wakas ay kumalas na ang kamay niya sa braso ko... At nang binalingan ko ‛yon ay kita kong namula-mula ito. Medyo masakit pa nga.
Nanataili lang akong nakayuko, hindi sinasagot ang tanong niya.
“Sa oras na magkita kayo ng lalaking ‛yon, hindi ako magdadalawang-isip na sampahan siya ng Attempted Rape.”
Doon niya nakuha ang atensyon ko kaya umiling ako na parang hindi makapaniwala. Hindi ko kayang makita ang lalaking mahal ko na makulong nang ilang taon! Marami pa siyang pangarap sa buhay. He'll be a good doctor soon. Hindi ko kayang makita siyang gumuguho kasama ng mga pangarap niya. And yes, I admitted it. I love him.
Si daddy naman ay malamig lang na nagmamatyag sa amin saka binuksan ang kanilang kwarto. Nakagat ko ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang paghagulhol.
I didn't imagine na aabot kami sa ganito.
“Wala kaming ginagawang masama--”
“Wala man o meron, pero umakyat siya sa kwarto mo! Bakit, ha? Anong rason?!” Halos pumutok na lang ang ugat nito sa leeg dahil sa lakas ng pagkakasigaw. Pero hindi ako natinag at itinago na rin ang totoo kong emosyon. “You both weren't doing anything wrong but the lights were off! Hindi ako tanga, Beatrix! At bilang ina, alam ko ang makabubuti sa ‛yo kaya kapag sinabi kong tigilan mo siya, titigilan mo siya! Understood?!”
Ngumisi lang ako nang sabihin niya ‛yon. Lagi naman akong dinidiktahan pero bakit ba hindi pa ‛ko nasanay?
“Humarap ka sa ‛kin kapag kinakausap kita!” sigaw na naman nito. Kaya biglang lumabas muli ang pumasok na si daddy sa kwarto at inalalayan si mommy. Ngunit nagpumiglas ito. “Umamin ka nga, ngayon lang ba ‛to nangyari?”
Nagpantig ang tenga ko at parang nabato na lang sa kinatatayuan. Totoo nga ang kasabihang walang lihim na hindi nabubunyag. After all these years, mukhang lahat yata ng baho ko ay ngayon lang malalaman ng magulang ko. Hindi ako sumagot.
Namanhid na lang ang kabilang mukha ko nang dumampi rito ang palad ni mommy. Rinig ko ang bilis ng hininga niya, tila pinipigilan ang kung ano mang emosyong ikinukubli.
Hindi ko man lang nagawang gumalaw. Nanatili lang akong gano’n ang ayos at narinig muli ang masasakit na salita na binitawan ng magulang ko. Nakatingin lang ako sa sahig at binibilang ang mga patak ng luha mula sa walang emosyon kong mata.
Pakiramdam ko sa mga oras na ‛to ay mukha na akong napakatigas na bato na mahirap basagin. Kabaliktaran naman ng puso kong durog na durog na ngayon.
Hindi ko akalaing napakaraming nangyari sa gabing ‛to. My parents were so disappointed about having a daughter like me while Allen will be gone from now on. Hindi ko alam kung paano pa kami magkikita nito. Gayong tinakot na ‛ko na sa oras na makipagkita ako sa kanya, ay maaari siyang sampahan ng kaso. Worse, baka makulong pa. I can't imagine him suffering behind the bars.
Kaya hindi ko na alam ang gagawin. Should I step back and run from this situation? Pero saan ako pupulutin kung hindi ko haharapin ang mga ito?
Our vacation went... good. Nag-travel kami sa mga lugar dito sa Antipolo na minsan lang naming puntahan. We did hike on some familiar mountains. Medyo lutang pa nga ako while spending time with my parents. Hanggang sa na-appreciate ko ang ganda ng tanawin nang makarating kami sa tuktok ng isang bundok.
I inhaled the smell of nature that day and I must say... that was life. I just hoped Allen was there to appreciate the beautiful view of nature too... with me. Lihim akong nanalangin no’n. I prayed that someday, parehas na kami ni Allen ng tinatahak sa buhay. Sana balang araw ay sabay na naming malibot, ma-appreciate at harapin ang buong mundo. Magkasama at walang balakid.
Dumaan pa ang ilang araw. Kapag hindi kami naka-schedule na pamilya sa ibang trip ay nasa kwarto lang ako, nagmumukmok. I don't wanna talk to anyone. Grounded din ako. Walang phone o kahit anong gadgets na pwedeng gamitin to release my boredom.
Sige nga, paano ako mabubuhay nang ganito? Tatagal pa ba ako sa mundo? O.A. man pakinggan but this is too much!
Isang gabi ay nasa garden ako. Kakatapos lang naming mag-dinner nang dumiretso ako rito at naupo sa bench. Pansin ko namang palihim na sumisilip-silip si mommy at daddy dito pero hindi ko sila pinapansin. I became cold from the past weeks. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung kailan ko sila kayang kausapin nang walang sama ng loob.
Ayokong mabigat ‛yung puso ko habang kausap sila eh. They tried to approach me sometimes pero kung hindi tango ay iling lang ang sagot ko. Ayoko silang sigawan. Mas maiging kimkimin ko na lang ‛to.
The scent of flowers welcomed my nose that made me relax then I somehow reminisced. Ito ‛yung dinaanan ni Allen para makaakyat sa balkonahe ko. Tumingala ako at napailing dahil talagang mataas nga ang tinalunan niya.
I smiled at that thought. I already missed him. No. I was missing him since he stormed out of this house. Wala akong nagawa no’n. ‛Cause I'm just a dependent girl who can't stand by herself.
Dad was right. Kailangan ko ngang tumayo sa sarili kong mga paa. And if that time will happen, I won't just chill and enjoy being alone. I'll immediately search for Allen Madrigal. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan.
Sa huli ay tumingin na lang ako sa mga bituin. Hindi tulad sa Manila ay mas tanaw ang mga bituin dito kapag gabi. Naalala ko si Allen sa pinakamalaking bituin at ako ang katabi nitong maliit.
“Please, forgive me, Allen.”
Hindi kita naipaglaban... sa ngayon.